d o s

4 3 0
                                    

Remi

"Remi!"

Napa takip ako ng unan sa aking ulo, ang aga aga naman kasi mang gising wala pa ata sa alas cinco ang oras nang gigising agad.

"Remi isa!"

Dalawa I mentally replied.

No choice akong bumangon sa aking higaan sabay stretch ng katawan, as usual routine sa banyo agad ako tumungo para mag toothbrush at hilamos ng aking mukha. Tumigil na rin ang pag katok sa aking kwarto, narinig ata ang pag tagis ng tubig sa aking banyo. Naligo na rin ako at nag ayos.

Kaming dalawa na lamang ni mommy ang naka tira sa malaking bahay na 'to, maagang nawala si daddy dahil sa isang misyon niya bilang sundalo.

Pagka labas ko ng kwarto ay bumaba na agad ako, bumungad naman si mommy na abalang nag aayos ng lamesa at ang dalawang kasambahay naming nag luluto.

Pupungas pungas naman akong lumapit kay mommy bago ito bigyan nang halik sa pisngi.

"Morning, ma." Bati ko matapos maupo.

"Morning, honey. You are twenty minutes late yesterday night." Napa simangot naman ako sa narinig, pinapayagan niya ako lumabas pero binibilangan naman ako nito kahit schedule ng pag labas baka daw kasi masanay ako at 'di na maisipang umuwi.

Ngumiti lamang ito at sabay halik sa aking sentido, her ways to show that she's not mad to me.

"Aga mo mang gising, ma." Napa nguso na lamang ako bago mag salin ng gatas sa aking baso, not a fan of coffee dahil mabilis akong mag palpitate.

"Walang maaga sa ala sais, Remi 'saka it's your first day of school." Sagot nito habang nag babasa ng dyaryo, nginitian ko naman si aling Alicia matapos nitong ilagay ang pancake sa aking harapan.

Tumango na lamang ako bago mag simulang kumain, it's my first day as a normal student. Medyo kinakabahan ako sa pwedeng mangyari ngayong araw dahil hindi ako sanay maki halubilo sa ibang tao except sa mga anak ng kaibigan ni mommy.

Pero sa ibang school sila nag aaral.

Ilang linggo na rin ang nakaka lipas mula nung araw na may naka sabay ako sa bus, kada gabi kasi ay hindi ko na muli itong nasilayan kahit ang daan patungo kung saan siya bumaba.

She caught my attention not gonna lie about this, those chocolate eyes it lives forever in my memory even her face because I have a good memory to remember things. I don't know if it's good or not.

Every uniqueness has their own pros and cons like mine.

Matapos kumain ay sumunod na ako kay mommy papunta sa sasakyan. Gusto ko na rin matutong mag drive kaso isang taon pa ang kailangan ko dahil ang gusto ni mommy dapat maging legal muna ako bago niya ako turuan at para na rin maka kuha ng license.

Naupo naman ako sa passenger seat habang ang bag ko ay nasa back seat, tahimik lamang ang byahe bukod sa speaker ng kotse ni mommy. The classic piano piece fur elise is on play.

"Remi remember to breathe, okay?" Paalala ni mommy habang tutok pa rin sa daanan patungo sa school. Humalukipkip na lamang ako at natawa naman ito. Dati kasi ay nakakalimutan kong huminga kapag nasa public space o kaya naman ay biglang nasusuka. Maybe because of my social anxiety.

Ibinaba naman ako ni mommy sa entrance ng school dahil malayo ang parking lot sa main building. Pinag titinginan rin kami ng ibang dumaraan.

"Antayin mo ako sa office, Remi."

"Okay, ma." Sagot ko bago sarhan ang pintuan ng kotse. I breathe deeply and put on my typical poker face to hide my uneasiness.

Buti alam ko na ang pasikot sikot sa school na 'to, minsan kasi sinasama ako ni mommy pag may event para hindi ako mabored sa bahay since ako lang mag isa sa bahay bukod sa mga kasambahay namin na minsan ko lang maka usap.

Wala pa ring pinag bago ang lugar na ito, puno pa rin ng mga halaman at ang fountain sa gitna at mga student na nag kalat. Mabilis ko na lamang tinahak ang daan papunta sa office kahit na naiilang ako sa mga tingin ng mga dumaraan. Rinig ko ang mga bulungan ng mga ito ngunit hindi ko nalang 'to pinansin.

They can't damage my self-esteem even if they judge my appearance at first day. The only one thing that matters is I know my true nature than anyone else.

Napa tigil ako sa pag lalakad nang mahagilap ng aking mata ang isang glass cabinet, marami itong mga trophies at medal pati na rin mga pictures ng bawat athlete. From basketball team to badminton, may katabi pa itong mga glass cabinet ngunit mas napukaw ang interest ko sa mga litrato nito.

Habang pinag mamasdan ang bawat litrato ay napako ang aking paningin sa isang babae na nasa larawan, ang babae na naka sabay ko sa bus.

But the younger version of her. I'm too occupied to notice the woman beside me and the students that are filling out the busy hallways. Maybe they didn't notice my presence yet I can feel eyes looking at me from afar.

Or I just assumed that since maraming mga tao na ang nag lalakad. Mga nag mamadali at nakikipag kwentuhan. I suddenly feel anxious if I can fit in to this community. Kind of new to me and to my social anxiety as my hindrance.

New face and environment. How I wish Dad was still here to guide me.

MidnightWhere stories live. Discover now