18

1.2K 49 2
                                    


BEKI SI BLACK
( U-Prince 1 )

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER  18

[Third Pov]
Matapos tawagan ni Black si Spencer ay lumabas siya sa kuwarto.
"Bakit gising ka pa?" tanong niya kay Nathalie na nakahiga sa couch pero hindi ito sumasagot.
"Nathalie!" Nilapitan niya ito pero walang imik.
"Bakit ba nandito natulog ang babaeng 'to?" naupo siya sa tabi ng dalaga at pinagmasdan ito. Tila isang anghel na mapayapang natutulog.
" Angel with a big boobs." bulong niya.
Tatalikuran na sana niya ito nang gumalaw si Nathalie. Mabilis ang mga kilos niya para masalo ito.
"Ang bigat mo!" Reklamo niya pero hindi pa rin nagigising ang dalaga. Binuhat niya ito at dinala sa kuwarto.
"Literal na pasanin talaga kita!" Bulong niya at inilapag ito sa malambot at malapad na kama.
"B-Black? Ano ang ginagawa mo?" pagmulat ni Nathalie ay bahagyang nakayuko ito sa kaniya.
"Kakalapag ko lang sa 'yo!" Pagsusungit ng binata.
"Eh, bakit ang lapit ng mukha mo?"
"Alangan namang pabagsak kita ilapag? Ikaw na nga itong tinutulungan, eh!"
"Sino ba ang may sabi sa iyong tulungan mo ako?"
"Ayaw ko lang makita ang posisyon mo habang natutulog sa kama. Para kang pulubi!"
"Kaysa naman sa posisyon natin ngayon?" nakahiga siya at ang lapit ng mukha ni Black sa kaniya na kulang na lang ay pumatol ito sa kaniya.
"Dapat magpasalamat ka na lang sa akin dahil pinagtiyagaan kitang buhatin! Ang liit-liit ng katawan mo pero ang bigat mo naman. Ilang kilo ba 'yang boobs mo at para akong nagbubuhat ng sampung sakong bigas?" mahabang litanya ni Black. Ito na nga ang tinutulungan tapos ito pa ang galit.
"Bahala k--" hindi na niya ipinagpatuloy ang sasabihin nang sakupin ni Black ang mga labi niya.
"S-Stop, yelling!" namamaos na sabi nito habang nakadikit ang mga labi nila. Nang hindi makuntento ay diniinan niya ang paghalik sa dalaga. Malambot at mainit na halos magpawala sa katinuan niya. Hindi niya namalayang nakapatong na siya rito at nakapulupot din ang mga kamay ni Nathalie sa leeg niya at mainit na gumaganti sa bawat pagsayaw ng kaniyang mga labi.
"B-Black," ungol ni Nathalie nang maglandas pababa ang malambot nitong mga labi patungo sa dibdib niya.
"Oooh..." ungol ng dalaga nang maitaas nito ang suot na damit at sinimulang laruin ng mga dila ang tuktok ng kaniyang dibdib. Hudyat kay Black na ipagpatuloy niya ang ginagawa. Ang bawat ungol ng dalaga ay tila isang mahinang sanggol na kailangan niyang tugunana nag pangangailangan.
"B-Black?" nagtatakang wika ng dalaga nang tumigil ang binata at ibinaba ang damit niya para matakpan ang nakabalandrang dibdib. Nahiga ito sa tabi niya at nakatitig lang sa kisame.
"I'm sorry, hindi natin dapat gawin ito." Paumanhin niya. Naalala niya ang liham ni Jigs. Ang pakiusap nito na alagaan si Nathalie pero ano ang ginagawa niya?
"Fine," tipid na sagot ni Nathalie. Habang naghahalikan sila kanina ay naiisip na niya kung ano na naman ba ang pakiramdam kapag ulitin nila ang nangyari noon? Matapos nilang pagniniig noon ay paulit-ulit nang bumabalik sa isipan niya ang feelings habang ginagawa nila iyon. May mga times na gusto niyang balikan at damdamin ang pakiramdam habang nakakulong siya sa bisig ni Black at pumapasok ito sa kaniya.
"Nat?" humarap si Black sa kaniya. Tila isang tuta na nagpapacute sa kaniya kaya alam niyang may kailangan ito.
"Sabihin mo na."
"P-Puwede..." nag-aalinlangan siyang sabihin kay Nathalie ang nais pero nandito na rin naman siya kaya itodo na niya.
"P-Puwedeng isubo mo na lang?" hindi ito umiimik. Nakatitig lang sa kaniya at hindi niya mabasa ang nilalaman ng isipan ni Nathalie. "Ahm... Sixty nine na lang tayo para fair naman sa iyo," seryosong dagdag niya pero wala pa ring kibo ang kaharap. "K-Kung ayaw mo, ako na lang ang kakain?" Hindi talaga siya nagbibiro. Kapag pumayag ito, gagawin niya kahit na hindi na siya lumigaya basta ba marinig lang niya ang mga ungol nito at pagtawag ng kaniyang pangalan.
"Labas na, Black." Wala sa sariling sagot ng dalaga.
"Psh! E di, lalabas!"
Nakaalis na si Black pero tulala pa rin si Nathalie. Hindi niya inaasahang pakiusapan siya nito na muling isubo ang pagkalalaki. Mas nagulat pa siya nang mag offer ito ng baliktaran at ang huli ang siya na lang ang kakainin daw.
"Black, balik!" Wala sa sariling sambit niya pero hindi na ito naririnig ng binata. Ngayon lang naabsorb ng utak niya.
-----------
