Chapter 3

1 0 0
                                    

"Huy 'teh bat antahimik mo?" Basag ni Lui sa katahimikan. Umiling ako at inayos ang pagka upo ko.

"Pagod." Tipid kong sagot.

"Wag mo akong utuin. Iniisip mo siguro si Ero." Pang-aasar nya sakin.

"Ano ka ba tampalin kita! Wala ako sa mood makipag asaran ngayon. Daming nangyari!" Naphagod na lang ako ng buhok ko sa irita.

"Malapit na tayo."

Makalipas ang ilang minuto, yung sasabihin pa rin sakin ni Aiden yung nasa isip ko. Ano ba yan! I mean, tama naman si Lui kung wala sya dun, baka ginago ulit ako ng gunggong na yun.

"Why don't you tell Tita Athena about what happened today at the fair?" Lui suggested.

"For sure maniniwala sayo yun."

"Alam mo naman na maniniwala sakin yung nanay ko. Sya pa! Napakahilig nun sa hula-hula at horoscope." Ani ko.

"Girl baba na. Here na us." Pinark lang ni Luigi sa tapat ng bahay namin. It's not small and not too big. Just enough for the two of us. I don't have a father. Sabi ni Mama natigok bago pa ako ipanganak. May picture naman ako so legit na tigok talaga sya at hindi nagloko.

"Dito ka na naman ba matutulog?" Tanong ko kay Lui. Binababa na naman kasi nya yung mga gamit nya sa sasakyan.

"Oo. Hindi ba halata?" After nyang kunin gamit nya binuksan nya yung gate sabay sigaw. "Ma! Nandito na ang favourite nyong junakis. Lui is heree!"

Napag-desisyonan kasi ni Luigi na every weekdays nandito sya. Mas malapit kasi bahay namin papuntang school compare sa kanila. His parents agreed pero for the last two months kasi natigil yun. Ang dahilan, pinapakasal na pala sya.

Pumasok na rin ako sa loob ng bahay at sinalubong si mama with hugs and kisses. Hayst ka sweet ko talagang anak.

"Gemini may hindi ka sinasabi sakin." Bungad nya sakin. Basang-basa na talaga ako ni Mama pag may problema

"Boy problem mamsh." Singit naman ni tukmol.

"Manahimik ka nga Lui. I swear bigwasan na talaga kita." Natawa na lang si Mama sa away aso't pusa namin Lui. Napansin ko naman na pumunta sya sa kusina. For sure che-check nya na naman yung mga foods dito ni Mama.

"Omg Mamsh. Ubos na grocery na binili ko sa inyo? We need to restock ASAP." —Luigi

"Malamang. Dalawang bwan ka wala dine ano expect mo." Pabalang kong sagot.

Binawal naman kami ni Mama na mag-away, as always. Nakaluto na rin sya ng dinner at nagsimula na kami kumain.

"Sarap talaga luto mo Momshie! Alam mo pag nakuha ko na mana ko, papatayuan kita ng resto!" Napamahal na talaga si Luigi kay mama.

"Nambola ka naman." Sagot naman ni Mama habang nakangiti.

Patuloy na ang pagkain namin at natapos na. Pabibo si Luigi kaya sya na ang nag hugas ng mga pinggan. I insist on doing it kaso nag papalakas kay mama.

Pumunta si Mama sa kwarto nya kaya sumunod naman ako para maglambing.

"Mama.." Bati ko in a soft voice.

"Yes, nak?" Ani ni mama habang tinutupi ang mga damit nya.

"Sorry di ko nadaan ngayon yung pinapadaan mo sakin. Puno ng gawain eh. Sadyain ko na lang bukas promise!" Tumabi ako sa kanya."

"It's okay. Nadala na nya mismo kasi iniintay ka nga kanina kaso di ka daw dumating."

"Sorry mama." Sabi ko sabay pout. "Help na kita dyan."

"If hindi bakla si Luigi, feeling ko may gusto yun sayo." Mama said out of the blue.

"Ma, apaka random mo." I laughed awkwardly.

"Seryoso Gem, the way he looks at you, the gestures. Hulog na hulog na sayo yan." Pang-aasar sakin ni mama.

"Kilabutan ka nga, ma. Marinig ka pa nun." I kissed her cheeks and left the room.

Pagbukas ko nang pinto, nakita ko si Lui pababa ng hagdanan. I have a feeling na narinig nya yung usapan namin ni mama.

"Huy." Tawag ko sa kanya. Hindi naman nya ako pinansin at patuloy pa rin sya sa pagbaba.

Tinignan ko sya ng maiigi, baka galit eh. Yun pala may airpods. Napatawa na lang ako sa sarili ko, kinabahan ako sa wala.

Tinapik ko naman sya nung naabutan ko sya. "Okay na yung room mo." Agad naman nya akong nilingon sabay tanggal nung nasa tenga nya.

"Ha?"

"Sabi ko yung kwartong tutulungan mo, oks na."

"Oh hindi pala muna ako mag-stay dito. May emergency kasi sa bahay, nag-text sakin si Mom." He can't look at me in the eye. Tanga talaga magsinungaling.

"Narinig mo sinabi kanina ni Mama?" Sabi ko. "Wag mo isipin yun! Gosh, alam mo naman gaano ka-delulu si mama. Alam kong hindi tayo talo. Are you uncomfortable?"

He didn't answer, tinignan nya lang ako sa mata.

"If totoo sinabi ni momsh?" Parang nabingi ako sa sinabi nya. What? Ano daw? Seryoso ba yung naririnig ko.

"W-what do you mean?" Nag-aalinlangan kong tanong. He's looking at me in a weird way. I don't like it, hindi ako sanay.

"Charot lang! Gaga ka, you are super serious." He laughed. Hinapas ko naman sya.

"Bwisit ka! Umalis ka na nga, wag kang babalik ha!" Umakyat ako sa kwarto. Nakita ko sya, he's really leaving. I pouted. Baka nga may emergency sa kanila.

Hindi ko rin matiis si bakla kaya bumaba na agad ako. Para pigilan sya. "Sandali! Sabi mo gusto mo kami kasama ni mama tapos aalis ka? Asan na mannerism mo dyan?" Pabiro kong sabi.

"You know I really want to stay but I can't." He showed me the text that his Mom sent him.

Go home. Cleo's family is here. Saka ka na magpariwara kapag wala sila dito. Dumaan ka sa mall and buy some stuffs. Sabi ko pa naman sa kanila nasa mall ka and bought some flowers on your way here.

The text his mom sent him says. Gosh! Tatlo ang anak nila na lalaki, bakit si Luigi pa ang naisipan nilang i-pair kay Cleo.

"Sige na. Chupi!" Tinulak ko naman sya papunta sa labas. He hugged me before he leaves.

"Hoy panget, may papadala ako sa inyo ha. Wag ka umagal! Tapyasin ko dila mo. Babush!" Paalam nito and continues to drive.

Pumasok na ako sa loob. Nakita ko yung naiwan nyang bag sa sofa sa sala. Syempre dahil chismosa ako, kinalkal ko.

Habang nag kakal-kal ng gamit nya, there is something that caught my eye.

It's a glowing crystal with my name embedded on it.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 15 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

 Rewriting the StarsWhere stories live. Discover now