Chapter One

5.9K 56 0
                                    

••~••♤♤♠️♤♤••~••

Bawal na Pagtingin

••~••♤♤♠️♤♤••~••

"Magiging maayos din ang lahat" medyo paos at puno ng simpatya ang pahayag ng malaking lalaki na nasa aking harapan.

Tango lamang ang aking isinagot dito bago tahimik itong sinundan patungo sa kanyang sasakyan habang bit-bit ang dalawang maletang naglalaman ng aking mga gamit.

••~••♤♤♠️♤♤••~••

Ako si Jordan Delgado, dalawamput-apat na taong gulang at kasalakuyang nag-aaral sa kolehiyo at kumukuha ng kursong nursing.

Ang lalaking katabi ko habang lulan ng sasakyan ay walang iba kungdi ang aking tiyo na si Gaston, ang nakababatang kapatid ni mama. Sinundo ako nito mula sa aking dorm upang isama sa bahay nito sa Binangonan, Rizal.

Mahigit tatlong buwan na ang nakararaan mula ng pumanaw si mama dahil sa isang aksidente. Labis na gumuho ang aking mundo dahil sobrang malapit ako dito. Ito kasi ang tanging nagpalaki at nagtaguyod sa akin simula ng takbuhan ito ng aking walang kwentang ama noong nagdadalang tao pa ito.

Bihira kong makita ang aking tiyo noon at madalas ay sa telepono ko lamang naririnig ang boses nito tuwing mag-uusap sila ni mama. Natatandaan ko na naging madalas ang pagtawag nito dalawang taon na ang nakakaraan ng makipaghiwalay ito sa asawa.

Ayon kay mama, naghahanap ito ng makakausap at mapag hihingahan ng sama ng loob dahil sumama sa ibang lalaki ang asawa nito bago pa man matapos ang ipinapagawa nilang bahay. Balita ko pa ay di na muling nag-asawa pa ito at nilunod na lamang ang sarili sa trabaho.

At dahil sa kagandahang loob na ipinakita ni mama dito ay nais nitong suklian iyon sa pamamagitan ng pagkupkop sa akin matapos ang nangyaring trahedya.

Nagpagkasunduan namin na tapusin ko na lamang ang natitirang semester sa taon na ito bago ako lumipat sa bahay nito ngayong bakasyon. Naging malungkot at makapagdamdamin naman ang paalaman namin ng aking mga kaibigan.

••~••♤♤♠️♤♤••~••

"Andito na tayo" sabi nito matapos iparada nito ang sasakyan sa loob ng garahe.

Ginabi na kami ng dating dahil sa tindi ng traffic sa daan. Tahimik lamang akong tumingin dito bago nagsimulang bumaba ng sasakyan.

Nakatira ito sa isang private subdivision sa Rizal. Magaganda at malalaki ang bahay sa loob ng subdivision at tila purong may mga kaya ang nakatira dito.

Di naman magpapatalo ang tirahan ng aking tiyuhin sapagkat may kalakihan din ang bahay nito. Unique at maganda ang pagkakadisenyo ng labas nito.

Hindi na ito nakakapagtaka dahil Architectural Engineer ang propesyon ng lalaki. At ayon sa kwento sa akin ni mama ay ito mismo ang nagdisenyo ng sarili nilang bahay mag-asawa.

"Kailangan mo ba ng tulong?" Tanong nito sa akin habang ibinababa ko ang aking mga maleta sa sasakyan.

Umiling lamang ako dito.

"Tara pasok na tayo sa loob" nakangiting paanyaya nito sa akin.

••~••♤♤♠️♤♤••~••

Isang magulo at makalat na loob ng bahay ang sumalubong sa akin. Hindi ako makapaniwala dahil mas mukha pa itong bodega at tambakan ng basura kesa bahay.

Tiyo GastonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon