Theatre: A Run Through

115 8 0
                                    

Ladies and gentlemen!

Are you all excited?

Are you thrilled?

The moment you've all been waiting for has now risen up on stage! Fasten your seatbelts, ready your cameras, for the wild show has begun!

Starring:

Mikaelis Heathcliff
-The mischievous old man

Yuuri Heathcliff
-Queen of Elliar Kingdom

Navis Heathcliff
-The obnoxious and scandalous Lady Melbourne Demounio, stepmother of Cinderella

Mozart Heathcliff
-The mysterious priest

Hirian Heathcliff
-The very very very handsome prince charming, his highness prince Hirian Charming

Sabrina Collins
- The heroine, Cinderella, who was treated as a servant of her step family

And lastly, our all time favorite...

Anastasia Leonhart
- Cinderella's evil step sister, young lady Anastasia Demounio


THEATRE:

       "OUR MISSING CINDERELLA"

Genre: Romance, Drama

"Ayusin mo, Tasha," sabi ni Mikael.

Pikon kong pinaypayan ang sarili ko. "Anong klaseng role ba itong binibigay niyo sakin?!" reklamo ko.

"Ganyan, dapat ganyan ka magsalita," sabi niya.

Iniinis ako nito.

"Anastasia."

Napalingon ako ni Sabrina.

"Isipin mo na ako ang pinakainiinisan mong tao," sabi niya. "Sakin mo ibuhos lahat ng inis mo sa kanya."

Pinakakinaiinisan kong tao? Unang pumasok sa isip ko si Heinz.

"Again!" sabi ni Mikael.

"P-Pwede ba akong sumama sa inyo sa palasyo?" pagmamakaawa ni Sabrina.

"Sa mukha mong iyan, sasama ka?" tanong ni Navis na siyang ina raw namin.

Sinusubukan kong isipin na siya si Heinz, lumuluhod at nagmamakaawa sakin.

Mapanudya akong napatingin sa kanya. "Ang kapal naman ng mukha mong sumama samin, Heinz." Nilabas ko ang aking pamaypay. "Tingin mo naman, mas maganda ka sakin?"

"P-Pero—"

"Sister, mahiya ka naman," sabi ko sabay halakhak. "Kadiri ka."

Humalakhak rin si Navis.

"Okay cut!" sabi ni Mikael.

——

"Paano?!" singhal ko. "Paano ko mapapamahal ang prinsipe?" tanong ko kay Mikael na ngayo'y isang matandang hukluban.

Ngumisi siya. "May ibibigay ako sayo at pag ginamit mo ito sa prinsipe sa pagpatak ng alas dose, mapapasaiyo siya, iha. A-ha-ha-ha!" Tumitindig ang mala-gurang niyang boses.

Ewan ko ba kung bakit pero mahilig daw siyang magpaka-kontrabida.

"Akin na!" Hinablot ko ang boteng hawak-hawak niya. "Nakakainis talaga ang babaeng yun!"

"Okay cut!" sigaw niya.

——

Nag-belat lang siya saka nagsimula ulit. "Mahal kong anak," sabi niya nanaman. "May napili ka na bang mapapangasawa?"

"Oo, Ina," sagot ni Hirian. "Pero hindi ko kilala ang pangalan niya. Bigla-bigla nalang siyang tumakbo."

"Yung magandang babae ba kagabi ang tinutukoy mo?" tila'y gulat na tanong ni Yuuri.

Ngumiti naman ng makahulugan si Hirian. "Opo, ama."

Ang gagaling nila!

"Cut, cut!" singhal ni Mikael. "Ina, Hirian, Ina!"

———

"Paano?!" singhal ko. "Paano ko lalasunin ang walanghiyang lalaking yun?! "

Kumunot ang noo ni Mikael. "Anong lalasunin? Paibigin, paibigin! " pag-diin niya.

"Hindi ko kailangang paibigan ang prinisipe kung pwede ko naman siyang paluhurin sa harap ko. " Inis kong nahampas ang pamaypay sa lamesa. "Oh tanda, ano na? Oh puro ka lang rin satsat?"

Ngumisi siya bigla. "Ayan, iyan ang gusto ko, iha." May kinuha siya mula sa kapa niya saka ibinigay sakin." Gamit niyan, hindi mo lang mapaibig ang prinsipe, mapapasunod mo rin siya sa lahat ng gusto mo!" Saka siya humalakhak.

"Magaling, tanda." Hinablot ko yun mula sa kanya saka dali-daling bumaba sa stage. "Sabrina, halika na! Ingudngod natin to sa pagmumukha—"

———

"Pasensya na," sabi ni Hirian. "May iba na akong mahal."

Umiling-iling si Sabrina. "Mahal na prinsipe, iginayuma ka lang ng kapatid ko."

Scene na nilang dalawa sa stage.

Nanood naman kami nina Navis dito sa bleachers.

"Hindi kailanman naging totoo ang gayuma," balik niya. "May ebidensya ka ba sa sinasabi mo?"

Napayuko nalang si Sabrina. "W-Wala po, kamahalan," mahinang sabi niya. "Pero may kakilala akong makakapatunay na totoo ang mahika."

Nasapak ko ang kamay ni Navis. "Akin iyan." Kinuha niya kasi ang fries ko.

"Damot nito, " balik niya sakin.

"At sino naman yun?" Napabalik ang atensyon ko kina Hirian. Nilapitan niya si Sabrina.

"S-Si..." Napaiwas naman ng tingin si Sabrina. "Si— Yan, wala ka namang pangalang nilagay sa script!" biglaang reklamo niya.

Napatayo si Mikael.

"Cut, cut, cut!" Magkasabay naming sigaw ni Navis at Yuuri.

———

"Ina, bakit?!" ngawa ko kay Navis. "Bakit hindi ako ang pinili ng prinsipe? Bakit hindi ako ang minahal niya?!"

"Bakit nga ba hindi?!" bulyaw niya sakin bago tinulak-tulak ang noo ko. "Ikaw kasi, hindi mo ginalingan! Ilang beses ko bang sabihin sayo ha?! Akitin mo ang prinsipe, paibigin mo siya!"

Halos maiyak na ako. "I-Ina, paano ko siya paiibigin kung may mahal na siyang iba?! Paano, kung sa simula pa lang, talo na ako?!" Parang may na-trigger sa sistema ko. "Paano ba ina kung nakasulat na sa lintek na script na yan na iba ang mamahalin niya at hindi ako?!"

"Hoy!" rinig kong reklamo ni Mikael.

Hindi makapaniwala namang napalingon sakin si Navis. "Naririnig mo ba 'yang sarili mo? Kung yan ang pinoproblema mo edi baguhin mo ang script! Simple!"

Napakurap-kurap ako sa sinabi niya.

"Cut, cut, cut!" singhal ni Mikael. "Malapit na ang carnival, ano ba?!"

Baguhin ang... script?

Tumawa si Navis. "Sorry direk."

Napaisip ako. Posible kaya? So far, andami na ngang nagbago.

"Anastasia!"

Napaigtad ako at napalingon kay Mikael na ang sama na ng tingin sakin. "Umayos ko kundi mabato ko talaga tong script sa mukha mo."

NOW SHOWING IN HEATHCLIFF CARNIVAL
Run Throughs

A Villain's Ever AfterWhere stories live. Discover now