Hindi siya nakatulog kagabi. Sino ba ang hindi dahil nagsisisi siya pero nanghihinayang din sa nangyari. Hindi niya maintindihan ang sarili. Magulo!
"Black, kamusta ka na, 'tol?" tanong ni Spencer nang magkasalubong sila.
"Okay lang. Mabuti naman dahil nakarating ka sa inyo," sabay na silang naglalakad patungo sa second floor. Si Nathalie ay maaga pang umalis dahil may community service pa raw sila sa Tondo.
"Ouch!" Reklamo ni Black nang mabangga siya ng isang tao sa kanang balikat.
"Sorry..." paumanhin ni Alwyn.
"Ang lapad ng daan!" Matalim na tiningnan niya si Alwyn. Malakas ang kutob niyang sinasadya nito ang pagkabangga sa kaniya.
"May malalim na iniisip kasi ako..." ngumiti ito sa kaniya. Guwapo rin si Alwyn pero hindi niya gusto ang mga kilos nito.
"Ingat na lang sa susunod, 'tol." Sabat ni Spencer.
"Palagi naman akong nag-iingat. Kayo rin, ingat!" Sinulyapan ni Alwyn si Black na nakatitig sa kaniya bago umalis.
"Palampasin mo na." Wika ni Spencer nang nakaalis na si Alwyn sa kanilang harapan.
"Okay. Mauna na ako. Dito na ang classroom ko," paalam ni Black.
"Salamat pala. Sa susunod, tawagan mo ako kaagad kapag may hinihinilaan kang sumusunod sa 'yo." Tumango si Black at pumasok sa classroom.
"Hi, Julie. Nakita mo si Aron?" bati niya sa kasintahan ng pinsan.
"Hindi, eh. Nagtext ito na mamayang hapon pa papasok dahil masakit ang ulo niya."
"Ah, patanong na lang kung kailan niya balak mag Palawan." Birthday nito kaya lahat sila ay imbitado sa isang private resort sa Palawan. Pagmamay-ari ng tita nito sa mother side. Okay naman siya sa family ng tunay na ina. Mahal nga siya ng pamilya ni Stephanie dahil siya lang ang remembrance ng mga ito sa namayapang ina.
"Sa sabado raw," sabat ni Sky na kakarating lang kasama si Blue.
"Si Blue na ang manlibre sa atin, Black." Masayang sabi ni Sky. Habang papasok ay kinukulit niya ang kapatid hanggang sa pumayag ito. Alam kasi ni Blue na hindi ito titigil hanggang hindi siya pumayag.
"Nagpupumilit ka, eh!" Sagot ni Blue.
"Huwag kang mag-alala, bro! Ako ang bibili ng ticket pero syempre, pera mo." Ani Sky.
Diretso ang pasok nila ngayon. Nagkaroon pa nga sila ng surprise quiz sa philo.
"YAHOOO... KAINAN NA!" Sigaw ni Sky habang patakbong patungo sa canteen kasama ang mga kapatid. Kanina pa siya nagugutom dahil sa boring na klase.
"TAHIMIK!" Napapreno siya nang palabas sa pinto si Miss Legaspi at salubong ang kilay nito na parang dragon na ano mang oras ay magbubuga ng apoy.
"Sorry, Miss." Paumanhin ni Sky.
"Okay lang 'yan kapag masaya ka. Mas mainam na sinisigaw mo para labas ang problema," mas lalong naningkit ang mga mata ni Miss Legaspi nang magsalita si Victor sa likuran nito.
"Hindi kita kinakausap, Sir!" Pagsisinuplada niya at ipinagpatuloy nito ang paglalakad.
"Hindi rin kita kinakausap. Ang bata ang kausap ko."
"Sa susunod na makialam ka sa buhay ko, masasampal na talaga kita!"
"Wala namang masama kung kausapin kita."
"Meron. Dahil ayaw ko sa iyo!"
"Minsan mo na akong ginusto kaya puwede pang maulit iyon," giit ni Victor. Ang mga estudyanteng nakarinig sa kanila ay napatunganga.
" Muling ibalik, ang tamis ng pag-ibig..." pa inosenteng kanta ni Sky habang papasok sa canteen at pasipol-sipol pa.
"Muling pagbigyan ang ating nakaraan..." dagdag ni Blue at inakbayan ang kapatid saka nag excuse sa pagitan ng dalawan guro. Paunti-unti ay bumabalik na ang sigla nito. Ang dating makulit na si Blue.
"BWESIT!" Naiinis na nilisan ni Miss Legaspi ang canteen.
"Lagot ka, Sky." pananakot ni Keana na nasa isang table kasama sina Taira at Nathalie.
"Si Taira kaya ang kinakantahan ko." Palusot ni Sky. "Di ba Tai? Ibalik natin?" makahulugang sabi ni Sky at tumabi sa tabi nito saka kinurot ito sa tagiliran.
"Alis ka nga!" Pagtataboy ni Taira saka tinulak ito.
"Hindi pa nga kami bati," bulong ni Sky pero mas lalo siyang sumiksik sa tabi ng kababata.
Tahimik na naupo si Black sa kaliwang bahagi ni Nathalie. "Ano 'to?" tanong ni Nathalie at may kinuha sa kuwelyo ni Black.
"Bakit? Ano 'yon?" nakakunot na tanong ni Black.
"W-Wala, may dumi lang..." palihim na tinago niya ang itim na bagay sa bulsa ng pantalon niya.
"CR muna ako..." paalam niya at tinungo niya ang banyo sa loob ng canteen.
Nang nasa cubicle na siya ay dinukot niya sa bulsa at maiging pinagmasdan ang maliit na bagay na iyon.
" Tracking device?" sambit niya. "Shit!"

A/N:

Congratz sa ating LAHAT.
RANK#12 na sina Black at Nat-Nat. Thank you ng marami sa inyo. Mwuah😀💖😀💗💚❤

Beki si BlackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon