Chapter Fifteen

47 2 0
                                    

Chapter Fifteen

Hindi ko mapigilang mangiti nang maramdaman ko ang dahan-dahang paggapang ng kamay ni Franco sa bewang ko. Ang pamilyar na pabango n'ya ay agad na nanuot sa ilong ko.

Itinagilid ko ang ulo ko nang isiniksik n'ya ang mukha n'ya sa leeg ko.

"Hi..." Naramdaman ko ang pag ngisi n'ya sa leeg ko.

Isang beses n'yang pinatakan ng halik ang leeg ko. Napahalakhak ako dahil sa kiliting naramdaman.

"Hello..." Mahina kong tugon.

"Bakit wala ka sa loob?" Tanong n'ya sabay higpit ng yakap sa akin.

"Hmm... Nagpapahangin lang." Sagot ko.

Muli kong ibinaling ang tingin sa malawak na lupain ng mga dela Vega.

Pagkatapos ng graduation ay inimbita ng mga magulang ni Franco ang pamilya ko rito sa resthouse nila sa Bukidnon. Tatlong oras din ang biyahe kaya hapon na nang makarating kami. Hindi pa sana sasama sila Mama dahil nahihiya pero nang sila Tita na yung kumausap, pumayag na sila.

Ibinaba ko ang tingin ko sa mga kapatid ko na nakikipaglaro sa mga kapatid at pinsan ni Franco.

Oo, pati mga Tito at Tita ni Franco andito rin. Pakiramdam ko tuloy pamamanhikan ang nagaganap at hindi na simpleng salu-salo lang.

Dahan-dahan akong lumingon kay Franco. Saglit n'yang niluwagan ang yakap sa bewang ko.

Ipinulupot ko ang mga braso ko sa batok n'ya at dahan-dahang iginapang ang mga daliri—— pinaglalaruan ang buhok n'ya. Isang beses na pumikit si Franco at wala sa sariling ngumisi. Muli n'ya akong niyakap.

"Bakit pakiramdam ko pamamanhikan na 'to?" Natatawang tanong ko sa kanya.

Mas lalong lumawak ang ngisi ni Franco. "Hindi pa naman."

Humalakhak ako sabay patong ng baba ko sa dibdib n'ya. Itinaas ko ang tingin ko sa kanya.

"Pipikutin mo ata ako, e." Biro ko.

Iniarko ni Franco ang kilay n'ya. Isang beses n'ya pinisil ang bewang ko. Kinagat ko ang labi ko matapos na kumawala ang singhap mula sa'kin.

"Kailangan pa ba?"

Ngumuso ako, pinipigilan ang pagtawa.

Ipinulupot n'ya ang braso n'ya sa balikat ko nang sumiksik ako sa dibdib n'ya.

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na andito siya ngayon at kayakap ko. Na kinaya kong malampasan ang pagiging insecure sa agwat ng estado naming dalawa. Na binigyan ko ito ng pangalawang pagkakataon. Natutuwa akong sinubukan ko. Kasi walang pagkakataon na hindi ako naging masaya sa piling ni Franco.

"Mom still wants us to live together in CDO," rinig kong sabi n'ya.

Napukaw ako mula sa pag-iisip at inilayo ang mukha sa dibdib n'ya para iangat ang tingin.

"Talaga?"

Tumango si Franco.

"I think she's convincing Mama and Papa now. . ."

Palihim akong nangiti. Ang ambisyoso nito talaga, maka-mama at papa sa nanay at tatay ko kala mo kasal na e.

"Gusto mo ba?" Tanong ko.

Kumunot ang poging noo n'ya. Tipong 'seryoso ba tong babaeng to sa tinatanong niya, syempre gusto ko'.

"Are you serious? Of course, I want to." Sagot n'ya.

Kita mo na? Inengles lang yung naiisip kong isasagot n'ya.

Sumimangot siya nang tumawa ako.

"Why, ikaw ba ayaw mo?" Balik n'yang tanong sa akin.

"Gusto rin." May multo sa labi kong sagot. "You know what, may nakita akong discussion sa social media about live-ins noong nakaraan. And I kinda agree doon sa nakita kong comment na dapat talaga mag live-in muna yung couples bago mag-decide na magpakasal. It's like a trial of what's gonna be the life after marriage."

"So. . . you see yourself settling with me?"

Siya naman ang kinunutan ko ng noo ngayon. Ang haba ng sinabi ko 'yun lang ang nakuha n'ya?

"Oo naman! Ipapakain ko ba sa'yo yung—-"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sa pagtakip na ginawa n'ya sa bibig ko.

"Brielle!" Bulong n'ya. "There are kids."

Tinanggal ko ang kamay n'ya mula sa bibig ko.

"Luto. Ipapakain ko ba sa'yo yung luto ko." Natatawang sagot ko. "You didn't even let me finish."

Inirapan n'ya ako kahit na natatawa rin siya.

Bahagya kong kinagat ang pangibabang labi ko at nag-iwas ng tingin mula sa kanya.

"On a serious note, I feel like we need it. Alam mo naman sa panahon ngayon, ang daming bagong kasal ang naghihiwalay pagkatapos lang ng ilang buwang pagsasama. Main reason? They can't stand eachother living under the same roof. I don't want that to happen to us."

Nang hindi siya umimik saglit ay ibinaling ko ang tingin ko sa kanya.

"You think we're gonna break up soon?"

Nagkibit balikat ako.

"I am not wishing but we don't know that yet. . ." Tapat kong sambit.

Tumango siya. Muli siyang yumuko para halikan ang tuktok ng ulo ko.

"There's gonna be a lot of adjustments once we'll start. Pareho tayong unfamiliar sa place na titirhan natin."

Ako naman ang sumang-ayon sa sinabi n'ya.

Totoo. Parehas naming napagpasyahan na simulan ang career naming dalawa sa lugar kung saan hindi kami pamilyar. Pareho naming gustong subukan ang mga bagay sa labas ng kinagisnan naming lugar at gawi.

"I think they're looking for us," aniya nang mapansing lumabas ang isa sa mga Tita n'ya na para bang may hinahanap.

"Mukha nga," mahinang tawa ko.

Nagpatianod ako sa paghila n'ya. Pababa kami ng hagdan nang maramdaman kong hinalikan n'ya ang kamay kong hawak-hawak n'ya.

"I love you. . ."

Napakurap ako nang ilang beses sa sensasyon na naramdaman dahil sa kiliti na dulot ng labi n'ya sa balat ko.

"I love you too. . ." Ngiti ko.

***

The Witch's short note: It might feel a bit 'bitin' but that's because, may POV pa ni Franco na need kong isulat after I finished revising RIA. :) Thanks for reading this short story of FraBrie. 

French KissesWhere stories live. Discover now