Errors Ahead
11:11
*Fast forward in my 12th grade*
After that year nothing has changed, although the guy I like turned to be a jerk. I couldn't help it, kinikiligi parin ako every time nilalandi niya ako at kahit alam ko he's just playing with my feelings I continued to be his friend. The loader era didn't actually end at naging alila ako ng sariling damdamin, I tried so hard for him to see me. I treat him lunch, do the favors he'd ask me like doing some of his assignments and presentations. I even bought some gifts. Matapos gawing mukhang tanga ang sarili I still like him, after all it's not his fault it's my choice. I chose to show him how important he is to me.
Tanghaling tapat na pero narito parin ako sa kwarto ko nakahilata, hindi alam kung ano ang gagawin. I felt sorry for my room though, kung nakakapagsalit lamang ito nag reklamo na siguro ito na ayusin ko man lang kahit kaunti. My study table is a mess, mga unan ko nahulog na sa kama at kung ano ano pang mga kagamitan ko ang nasa sahig dahil sa katamaran kong ibalik agad ito. Nakakaapekto pala ng mood tong mga crush crush na toh.
"Maria sentisima! Serene, ayusin mo nga itong kwarto mo! Kababaeng tao burara sa kwarto. Smokey mountain na itong lungga mo!"
Mas naging dilat pa sa usual na pagkadilat ang mga mata ng ina ko nang makita kung gaano ka gulo ang kwarto ko, smokey mountain nga daw diba.
"Maaaa, I'm lazy." Reklamo ko habang nagulong sa kama ko.
"Lazy lazy, tumayo ka na diyan at nang makapag ayos ka na ng kwarto mo." Sabay kurot sa tagiliran ko. Ngiwi ngiwi ang aking labi kakainda sa sakit ng kurot ni mama.
"Manang!!! Wag niyong tutulungan toh si Isla ah, paglinisin niyo ho ng kwarto toh mag isa."
Bago pa maka angal sinaraduhan na ako ni mama ng pinto, I was left with zero choices. I lazily stood up and stretched my body for a while. "Let's do this." I told myself and turned on some music.
I hate cleaning my room!!! It's too big kaya naman nakakapagod maglinis. Makalipas ang tatlong oras di padin ako tapos sa pag aayos ng mga gamit ko, mas lalo ko pang nilakasan ang speakers ko and played some KPOP songs para more ENERGY!
Ang daming basura and my stationary? Nagkalat na mga pens, mayroon pang nagkahulog hulog sa sahig. Ang mga sticky notes ko naman ay hindi na naka hilera ng maayos, ang basura ng mga ginupit ko nung nakaraang linggo ay naroon parin. No cap, inabot ako ng alas sais ng hapon naliligo sa pawis dahil kailangan patayin ang aircon or electric fan para di nalipad ang alikabok at basura, at malapit pa mapagalitan ulit dahil panay daw ako cellphone kaya di ako matapos tapos. Well nagpapalit lang naman ako ng kanta.
Pagod na umakyat sa kwarto ko matapos maghapunan I jumped to my bed and scrolled through my phone. Then a question crossed my mind, I remember once there was a book I saw na ang title is 11:11, I haven't really read it but I wondered why it was titled that way. I ended up searching what does the time 11:11 symbolizes.
Search: what does 11:11 mean or symbolizes?
Results:
11:11 is called the wishing hour, people make wishes at 11:11 for the same reason they wish on falling stars, dandelion fluff and birthday candles.
That seemed fun to do and the thought of patience and how desperate people are to wait for 11:11 just to make a wish.
I checked my clock and it says 10:49 pm, hmmm few more minutes to wait let me join the pack of desperate people! I patiently waited for 11:11 and didn't even tried to lose sight of time, my eyes were laser focused to my round clock that did nothing but moving its hand slow as a turtle.
After a century it was finally 11:11, char, dali dali kong pinag krus and aking daliri, my eyes shut with a heart filled with hope and desperation, while pleading cupid over and over again to grant my only desire.
The following day I had a good feeling that what I wished for will be granted. Kung dati nakayuko ako o di kaya'y nakatakip ng panyo ang mukha today I entered school with my head held high and my heart calmed it felt as if everything will go my way today. Mabagal ang takbo ng oras habang naghihintay ako para sa recess time at kahit anong lecture at activities pa ang meron, kahit anong daldal ko, pagyugyog ng binti ko at pagunat parang ayaw gumalaw ng mga kamay ng orasan. Kaya naman mismong pag ring ng bell dumeretso ako kay Pennie para guluhin ang nanahimik niyang buhay.
"Let's go!" Hinila ko na agad siya at mabilis na nag lakad.
"Saan nanaman tayo?" It wasn't hard for her to keep up since mas matangkad siya sa akin.
"Edi sa heaven." I excitedly answered.
"Heaven? Eh mukhang demonyo yung gutso mong makita." I didn't mind what she said and still went with my usual plan, dumaan sa room nila.
Oh what a very great timing! Nang padaan na kami sa corridor nila agad kong nasilayan ang pagmumukha ng isang mapaglarong nilalang with a big smile plastared on his face kasama ang kaniyang mga barkada.
"Hi Isla." Bati niya ng magkasalubong na ang aming mga mata.
"Hi." Nahihiya naman akong kumaway at derederetso na siyang lumakad.
"Hihihi." Hagikgik ko at mahigpit na kumapit sa braso ni Pennie.
"Aysus kilig ka naman."
11:11 worked! It seriously did! or maybe it's just luck, but I was happy. I never felt this happy for a long time, all I have been feeling was low and bored. Thank you 11:11!!!
BINABASA MO ANG
Wasn't Meant To Be
Teen FictionHave you ever experienced being in love with someone who can't see you? Of course, not literally, it's figuratively in a way that the said person can't and doesn't want to see how much you could offer and give. Your intentions and worth, beauty and...