Chapter Three

49 7 1
                                    

Chapter Three

Pagkatapos na pagkatapos ng duty ko, agad akong dumiretso ng mall para kitain 'yung nagbebenta ng ObliCon.

Sabi niya sa chat, sa harap ng NBS daw siya naghihintay kanina pa. Nahiya nga ako dahil naghintay siya pero hindi ko naman pwedeng ipagpaliban 'yung duty ko sa office.

Kahit na mainit at mataas ang sikat ng araw dahil tanghali na, nilakad ko lang mula campus papunta sa mall. Sayang din kasi yung otso pesos na pamasahe. May payong naman din ako.

Nang makarating ako sa bulwagan ng mall ay hindi muna agad ako pumasok. Naalala ko yung pinapaalala ni Mama sa akin noon na, kapag galing ka raw sa mainit, wag ka muna raw papasok agad sa malamig para hindi sipunin. Kaya ang tinuro niya, tumayo nang ilang minuto sa labas para pahupain yung mataas na temperatura ng init ng katawan bago pumasok.

Hindi ko agad nakita yung seller nang pumasok ako sa loob. Madami rin kasing nag-aabang doon at ayaw ko naman lapitan isa-isa para tanungin. Kaya nag-chat ako na nasa tapat na ako ng NBS at sinabi ko rin kung ano ang kulay ng suot ko.

Brielle: Naka kulay blue po ako na blouse at itim na square pants.

Ibinaba ko ang phone ko at tumabi dahil medyo nakaharang ako sa dinaraanan ng mga papasok na mga tao.

Maya maya ay may lumapit sa akin na morenang babae na may katangkaran.

"Hi, ikaw ba si Brielle Romero?" Nakangiting tanong niya.

Tumango ako. "Opo, uhm, Roanne Sintos?"

Saglit siyang humalakhak bago tumango. "Yup, ako nga."

Yumuko siya para hagilapin sa loob ng dalang paper bag ang libro. Nang makita ko ang libro nang inilabas niya ay namangha ako dahil para pa rin itong bago.

"Medyo low quality yung pic pero good condition pa naman 'to." Aniya tapos ay nilahad yung libro sa akin.

Malinis na nakabalot ang libro sa plastic cover. Halatang second hand na siya dahil sa kulay ng mga pages pero wala namang dents at sobrang pulido talaga ng pagkakatupi ng plastic cover sa loob.

Hindi ko inakalang ganito pa siya kaayos. Hindi na rin kasi ako nagtanong at nanghingi pa ng pictures ng libro kasi desperada na akong makakita at makabili non. Buti na lang talaga at maayos pa to. Kung aalagaan ko nang mabuti, mabebenta ko pa to sa susunod.

Binuklat ko ang libro at tiningnan ang mga pahina nito. Napansin kong madaming mga sulat sa gilid ng articles and examples.

"Uhm, hindi ko na binura 'yung mga yan kasi alam kong makakatulong din sa susunod na gagamit." Sabi n'ya sa akin.

Iniangat ko ang tingin sa kanya at ngumiti. "Thank you po nang sobra. Ang laking tulong ng mga side notes na 'to."

"Swerte 'yan. Cum laude lahat ng mga gumamit n'yan. Mula sa'kin hanggang sa bunso namin." Kwento niya.

Magaan akong tumawa habang tinitingnan siya. Inaalala ang pangalan niya para kapag hindi ako maging cum laude gaya ng sinasabi niya, babalikan ko siya. Natawa ako sa naisip. Pero di nga, masipag naman ako pero umaasa parin ako sa swerte.

"Wow. Thank you po, sana nga ma perfect ko lahat ng quizzes ni Atty."

Nang maiabot ko ang bayad sa kanya ay nagpasalamat na siya at nagpaalam na umalis. Tumalikod naman ako at pumasok sa NBS para bumili ng yellow pad na gagamitin sa klase.

Kaninang umaga nang maka withdraw ako ng pera, pakiramdam ko gumaan yung ilang araw na nakadagan sa akin. Sobra-sobra yung pinadala ni Mama kaya naman, yun ang pinambayad ko sa ObliCon at yung emergency ipon ko naman yung ibibili ko ng libro sa Taxation.

French KissesWhere stories live. Discover now