Prologue

22 0 0
                                    

"Alilululu!" Chant ng babaeng mang-huhula. Nandito kasi ako sa school fair namin sa Laguna.

"Ate baka naman bokya yang ginagawa mo sakin ha." Malaki kasi paniniwala ko sa mga ganitong bagay dahil sa mama ko.

"Wag kang maingay, ineng. Magagambala mo ang mga ispirito." Tumaas naman ang mga balahibo ko sa sinabi nya. Nanahimik na lang ako at hinayaam siya.

"Ano ulit pangalan mo, ineng?" Tanong nya sakin.

"Gemini po. Gemini Lynn Angeles po." Sagot ko.

"Ineng ang sabi ko pangalan hindi full name." Nahiya naman ako sa sinabi nya. Choosy pa buti nga sinabi ko sa kanya full name ko.

Nag umpisa na ulit si ate sa ritwal nya. "Alulilulu." Sabi pa nito. Napapa ngiwi na lang ako sa ginagawa nya. Konti na lang talaga hindi ko napaniniwalaan toh.

Umilaw na yung crystal neto sign na may nakita na sa future ko nang may biglang pumasok na babae.

"Ate Sol palit na daw bagong manghuhula." Sabi nito sa kanya.

"Kita mong may hinuhulaan pa ako dito." Mataray nitong sabi. Tinignan ko yung wrist watch ko. 12:02 na pala. Lunch time siguro ang palitan nilang manghuhula.

Namangha ako sa itura ng babae. Napaka-ganda nya tapos mahaba ang kanyang buhok na may konting curls, pero halata mo na natural ito. Maputi sya at bilog na bilog ang mga mata, matangos din ang ilong. Gosh kabaklaan ko na naman.

"Favourite mo yung lunch natin ate Sol kung ayaw mo maubasan, ako na dyan." Umirap lang yung manghuhula sa kanya at tumayo.

"Oh sya. Pag-bayarin mo yan ha." Tumango lang yung babaeng maganda at saka sya ngumiti sakin.

"Binibini maaari ko bang makita ang iyong mga palad?" Tanong nito sakin habang binubuksan ang mga kandila sa gilid ng table.

Inabot ko naman sa kanya ang aking kamay, inobserbahan nya ito tapos para bang may pinulot na kung ano sa palad ko at pinahid ito sa bolang crystal. She doesn't do any weird noises, hindi katulad ng kanina.

"Pangit ang kapalaran mo hija." Panimula nyo.

"Ho?!" Gulat kong sabi sa kanya.

"Sa ika-21 mong kaarawan makikita mo ang mapapangasawa mo, pero hindi sya ordinaryong tao lang. Ngunit bawal kayo mag katagpo." Sabi nito sakin.

"Bakit naman po?"

"Hindi ko na masasagot ang tanong na iyan. Kung nais mong hindi matuloy ang pangyayaring ito." Inabot nya sakin ang isang maliit na libro at susi. "Hanapin mo ang pintuang mag bubukas ng susi na iyan upang malamaman mo ang totoo mong pagka-tao."

Naguguluhan ako sa sinabi ng babae pero bigla na lang may lumabas na apoy sa palad nya kaya naman bigla akong nagulat at napatayo. Mabilis lang din humupa ang apoy na nasakamay nya. Unti-unti ko nakita ang isang pirasong papel na galing sa palad nyang may apoy kani-kanina lang at inabot nya ito sa akin.

Picture?

Binigay nya ito sakin. "Sya ang lalaking tutulong sayo para mapigilan mo ang kapalaran mo." Grabe ang tibok ng aking puso at di ko na alam ang gagawin. Maniniwala ba ako o hindi?

"Alam kong di kapani-paniwala ang sinasabi ko pero di mo ba napapansin kung bakit unti-unti nag lalaho ang tent na ito?" Tinignan ko ang paligid ko at totoo nga ang sinasabi nya. Kalahati na ng tent ang nawala.

Ramdam ko ang pamumutla ko dahil sa nakikita ko. Tatanungin ko na sana sya about sa nakita nya pero paglingon ko sa kanya ay wala na sya!

"Gem!"

Nilingon ko ang tumawag sakin sa likod. Its Lui. Hindi ako maka lapit sa kanya dahil hanggang ngayon hindi ako makapaniwala sa nasilayan ko kanina.

"What are you doing there?! Kanina ka pa hinahanap ni Ma'am Domingo. President na president ka pa man din daw. Tapos di ka tumutulong sa pag-aayos ng event."

"Nag pahula lang ako, diba mag fortune telling booth dito." Kumunot ang noo nya sa sinabi ko.

"Huh? Inaayos pa lang ang mga tent Gemini wala pang ni-isa ang pwedeng mag start ng mga booth. Ang napag-usapan nyo nga ni Madam Principal na after lunch na ayusin ng fully ang mga booth. Saka walang fortune telling na booth, hindi approve kay principal diba kasama ka non?"

WTF?!

 Rewriting the StarsWhere stories live. Discover now