Chapter 12

176 5 0
                                    


***

"Ano girl? Go ka ba?"

"Oo nga girl, haharangin natin si Prinsipe West mamaya 'no, para makausap natin siya! Bakit kasi kasama niya palagi 'yung payatot na Liezey girl na 'yun eh."

Napapapikit na lang ako sa mga plano nila Krezella at Amora. Sinabi ko kasi sa kanila ang tungkol sa tagpo namin ni Facio noong birthday ng ama ko. Nanghihingi rin ako ng tulong sa kanila para mapabilis ang aksyon dito. Ngunit hindi raw namin magagawa basta-basta ang plano kung walang tulong ng mas ma-impluwensya na noble sa amin.

At ang naisip pa nila ay ang mahal na Prinsipe!

Nahihiya pa ako do'n eh! Saka balik na rin naman siya sa pag-sama kay Liezey palagi.

Nakalimutan na niya agad ako.

U-U

"Sige, mamaya 'yung plano natin ah?" Ani ng dalawa at agad-agad na nag-si-alisan sa harapan ko.

***

Suot ko ngayon ang kulay violet ko na dress na binagayan ng sandals ko na pink. Ang sabi kasi ni Amora ay dapat raw pag-palit-palitin namin ang suot namin sa pamamagitan ng mga kulay ng buhok namin. 'Yung sa akin ay sa buhok ni Krezella kaya kulay violet ang suot kong dress. At kay Krezella naman ay ang kulay ng buhok ni Amora kaya ang suot niyang dress ngayon ay kulay red. At kay Amora ay ang kulay ng buhok ko which is pink.

"Apir! Triple twinnie's tayong tatlo nito!" Sigaw ni Krezella.

"S'yempre, ako yata ang naka-isip nito." Maangas na sabi ni Amora na hindi naman bagay sa kaniya.

Napapatawa na lang tuloy kaming tatlo bago isinagawa ang plano nilang dalawa.

Hay nako! Sila lang naman dalawa ang nag-plano kanina. Hindi na ako nakisali dahil paniguradong aayawan nila ang plano ko.

Kailangan kasi naming kausapin si Prinsipe West. Ngunit may date yata ito kasama si Prinsesa Liezey sa Kapital ng Graziel Kingdom.

Ang orihinal na plano nilang dalawa ay ipapasalvage daw namin si Liezey saka raw namin itatanan si Prinsipe West sa magubat na forest ng Azana kung saan nandoon din si Facio.

Mga siraulo!

Pero ang plano nila ngayon ay paaalisin nilang dalawa si Liezey sa date nila 'mismo' ni Prinsipe West at tatakutin na ipapasalvage daw nila ito. At doon na raw namin makakausap ang Prinsipe.

Napapahawak na lang ako sa aking noo at nakangiwing naghintay sa dadaanan ng dalawang mag-da-date.

"Ayan na! Ayan na!"

"Gosh! Nakalimutan ko palang tumae!"

Napangiwi na naman ako sa sinabi ni Krezella. Nakahawak na ito sa tiyan niya ngayon.

"Ano ba 'yan girl! Kung kelan malapit na sila oh!" Reklamo naman ni Amora.

"Nako 'di bale! Pipigilan ko na lang. Basta 'pag may maamoy kayo, walang sisihan ah!" Barumbadong sabi ni Krezella at inakbayan kaming dalawa ni Amora.

Nang dumaan sa harapan namin sila Prinsipe West at Prinsesa Liezey ay agad na hinarangan ito nina Krezella at Amora.

Maarteng napatingin sa akin si Prinsesa Liezey.

"Oooppss! Hindi kami trespassing dito ah! Actually, mag-da-date rin kaming tatlo dito, haha!" Parang tangang sinabi ni Krezella.

Paano ba naman kase, natatae na pala siya kaya wala sa sarili.

Nahihiya akong napa-iwas ng tingin nang titigan ako ni Prinsipe West.

"Hoy bamboo girl! Umalis ka d'yan, kita mong itatanan namin si Prinsipe West eh." Ipinaghiwalay ni Amora sina Prinsipe West at Prinsesa Liezey na nakakapit sa braso nito habang hinarangan naman ni Krezella ang harapan ng prinsipe.

"Umalis ka dito or else ipapasalvage ka namin! Lokang losyang na ito! Akala naman niya siya ang love of the life ni Prince West." Matapang na sinabi ni Krezella.

Mukhang paiyak na tuloy si Liezey kaya't tumakbo na siya papalayo.

Napatanga na lang ako.

Luh? 'Di niya ba hahabulin 'yung ka-date niya?

Nakabawi lang ako nang mag-simulang mag-tawanan sina Krezella at Amora. Hindi pa ako makapaniwala na nakikisabay sa kanila ngayon ang Prinsipe ng Bridgette Silvers. Nakangiti ito at parang tuwang-tuwa pa sa nangyayari.

"Nako, Iris! Mauunahan ka pa ni bamboo girl sa iyong Prinsipe. Dali na at pag-usapan na natin ang dapat na pag-usapan." Nagulat ako nang hilahin ako ni Prinsipe West papalapit sa kaniya.

Hawak-hawak niya ang mga kamay ko ngayon at hinaplos ito ng marahan.

"I missed you, my Luna."

His silvered-colored eyes looks so tired.

I whispered saying, "I've missed you too, my Prince."

***

Iris LunaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon