KABANATA 15

2.6K 42 1
                                    

Tinignan ko si sir Hussain na lumapit kay Andrew, napatingin sila saakin. Nagtatakang ibinalik ko ang atensyon sa ginagawa. Hindi ko alam kong bakit kinakabahan ako. Gusto kong malaman kong ano ang pinag usapan nila. Kaya nang umalis si sir Hussain ay pasimple akong lumapit kay Andrew.

"Anong pinag usapan niyo ni sir Hussain?"tanong ko dito. Pinagtaasan niya ako nang kilay, na para bang sinasabi niya na pake mo?

"Pagkatapos mo akong sungit sungitan-"tila bubulong bulong na sabi niya. Medyo nahiya naman ako.

"Sorry kung nasusungitan kita.. Nagtataka lang naman ako kung bakit sabay kayong Tumingin saakin kanina, pakiramdam ko tuloy ako ang pinag uusapan niyo ko."sabi ko naman. Nandito kami ngayon sa labas kasi walang customer.

"Assuming ka naman."sabi niya, naramdam ko ang unti unting pag iinit nang mukha ko dahil sa hiya, baka nga at assuming lang ako. Kaya hindi nalang ako nagtanong ulit. Diko alam bakit bigla kong naramdaman ang pagiging outcast ko. And it's not a good feeling.

Tinignan ko itong maglakad sa likurang bahagi nang café, tatanungin ko sana kong anong gagawin niya pero nang mapansing maglabas siya nang yosi ay kaagad akong umatras. Malakas pa naman kumapit nang amoy nang yosi. At ayokong maamoy ako ni senior keens na mabaho, ang lakas pa naman nang pang amoy non.

Bumalik nalang ako sa loob at nag antay nang customer. Hindi gaanong matao ngayong araw, kaya nag announce si sir Hussain sa gc na maaga nang magsara. May isang oras pa bago ang oras nang tamang pagsasara namin. Kaya kaagad kong tinext si senior sa nangyari, at ang sabi ko ay mauuna na akong umuwi at daanan nalang ako kapag pauwi na siya para sabay kaming mag dinner.

'Don't go anywhere.'ang tanging nasabi niya nalang sa text kaya kaagad akong umuwi. Bumagal ang paglalakad ko nang mapansing may tubig na dumadaloy sa hagdanan. Napakurap kurap ako nang mapansing may tubig sa hallway nang mga apartment. Nag mamadaling Binuksan ko ang apartment ko, tuluyan na akong napatigil nang mapansin ang ilang gamit ko na lumulutang lutang.

At dahil paibaba ang loob nang apartment ko kaya napasukan ito nang tubig. Tinignan ko din kong may leak ba. Pero wala namang problema saakin. Naguguluhang lumabas ako sa apartment, napatingin ako sa kakabukas pa lang na pinto sa gilid ko at lumabas doon ang land lady at isang lalaking balot na balot ng tela.

Sabay silang napatingin saakin, nagtanong ako kung ano ang nangyari, kaagad namang ipinaliwanag saakin. May sumabog daw na gripo sa dulong apartment at hindi daw nila alam kong gaano katagal itong napabayaan. Wala daw kaagad na nagreport sa nangyari,

Pinatay din ang kuryente kaya walang ilaw. Nag sipag datigan ang mga tenant, katulad ko ay gulat din sila sa nangyari. Nangako naman ang landlady na tutulong siya sa pag aayos o pagdidrain nang tubig. Pero kung may nasira man daw sa mga gamit namin ay wala daw siyang matutulong.

Napatingin ako sa ilang damit na nabasa, Mabuti nalang at nasa kama ko ang laptop ko at nasalba ito. Eto pa naman ang pinaka importante sa lahat, Dahil kakailanganin ko ito sa pasukan.

Tapos may isa pa akong problema, pinapaalis kami nang landlady dahil pinatay daw niya ang kuryente pati ang tubig. Baka dalawang linggo daw ang itatagal nang pagaayos at pagpapatuyo.

Kakatapos ko lang magligpit nang mga damit ko nang dumating si senior. Nawala sa isip ko na susunduin nga pala ako ni senior para mag dinner. Balak ko pa namang pumunta nalang sa pinaka malapit na motel. Kaya ko namang bayaran ang dalawang linggong pag iistay doon, dahil nakaipon naman ako nang sapat na pera, lalo na at nagpapadala parin si mama saakin.

"No, you will stay with me."sabi niya sa kalagitnaan nang pagsasalita ko.

Napatingin ako sa kanya pero seryoso lang ang mukha niyang nakatingin sa kalsada. Hindi na ako nakipagtalo dahil wala ring silbi iyon. Kapag nagdesisyon siya, kaagad nasusunod iyon. Hawak niya sa kabila niyang kamay ang maleta ko at sa kabila naman ay ang kamay ko, nang makapasok sa elevator.

"Ayos lang ba talagang tumira ako dito?"tila di paring mapakaling sabi ko nang makapasok kami sa condo niya.

Tinignan niya ako mula sa gilid nang mata."If you're uncomfortable to accept my offer. You can be my tenant, you can cook for me as a payment," pagpapaliwanag niya habang umaakyat sa ikalawang palapag. "Pwede mong gamitin ang kwartong ito."sabi niya at Binuksan ang unang pinto, ang kwartong unang pinasukan ko.

Kaagad naman akong sumunod na pumasok sa kwarto. Somehow, nadagdagan ang mga gamit dito. Nadagdagan din nang kulay di tulad nang huli kong kita dito na puro puti ang mga gamit.

"What do you think of this room?"tanong niya at nilingon ako. Tipid akong Ngumiti, hindi ko alam kong bakit kinakabahan ako. Bukod pa don ay may negatibo akong naramdaman.

"It's pretty, thank you.."pasasalamat ko. Ngumiti rin siya at lumapit saakin at marahan akong niyakap. Napapikit ako nang maamoy ang pabago niya.

"I'll take care of you, june."marahang sabi niya. Nagmulat ako at niyakap din siya pabalik.

Thanks god Nandito si senior keens na handang tumulong saakin.

"Thank you, senior.."

"Magluluto na ako nang dinner natin, take your time."sabi niya at hinalikan ako sa noo. Tinignan ko ito hanggang sa tuluyang makalabas. Napahawak ako sa noo kong hinalikan niya at napangiti narin. Napaupo ako sa kama, at kaagad naramdaman ang kalambutan neto.

Nakakahiya mang tanggapin ang offer ni senior, pero mas maganda na ito kesa sa motel ako mag stay.

Pumasok ako sa walk in closet, napatingin ako sa pamilyar na kasuotang nakasabit. Ito iyong Blue pajamas na pinasuot niya saakin, Nandito narin yong hoodie at jogging pants na ginamit ko, kaagad ko kasing nilabhan at isinauli sa kanya ang ginamit. Hindi ko alam na dito niya pinaglalagay ang mga ginamit kong damit niya.

Hindi ko alam bakit muli ko nanamang naramdaman ang negatibo pakiramdam sa kanya. Na para bang nandidiri siya saakin kaya niya iniba ang ginamit ko sa gamit niya. Napabuga ako nang hangin at hindi na gaanong iniisip. Nag half bath nalang ako Pagkatapos mag ligpit. Kaagad akong bumaba at naabutan ko siyang may kausap sa cellphone, kaagad nagtama ang paningin namin.

Narinig ko siyang nag paalam sa kausap bago lumapit saakin at muli akong niyakap."Finally.."marahang sabi niya. hindi ko alam kong ano ang ibig sabihin nang sinabi niya, binaliwala ko nalang ito at niyakap siya pabalik.

NO WAY OUTWhere stories live. Discover now