Chapter 27

3.4K 72 2
                                    

Dedicated po ito kay shellymae26
Siya po iyung unang tao na nagpadedicate sa akin.. Sorry phone ko kasi gamit ko, tapos di ko alam kung saan mahanap iyung para sa dedication..
ENJOY!! ^.^
__________________

Kathryn's POV

Isang linggo na rin simula nung nawala siya, hanggang ngayon di ko pa rin siya nadadalaw sa puntod niya..

"Kath, nakikinig ka ba??" tanong sa akin ni Julia.

"A-ah.. Oo, sige tuloy lang" sabi ko.

"May problema ba?" tanong ni Ej.

"Mocha baby, natural meron. Di naman magkakaganyan iyan kung walan problema" sabi ni Kiray.

"Oo nga naman Ej. Tama si Kiray" pagsang ayon ni Liza.

"Guys, pasensya na ha.. Masama pakiramdam ko, babawi na lang ako sa susunod. Sige alis na ako" sabi ko. Tinawagan ko agad ang driver namin na ipasundo ako.

Habang hinihintay ko ang driver namin.. May nahagip ang mga mata ko, SI ANGELA.Kailan pa siya naka uwi??

*Beep*    *Beep*

Sunakay na ako sa sasakyan. Ngunit di pa rin maalis sa isip ko nan nandito na si Angela.

_______________

Angela's POV

Nalaman ko na hindi raw muna makakabalik si Jd sa London, kaya sinundan ko siya sa Pilipinas. Sige, sabihin na nating desperada ako, pero ayaw ko na may ibang babaeng aangkin pa sa kanya.. Mahal ko na siya at akin lang siya.

Nandito ako sa mall ngayon, hinihintay si Jd.

"Oh, Angela" bati niya. Ngumiti lang ako at umupo na siya sa harapan ko.

"Bakit di ka muna makakabalik sa London?" tanong ko agad sa kanya.

"Namatay ang kakambal ko" pagkasabi niya nun.. Nagulat ako.. Si Dj wala na??

"Co-condolence" iyun na lang ang sinabi ko. Nag order muna kami.

Maya maya ay dumating na ang order namin.

"Ikaw, dito ka rin ba muna magiistay?" tanong niya sa akin.

"Umm, oo eh." sabi ko. Nagpatuloy na kami sa pag kain.

Maya maya ay natapos na kami kumain.

"Angela, una na ako.. May pupuntahan pa kasi ako eh" tumango na lang ako bilamg sagot at umalis na siya.

________________

Daniel's POV

Pagka alis ko sa mall pumunta agad ako sa bahay nina Kath. Kahit naman nagtatampo ako dun, gusto ko pa rin siya makita eh.

*Dingdong*   *Dingdong*

Bumukas ang gate.

"Oh, kuya Dj, nandito po pala kayo.. Pasok po" pinapasok ako ni Andrea.

"Nasa kuwarto po si Ate Kath tawagin ko lang po" sabi niya. Tumango na lang ako bilang sagot. Umupo muna ako sa sofa nila habang hinihintay siya.
__________________

Kathryn's POV

Humiga ako pagkarating ko galing mall. Tutal, nakapag bihis na naman ako ng pambahay.

Maya maya ay may narinig akong katok mula sa pinto.

"Pasok!" sigaw ko. Nakita ko naman si Andrea.

"Ate, may bisita ka po" sabi niya.

"Sino?" tanong ko ngunit ngumiti lang siya sa akin at umalis na. Sino kaya bisita ko?

Bumaba na ako, at nakita ko si Jd na tumayo agad pagkakita niya sa akin.

"Napadalaw ka" sabi ko.

"Oo nga eh.. Kath, sorry nga pala kung nasigawan kita nung huling linggo ha" sabi niya. Umupo muna kaming dalawa.

"Ako nga dapat mag sorry eh. Hindi ko man lang inisip iyung nararamdaman mo" sabi ko.

"Okay lang iyun." sabi niya.

"Friends?" tanong niya at inabot ang kamay niya.

"Friends" sabi ko. Di ko siya kinamayan, sa halip ay yinakap ko siya... At sa yakap na iyun naalala ko ulit siya.

----------------------

Guys okay lang?? Sabaw ba?
Bawi ako sa susunod..

Quota:

4 votes = UPDATE :)

Please VOTE and COMMENT!!

-d_prinsesa24

Secretly Married with HIM (kathniel)Onde histórias criam vida. Descubra agora