KABANATA 4

3.6K 57 1
                                    

"As your senior, I just want to help. No special meaning behind it, so don't be scared."malamig na sabi niya at muling Ngumiti."It's okay if you don't want to work here."pagpapatuloy niya pero sa pagkakataong ito naging marahan ang pananalita niya.

"What's up with the tension? you're scaring her, keens."rinig kong sabi ni sir Hussain. Dahilan kong bakit naputol ang titig ko sa kanya. Dumating na ang food at inilagay ito sa harapan namin.

"I'm not scaring her. I told her about the work here."pagpapaliwanag ni senior.

"I see, think about it, miss june. I really need a helper here. It would be great kung magtatrabaho ka sakin asap."

Ngumiti ako nang tipid at nagpasalamat. Somethings wrong na hindi ko maipaliwanag.

"Don't think about it and just enjoy your food."nakangiting sabi ni senior at nagsimulang kumain. saglit ko siyang tinignan bago nagsimula naring kumain. Pilit na inaalis ang mga negatibong iniisip. Bakit ko nga ba iniisip na ang lahat nang ginagawa ni senior keens ay may meaning? I cant help it. No one treated me this way before.

"You're so kind, senior."sabi ko sa kalagitnaan nang katahimikan. Ibinaba niya ang hawak na kubyertos at uminom nang tubig bago tumingin saakin."Ganito ka rin ba sa iba?"pagpapatuloy ko.

Ngumiti ito."Do you like the food?"tanong niya, hindi sinasagot ang tanong ko. It's always like this. palagi niyang iniiba ang usapan. At hindi sinasagot ang tanong ko. Ang simple lang naman nang tanong ko pero parang hirap na hirap siyang sagutin ito.

"Yes. thanks for bringing me here."

"You're welcome, any plans later?"muling tanong niya.

"Wala naman. Siguro matutulog? Para makabawi naman ang katawan ko."pagpapaliwanag ko at muling kumain. Hindi ko na ito muling narinig magsalita hanggang sa tuluyan na akong matapos kumain. Uminom ako nang tubig, dahan dahan kong ibinaba ang hawak kong baso nang mapansing nakatingin ito saakin.

"Wanna go wit-"hindi niya natapos ang sasabihin nang biglang tumunog ang cellphone niya. Kaagad naman itong nagpaalam na sasagutin lang ang tawag. Ngumiti ako bilang sagot. Habang nag hihintay ay naisipan kong magbayad na. kaso paglapit ko sa counter ay ang sabi naman ni sir Hussain ay on the house na daw ang kinain namin.

So hindi ito counted sa libre ko kay senior..

Unti unti naring dumadami ang customer at si sir Hussain lahat ang kumikilos. Ngayon alam ko na kung bakit kailangang kailangan niya nang helper. kaya hindi ko siya gaanong nakausap tungkol sa trabahong binanggit niya kanina. Binigyan nalang niya ako nang calling card.

"What's that?"tanong ni senior nang makalapit. Nakatingin ito sa hawak kong calling card.

"Im thinking about working here, kaya nanghingi ako nang number ni sir Hussain."pagpapaliwanag ko at inilagay ang hawak sa bulsa nang pants ko.

Ngumiti ito nang tipid. "Nice."ang tangging sabi niya lang. Ilang minuto pa kaming tumambay bago naisipang ihatid na ako. Kung ano ano lang ang pinag usapan namin. Sa hindi malamang dahilan, medyo gumaan ang pakiramdam ko sa kanya.

"How bout your brother? is he still staying with you?"tanong niya.

"I don't know, umalis siya kaninang umaga, at hindi pa kami nag uusap simula kagabi."sabi ko habang nakatingin sa mga building na nadadaanan namin.

"What's his name again?"

"John? why?"takang tanong ko.

"You seems close with your sibling."

"Syempre kapatid ko siya, hindi ka ba close sa mga kapatid mo?"balik na tanong ko at nilingon ito.

"Im only child."ang tangging nasagot niya lang.

"Oh, I too. In my mother's side. John is my step brother. Hindi ko alam kong counted ba iyon."sagot ko naman. Nilingon niya ako, may seryoso itong mukha. Una siyang nag iwas nang tingin at ibinalik ang tingin sa kalsada.

"And you let him sleep with you, last night?"

Kumunot ang noo ko."Syempre, late na at hindi ko naman pwedeng paalisin ito nang gabi. It's dangerous. As his sister its my responsibility to take care of him."

"You're a good sister then."

Tipid akong napangiti. Fluttered dahil sa sinabi niya. Hindi na ulit kami nag usap hanggang sa makarating sa apartment ko. Kaagad akong lumabas.

"Thanks.. ingat sa pag dadrive."sabi ko bago isinara ang pintuan nang kotse.

Kaagad akong naglakad papunta sa ikalawang palapag. Sumilip ako sa baba at napansing hindi pa ito umalis. Kumunot ang noo ko. anong hinihintay niya? Nakibit balikat nalang ako at Pumasok sa loob nang apartment. Kaagad akong Pumasok sa banyo at nag half bath. Pinagpawisan kasi ako kanina. At Ayoko nang pakiramdam na pinagpapawisan ako.

Ilang minuto ang itinagal ko sa banyo bago lumabas para mag bihis. Hihiga na sana ako sa kama nang makarinig nang katok sa pinto. Is it john? That's imposible. Dahil may dala itong susi.

Naguguluhang sumilip ako sa bintana, mas lalong naguluhan nang mapansing land lady namin ito.

"Hi."bati ko."May problema po ba?"takang tanong ko.

Tumingin siya sa likuran ko na para bang may hinahanap. "Kumusta, june?"panimula niya.

"Ayos lang po."

"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. May nagreport saakin na may kasama kang ibanag tao sa loob nang apartment? Diba ang usapan natin ay isang tao lang ang pwedeng tumira sa isang apartment?"seryosong sabi niya habang nakatingin parin sa loob.

Bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Hindi ko alam kong bakit. Isa nga ito sa rules kapag nangupahan ka dito. Kailangan mag isa ka lang.

"Ah.. pasensya na po. Dumating kasi ang kapatid ko kagabi at dito ko na siya pinatulog. Pero wala na po siya ngayon, umuwi na."Nahihiyang pagpapaliwanag ko.

"Sana hindi na maulit ito, naiintindihan mo ija?"

"Opo. Pasensya na."hinging paumanhin ko.

"Pasensya na sa abala, iyon lang ang gusto kong sabihin."sabi niya at naunang umalis. Tinignan ko ito hanggang sa mawala ito sa paningin ko. nakaramdam ako nang inis. Hindi ko alam kong sino ang nagreport saakin. Saglit lang naman nag stay dito si john at hindi naman kami maingay kagabi. Depende nalang kong may nakakita kay john na lumabas nang apartment ko.

Nabalik ako sa sarili nang mapansing may lumabas sa kabilang apartment. Ito iyong nagreklamo kagabi na ang ingay ko daw.

Hindi ko gaanong nakita ang mukha niya dahil nakasuot ito nang mask at sunglasses. Hindi ako makangiti o magawang batiin ito. Pumasok nalang ako sa loob at tinawagan si john.

NO WAY OUTWhere stories live. Discover now