CHAPTER 16

5 0 0
                                    

Kagaya ng sinabi ni tito kanina ay madami nga talaga kaming pag uusapan.  Si tita at ako ay nasa veranda nakatayo ako at siya naman ay nakaupo. She's holding the wine glass elegantly. Naka poist pa si tita. Nakakaintimidate siyang tignan. Kanina pa kami dito pero namamangha parin ako sa kaniyang tindig.

"Hija sit down. Baka matunaw ako" mahinang sabi ni tita at saka  sinabayan ito ng hagikhik.

"Sorry po." sabi ko sabay mabilis na umupo sa harapan niya.

"Are you drinking?"  Tanong niya ng makitang medjo kumportable na ako sa kaniya.

" Hindi po ako umiinom tita. " Sagot ko sa kaniyang tanong.

"Milk? Tea? Juice?" sunod sunod na offer niya.

"Ayos lang po ako. Tsaka busog pa po ako tita. " pagtanggi ko

" Wag kana mahiya baka sabihin ng anak ko na pinapabayaan ko ang future girlfriend niya" sabi niya saby pabirong inikot ang mata.

" Mabait naman po si Christian tita. "Nakangiting sabi ko.

"Sinabi mo pa. Mabait na bata yun maalaga at maalalahanin. " nakangiting sabi niya saka sumandal sabay tingin sa langit na parang may tinitingnan duon. " Kung andito siguro ang kapatid niya mas maalaga siguro siya at mas magiging maalalahanin." sabi niya sabay inom sa wine glass na hawak niya.

"May kapatid  po siya?" medjo gulat ako. napa ayos naman agad ng upo si tita na mukhang gulat din sa na sabi niya.

"Am.. Yes pero nawala siya ilang months after I gave birth to her." malungkot na pahayag niya.

"Sorry po tita. I don't know"  hingi ko ng paumanhin dahil sa lungkot na nakikita ko sa kniya ngayon.

"I miss her so much. Siguro kapag nagkita kayo magkasing tangkad lang kayo. Magkasing edad ngalang kayo ngayon. Sana kung sino man ang kumuha sa kaniya ay binigyan siya ng maayos at magarang buhay higit pa sa buhay na meron sana siya ngayon" medjo may kasama nang hikbi ang boses ni tita.

"Gusto niyo po ba siyang mahanap?" lakas loob na tanong k9 sa kay tita.

" Untill now hindi kami tumigil mahanap siya. Mahal na mahal nami  siya. Cheska is always loved, kahit hindi siya nandito palgi siya naming hinahanap hanap. Siya nalang ang kulang. " Mahinang sabi niya saka tumingin sakin sabay ngiti.

CHESKA?

"Gusto niyo po bang kausapin siya? K-kunwari ako po siya sabihin niyo po yung mga bagay na matagal mo na pong kinikimkim" mahinang sabi ko din.

"Are you sure?"  medjo may hiya sa pananalita ni tita.

"yes po." sabi ko kaya nagulat ako na bigla nalang siyang tumayo at yumakap sa akin.

"I just want to tell her how much i lover and miss her. I wish you are here with us having this wonderful life and having happy family. I wish you are here with us eating together. Miss na miss na kita anak ko. Mahal na mahal ka namin. Kahit minsan hindi ka nawaglit sa mga isipan namin. Hindi ka nawawala sa mga dasal namin. Anak bumalik kana dito. Hindi kami tumitigil na mahanap ka." umiiyak na sabi ni tita habang nakayakap siya sa akin. Alam ko na masakit itong ginagawa niya ngayon. Ramdam na ramdam ko yung hinagpis niya.

"Magbabayad ang kumuha sayo anak. Pagbabayarin ko sila" pag iyak pa ni tita.

"Iiyak mo lang po tita andito lang po ako makikinig sa iniyo"  sbi ko habang hinihimas ang likuran ni tita.

