Chapter XXIII- Auction

146 7 0
                                    

"What goes on between us, no one has to know. This is a private show."
-Rihanna

ANASTASIA LEONHART

Napakurap-kurap ako habang titig na titig sa libro. Ilang beses ko nang binasa ng paulit-ulit ang libro pero hindi talaga ako namamalikmata lang.

To Be With You nga ang title!

B-Baka naman, nagkataon lang?

Pero nabalutan kasi ito ng kadena kaya hindi ko mabuksan-buksan. Ang suspicious ng librong to!

Hinanap ko agad ang may-ari. "Ale, pwede po ba itong pabuksan?"

Kakaiba ang tinging ipinukol niya sa libro bago pumunta sakin. "Akin na yan, hindi ko iyan ipinagbili."

Mas lalo akong kinabahan. Inilayo ko sakanya ang libro. "Babayaran ko po to kahit gaanong kalaki," pakiusap ko. "I'm a noble, I can give you anything." I don't want to slander my status but I'm really desperate right now. Baka nandyan ang sagot ng lahat ng mga katanungan ko!

"Bakit ba gustong-gusto mo ang librong yan?" seryosong tanong ng matanda. "Namukhaan mo ba yan?"

Natigilan ako sa huling tanong niya. Kinakabahan kong tinitigan ang matanda. May alam ba siya?

"A-Anong ibig niyo pong sabihin?" Nanginginig ang boses ko.

Bumuntong-hinga siya. "Isang pamana ang librong yan ng isang mayamang pamilyang bigla nalang naglaho maraming taon na ang nakakalipas."

Naglaho? Parang narinig ko na ang kwentong iyan ah?

"And why do you have that?" Biglang sumulpot si Nicol sa tabi ko.

"Hindi kita kailangan sagutin," tanging sagot ng matanda. "Iningatan ko iyan dahil iyan nalang ang natitirang ala-ala ng pamilya. Ngayong alam mo na kung bakit hindi ko iyan ipinagbili, akin na iyan."

Wala akong nagawa kundi isauli ito sakanya. Nanghihinayang ako. Dahil sa ipinaliwanag niya, mas lalong lumaki ang pagdududa ko.

"Do you really want that?" tanong ni Nicol nang makalabas kami sa stall.

Hindi ako nakasagot. Para akong nawalan ng ganang maglibot-libot. Nakakapanghina. It felt like the truth was already at my fingers but it slipped away.

"If I happen to acquire that book," panimula niya. "Grant me another favor."

Taka akong napatingin sakanya. "Sigurado ka? Paano mo makukumbinsi yung matanda?"

"The favor first," paniniguro niya.

"I will—Whatever," I assured. "Ano bang gusto mo?"

Sumeryoso siya bigla. "Cancel your engagement."

Napanganga ako. "Nagjo-joke ka lang, hindi ba?" di-makapaniwalang tanong ko. "Tatawa na ba ako?"

"I'm serious," sagot niya. "That book in-exchange for your fiancé, pick."

May galit pa rin talaga siya kay Heinz dahil sa nangyari years ago.

Nag-aalinlangan akong napatingin sa kanya at sa stall na pinasukan lang namin kanina.

Gusto ko talaga ang librong yun. Pero...

Umiling ako. "Sorry, I wish I could, but I can't do that."

Ang seryosong mukha niya ay napalitan ng pagtataka. "You wish you could? You mean, you wanted to cancel the engagement since the beginning?"

Napatikom ako ng bibig. Ba't ba ang kati-kati ng dila ko?!

"Hey my lady," tawag niya. "Sagutin mo ko."

Dali-dali akong umiling. "Hindi, nagkakamali ka ng—"

"You're lying," putol niya sa sasabihin ko. "It's written all over your face."

A Villain's Ever AfterWhere stories live. Discover now