Prologue

161 33 60
                                    

Habang naghihintay sa pag dating ng Bus ay hindi naman mapigilan ng binatang si Cloudio ang kanyang sarili na sulyapan ang babaeng nakaupo hindi kalayuan sa kanya. May hawak itong isang notebook at libro na tila nag-aabang din kagaya nito.

Simple lang ang suot ng dalaga kaya nakuha nito ang atensyon ni Cloudio. Naka-suot ito ng White t-shirt na may tatak na HOPE at black maong short above the knee at white pair of shoes.

Nang maramdaman nito na lilingon na sa gawi niya ang dalaga ay agad siyang tumingin sa ibang direksyon at palihim na napangiti. Siguro nga ay nahihibang na siya sa ginagawang pag-titig dito.

Dumarami na rin ang mga taong nagsisi-datingan sa waiting shed kung saan din sila mismo naghihintay. Ang ilan ay puro mga kalalakihan kaya paminsan-minsan ay sumusulyap ulit ito sa dalaga na tila wala namang pakialam sa mga nakapaligid sa kanya.

Gustuhin man ng binatang si Cloudio na puntahan ito at tabihan para masigurong hindi mababastos ay pinigilan na lang niya ang kanyang sarili. OA mang isipin pero iyon ang nararamdaman niya.

Sakto namang tumunog ang kanyang suot na wrist watch at saktong 12PM na ng tanghali kaya napag-desisyunan nitong lapitan ang dalagang nakatulala na sa kawalan.

Nagitla pa ang babae sa pasimple niyang pagtabi ngunit kalaunan ay ibinalik din nito ang tingin sa kawalan. Tahimik lang silang dalawa na naghihintay sa pagdating ng Bus ngunit ilang oras na ang nakalipas ay hindi pa rin sila nakasakay— hanggang ngayon.

Hindi napigilan ng binata ang sarili na basahin ang pangalan na nakasulat sa notebook ng katabing dalaga, "Cleone Augustine" na sa tingin niya ay pangalan nito.

Tumikhim si Cloudio kaya nakuha nito ang atensyon ni Cleone. "Hi, ahm... I'm Cloudio Kant, nice meeting you, Cleone." Sabay lahad ng kamay sa harap nito.

Gulat namang napatingin sa kanya ang dalaga nang banggitin nito ang pangalan niya. "Paano mo nalaman ang pangalan ko?" Seryosong tanong ni Cleone sa kanya at pinagmasdan ang kabuuan ng binata. Kung titingnan mabuti ay hindi ito mukhang holdaper, kidnapper at manggagantso dahil wala sa itsura nito at pananamit.

Itinuro ni Cloudio ang notebook na siya namang hawak-hawak niya gamit lamang ang mata, nakuha naman agad 'yon ni Cleone kaya tumingin din ito dito.

Napahinga nalang ng malalim ang dalaga at hindi na pinansin pa ang lalaki. Alam naman na nito ang pangalan niya kaya wala naring silbi kung magpapakilala pa ito dito kahit na sabihing gwapo siya at amoy baby powder.

Naintindihan naman ng binata na ayaw syang kamayan at kausapin ng babae kaya ibinaba na lang niya ang kanyang kamay at umisip ng ibang way para makausap ito.

"Do you love that book?" Panimulang tanong niya sabay tingin sa librong hawak nito.

Hindi alam ni Cleone kung sasagot ba ito sa lalaking kanina pa siya kinakausap o huwag na lang pansinin dahil hindi naman niya ito kilala. Ngunit kusa na lamang bumuka ang kanyang bibig at sumagot sa lalaking nagpakilala bilang Cloudio.

"No," mabilis nitong sagot.

Napatango na lang si Cloudio sa naging sagot sa kanya ng dalaga. Pero kahit ganun ay hindi pa rin mawala ang mga ngiti niya dito dahil kahit papaano ay kinakausap siya nito.

"I like the book, but I love the story more." Dagdag pa nito na siya namang nagpa-tahimik kay Cloudio.

"Why?" Iyon nalang ang tanging salita na lumabas sa bibig niya. Mukhang expected na ni Cleone na itatanong 'yon ng lalaki kaya mabilis itong nakasagot.

"Because it gives me the feeling that I wanted to feel. Like, sa bawat tanong na nababasa ko dito ay napapaisip din ako. Every line and every part of this book has a deep meaning, something that I can't even dive into." Makahulugang sagot niya at inilahad ang kamay nito sa harap lalaki at nagpa-kilala.

"I'm Cleone Augustine, you can call me Cleone. Yung iba ang tawag nila sa akin ay Clene but you can call me anything that you want." Nakangiting pakilala nito.

Napatitig nalang si Cloudio sa kaniya at nang mahimasmasan ay agad niyang kinuha ang kamay ng dalaga para makipag-hand shake dito.

Nang mag-bitaw ay agad na tinanong ni Cloudio ang dalaga.

"What line in the book do you love the most?"

Palihim na ngumiti ang dalaga sa naging tanong na iyon ni Cloudio. Hindi naman siya nag dalawang isip na sagutin iyon. Kasi bakit hindi? Kapag libro na ang usapan, wala siyang hihindian.

"You will never know how truly strong you are until you reach the point where being strong is the only choice you have." Sa pagkakataong iyon ay parehas na silang nakatitig sa isa't-isa.

ლ﹏ლ﹏ლ﹏ლ﹏ლ﹏ლ﹏ლ

END OF PROLOGUE (⁠。⁠・⁠ω⁠・⁠。⁠)⁠ノ⁠♡

(A/N) : Don't forget to vote and comment!

🌿Inksane_Mind

12:12 (COMPLETED)Where stories live. Discover now