Chapter 1

148 33 44
                                    

ᏊCLEONEᏊ

Nagitla silang pareho sa pagdating ng Bus na tumigil sa mismong harapan nila. Nagsi-labasan naman ang mga lulan nito kaya agad na silang sumakay. Hindi malaman ni Cloudio kung tatabihan ba niya ang dalaga o sa iba nalang mauupo.

Habang si Cleone ay komportable na sa kanyang pwesto ngayon at masayang nakaupo sa tabi ng bintana habang nakatingin sa labas yakap ang libro at notebook sa dala-dala.

Nakatitig lang si Cloudio dito, hindi nito maintindihan kung bakit ganun na lang kasaya si Cleone na para bang iyon ang unang beses niyang na nakasakay ng Bus na para sa ilan ay natural na lang. Sa huli ay pinili nalang nitong maupo sa tabi ng babae.

May kung anong kabang naramdaman si Cleone sa ginawang pagtabi sa kanya ni Cloudio na hindi niya maipaliwanag sa sarili, her heart bumped hard against her ribs at sigurado siyang hindi ito dahil sa takot o kung ano man. Ngunit hindi na lang nito pinansin ang nararamdaman sa halip ay umayos nalang ito ng upo at ibinalik ang tingin sa labas ng bintana.

Pareho silang walang imik na dalawa at tahimik sa kanilang kinauupuan. Tanging maririnig lamang ay ang mga kwentuhan at tawanan ng ibang mga pasahero sa Bus, ang iba naman ay tahimik lang din sa kani-kanilang mga pwesto.

Dalawang oras pa ang byahe para makarating sa Amusement Park na pupuntahan ni Cleone kaya inilabas muna nito ang kwaderno at nagsimulang magsulat tungkol sa nangyari sa kanya kaninang umaga.

Hanggat kaya niya at may oras pang natitira sa buhay niya ay sisiguruhin nitong hindi masasayang ang bawat segundong lumilipas para isulat ang mga nangyari at mangyayari palang sa huling araw niya sa mundong ito.

Sumulyap sandali si Cleon sa binata at nang makikita niyang nakapikit ito ay sinimulan na niya ang kaniyang pag susulat.

#1,855
Dear N, (notebook)

Ang sabi ng Doctor kong si Dra. Ibarez, meron na lang raw akong 3% chances of survival. But for me, 3 is not 0.

Alam kong hindi na rin magtatagal ang buhay ko kaya ngayong araw— bago ko lisanin ang mundong ito, gusto kong maranasan ang maging malaya sa sakit kong Cancer. Kahit ngayon lang.

Noong una, ayaw akong payagan ni Dra. Ibarez pati narin ang parents ko pero nakiusap ako sa kanilang lahat na kahit ngayon lang ay ako naman ang masunod para sa sarili ko. Kahit na gusto nila akong samahan ay parin ako pumayag dahil ayokong makita sa mata nila ang awa habang nagsasaya ako sa huling sandali ng buhay ko. Gusto kong makita ako ng mga tao bilang isang normal na dalaga na walang iniindang sakit.

Nga pala, nilinisan ko muna yung kwarto ko na siyang nagsilbing tahanan ko sa loob ng ilang taon. Iyon na ang huling beses na makikita ko ang kwartong 'yon dahil alam kong sa pagbalik ko ay malabong masilayan ko pang muli iyon.

Yours, Cleone.

#1,856
Dear N,

Bago ako umalis ng hospital ay nag paalam muna ako ng maayos sa lahat. Una, kay Dra. Ibarez dahil sa halos sampung taon ay hindi ito umalis para lumipat ng ibang hospital. Kahit pa, maganda ang naging offer sa kanya. She never failed to make me happy everytime that I'm with her.

Pangalawa, sa parents ko na hindi nag-sasawang kumayod para may pang-bayad sa mga hospital bills, gamot, at sa pang-pa-chemotherapy ko kahit pa ilang beses kong sabihin na hindi na kailangan dahil alam ko naman sa sarili ko, na, kung hanggang saan na lang ang itatagal ng buhay ko. Pero kahit gano'n ay masaya ako dahil kahit hindi ko na kayang lumaban para sa sarili ko ay may mga taong handang lumaban para sa akin.

Pangatlo, sa mga nurses na nag aasikaso sa 'kin at higit sa lahat dito sa notebook kong nakakaalam lahat ng tunay na nararamdaman ko. Pinilit kong hindi umiyak sa harapan nila at manatiling matatag ngunit hindi ako ganoon kalakas para magawa iyon.

Kung may susunod na buhay man, nais ko sanang maranasan ang maging normal na dalaga. Sapat na siguro ang naranasan ko para sa susunod na buhay ay hindi ko na ito iindahin pa at maranasan.

Yours, Cleone.

Napatigil sa pagsusulat si Cleone ng mapansin niyang may nakatingin sa kanya habang nagsusulat sa kanyang kwaderno. Agad niya iyong isinara at umiwas ng tingin sa binata nang mag-tama ang kanilang mga mata.

"Hindi mo dapat ginagawa ang ganyan!" Inis na sabi ng dalaga at tumingin sa gawi ni Cloudio.

"Ang alin?" Takhang tanong nito kay Cleone. Nagulat pa ito ng samaan siya ng tingin ng dalaga.

"Ang pagiging chismoso mo!" Irita nitong sagot na nag-pangiti kay Cloudio. "Okay I'm sorry, yung simula lang ang nabasa ko and you're right Cleone. 3 is not 0" sagot nito at muling pumikit.

Hindi malaman ng dalaga ang magiging reaksyon niya sa sinabi ng binata. Gusto niyang mainis dito sa pagiging chismoso nito pero hindi na niya magawa.

"Hindi pa naman huli ang lahat para maging masaya dahil hanggat kaya nating gawin 'yon, why not?" Dagdag nito na nagpa-ngiti ng palihim kay Cleone.

"Tama ka, ayokong sayangin lang ang natitirang 3% ng buhay ko sa isang maliit na kwarto at magmukmok na lang hanggang sa dumating ang oras na kailangan ko nang lumisan," nakangiting sagot ni Cleone pero bakas sa boses nito ang lungkot.

"Ahm...pasensya kana kung nasungitan kita kanina. Hindi lang talaga ako sanay na may nakakausap ako na ibang tao at saka ayoko rin na basta-basta na lang magtiwala, iyon kasi ang bilin sa akin ng Dr— I mean parents ko." Puno ng sinsero niyang hingi ng tawad sa binata.

"No worries, Cleone. Don't be sorry for what you did, tama lang ang ginawa mo, na huwag basta-basta nalang mag tiwala lalo na sa mga kalalakihan," sagot nito.

"Anyway, saan mo balak pumunta ngayon?" Tanong nito agad kay Cleone habang maganda pa ang mood nito.

"Sa Amusement Park!" Masayang sagot ng dalaga na nag-pangiti kay Cloudio.

"Well then, sasamahan kita."

  ლ﹏ლ﹏ლ﹏ლ﹏ლ﹏ლ﹏ლ

END OF CHAPTER 1 (⁠。⁠・⁠ω⁠・⁠。⁠)⁠ノ⁠♡

(A/N) : Don't forget to vote and comment!

🌿Inksane_Mind

12:12 (COMPLETED)Where stories live. Discover now