Mga ilang minuto pa kami nagka ganon hanggang sa tumahan nanga si tita. Namumugto na ang mga mata niya ng matapos siya sapag iyak. Hindi ko na din alam kung ano ang sasabihin ko kay tita.

"Hey girls. Mukhang ok na kayo sa isa't isa ah." narinig kong boses ni tito galing sa likuran ko.

"We're just talking. Girl thingy" sabi naman ni tita

"Why don't we talk about your life hija? If you don't mind?" Tanong naman ni tito.

"Ok lang po tito." sabi ko mg may maliit na ngiti

"Pano kayo nagka kilala ni Christian?"  Tita asked.

"Honestly po tita the first time we met was epic. We bumpwd into each other pero d ko nakita yung itchura nia. Galing po kasi akong condo ng ex ko."

"So you  have an ex? May I asked why you two broke up?" Tita asked again.

"Nahuli ko po kasi na nakikipag ano sa iba" sabi ko saka nag iwas nang tingin.

"Tarantadong lalaki yun ah" su tito na nakikinig lang ay nakapag bitaw na ng salita

"Pero ayos naman na po ako. Nag ka closure na po. Actually Christian helped me po kaya nagka ayos kami. We are civil na po." majo mahina na ang boses ko kasi nahihiya ako.

"ahmm...  I'm so sorry to hear that hija. "

"It's fine po. Tiyaka matagal na po yun" nakangitung sabi ko kay tita.

Christian asan kana ba? Ba't ang tagal mo? Na hot sit ma ako dito at lahat lahat wala ka pa din dito!! Chaka masaya naman talaga kausap si tita at tito kaya lang nahihiya na ako andami ko na nalaman at nasabi sa kanila. Baka mamaya ma turn off sila sa akin kung may masabi akong mali.

”Mom?" Mayamaya ay narinig ko narin ang boses ng taong hinahanap ko kanina.

" Andito kami sa veranda" Si tito naman ang sumagot.

"Si Yan-yan po?"

"Andito din ako" sinagot ko na para lumapit na din siya dito sa amin.

Maya-maya ay nakita ko nang papunta siya dito sa amin at agad na umupo sa pang-apat na bangko na sa tabi ko.

"How are you?" Medyo nag aalalang tanong niya.

" I'm good." sabi ko sabay ngiti sa kaniya.

Nagulat naman agad ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko, napatingin naman agad ako kina tita at tita na nakangiting nanonood pala sa amin. Nahihiya ko namang tiningnan si Christian oara sana sabihing kunin niya yung kamay niya pero mas hinigpitan niya lang ang kapit dito.

"It's almost 7 p.m na mommy Yan-yan needs to be home at 8 magbabyahe pa kami." Sabi naman bigla ni Christian kaya nakahinga ako ng malalalim.

"It's still early panaman" ungot naman bigla ni tita kaya medyo na tawa si tito.

"Babalik panaman siguro ulit dito si Yan-yan diba?" Nakangiting sabi ni tito sa akin.

"Opo namn po. Babalik po ako ulit dito sa susunod" Sabi ko naman kay tito na tanging tango at ngiti nalang ang sinagot.

"So we have to go na mom. " sabi ni Christian sabay tayo kaya napatayo nadin ako.

"Okay... But promise me na babalik ka dito?" Sabi tita.

"Yes po tita promise" sagot ko kay tita sabay lapit at bumeso na sa kaniya dahil mukhang nag mamadali na ang mokong na katabi ko.

Ayaw talaga niya na mabad shot sa tatay ko. Pero nakakatuwa naman isipin yun di'ba? Mas iniisio niya yung Mga iisipin ng mga magulang ko. Chaka nirerwspeto niya ang mga desisyon ni mama at papa.

Haii Christian. Malapit na maghintay kanalang ng kaunti at sasagutin na kita... Malay mo bukas? Charot.. Masakit ang umasa. hahaha

Forgetting My Past (on-hold)Where stories live. Discover now