28

1.4K 52 0
                                    




BEKI SI BLACK ( U-Prince 1)

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 28

A/N:

Baka magkaroon ng perfectionist reader ang story na ito. Hehehe. Yung sa tuko po, fiction lang ito. Hindi ko po alam kung totoo pero totoong may tsismis talaga na kaya mahal ang presyo ng tuko dahil inilalagay ang drugs sa katawan nila para ibenta sa ibang bansa dahil makapal ang balat at hindi ma detect sa x-ray machine ba 'yon? pero TSISMIS lang iyon kaya hindi ako sure dahil nga tsismis nga lang. Pero kung talagang ayaw ninyo sa tuko, butiki na lang. DAMN, napaghalataan talaga na tsismosa ako. Hayaan ninyo, kapag may tsismis na naman, share ko ulit sa inyo.😀💖😀💗💚❤
"Congrats pala. Ikaw na ang Mr.World."
"Salamat. Proud ka ba sa akin?"
"Oo naman. Lahat ng Pilipino ay proud sa pagkapanalo mo."
"Thanks naman kung ganoon."
Naalala ni Nathalie ang mga pag-uusap nila noon ni Alwyn.
Ngayon lang niya naintindihan ang lahat. Ang lahat-lahat!
"A-Alwyn, proud ako sa iyo! K-Kami ni
ni Jigs, masaya kami sa p-pagkapanalo mo!" Pinahidan na naman niya ang mga luha habang nakatitig sa nakahigang kapatid. Mabilis ang pagmaneho ng isang pulis pero malayo pa ang hospital. Ang dami ring dugong nawala sa katawan nito. Sa kanang dibdib at balikat ang tama nito. Hindi na sumasagot si Jigs at nakapikit ang mga mata.
Naalala niya noong nasa canteen sila at nakikinig lang siya sa usapan nina Alwyn at Taira.
" Bakit hindi mo ipinagpatuloy ang pagiging Mr.World mo?" tanong ni Taira kay Alwyn na magiliw na kumakain ng mocha ice cream. "Sayang din. Ang daming tao na gustong makatayo sa kinatatayuan mo."
Napansin ko ang pagtaas ng dibdib nito bago magsalita.
"Kasi may mas importanteng bagay na dapat asikasuhin kaysa sa pagiging Mr.World."
"Talaga? Hindi ba importante sa iyo ang Mr.World?" hindi makapaniwalang tanong ni Taira.
"Mahalaga rin sa akin ang manalo para sa isang taong importante rin sa akin. Nakuha ko na ang title. Sapat na sa akin ang kahit ilang araw lang. May mas importante akong inaasikaso ngayon."
Pumikit siya! Kailangan niyang mag-isip. Kung may tao mang puwedeng makatulong para iligtas ang buhay ng kapatid niya ay siya iyon.
Mabilis na kinuha niya ang emergency kit sa loob ng ambulansiya. Walang siyang experience sa mga ganito pero kailangan niyang gawin ang lahat para sa mailigtas ang buhay ng kapatid.
Nanginginig na hinalungkat niya ang laman ng kit. Mabilis na kinuha niya ang dalawang bandage at sa mabilisang paggalaw ay nai-bind niya sa sugat ni Alwyn.
"Ako na sa kabila..." sabi ni Black at kinuha sa kaniya ang bandage at ipinaikot sa balikat ni Alwyn.
"A-Alwyn?" kinabahan si Nathalie nang hindi na ito gumagalaw.
"ALWYN!" Niyugugyog niya ito pero walang sagot. Pinahidan niya ang mga luha para makita ang katawan ng lalaki. Hindi na tumataas baba ang dibdib at tiyan nito.
"N-Nat, h-hindi na siya gumagalaw." Natarantang sabi ni Black. Kahit na galit siya rito noon, sapat na ang ginawa nitong pagligtas kay Nathalie para paniwalaan niya ang sinasabi nito.
"NO! H-Hindi maaari!" Nanginginig ang mga kamay niya na hinawakan ito sa kamay. "A-Alwyn, malapit na tayo!" Naglulumikot ang mga mata niya sa paligid. Hindi alam ang gagawin.
"A-Ano ang gagawin natin, Nat-Nat?" natigilan si Nathalie sa tanong ni Black. Ano ba ang gagawin nila? Ano ang magagawa niya ngayong kailangan ng kapatid ang tulong niya? Nanginginig ang kamay pero pinilit niyang gawin ang mga bagay na puwede niyang magawa.
Nanlamig siya nang walang makapang pulso sa leeg ng kapatid.
Mabilis na hinawakan niya ito sa forehead at bahagyang itinaas ang ulo habang ang dalawang daliri ay nasa ibaba ng chin ni Alwyn. Yumuko siya tapos ang cheeks ay nasa bibig nito pero ang mga mata ay nakatitig sa chest ng binata. Wala. Hindi na ito huminga at walang pulso.
"A-Alwyn, h-huwag mo at akong iwan!" Nataranta niyang sabi habang niyuyugyog ang balikat nito. "L-Lumaban ka. P-Pakiusap." Natatakot siya. Natatakot na maiwang mag-isa. Alam niyang siya ang tinutukoy ni Jigs noon na isu-surprisa siya sa Manila Bay.
"N-Nat, w-wala na siya..." sambit ni Black na umiiyak din dahil sa mga nangyayari. Niyakap niya ang kasintahang luhaan at parang basang pusa na walang matatakbuhan.
"N-NO! HINDI PUWEDE! HINDI AKO MAKAKAPAYAG!" Pinahidan niya ang mga luha at lumuhod sa gilid ng kapatid. Balewala sa kaniya ang pag-undag-undag ng sasakyan dahil sa lubak na daan.
"Tumawag ka sa pinakamalapit na hospital pero huwag mong tanggalin ang isang kamay mo sa sugat ni Alwyn para matigil ang pagdaloy ng dugo." Utos ni Nathalie kay Black. Hindi niya puwedeng utusan ang driver dahil baka maaksidente pa sila. Sinunod naman ni Black. Ang isa ay naka compress at ang isang kamay ay nagda-dial sa St. Benedict's Hospital.
"May pag-asa pa!" nakatitig siya sa katawan ni Alwyn. Hindi siya sigurado sa gagawin but she has to try! She must try! Malayo pa ang hospital at nasa kamay niya nakasalalay ang lahat.
"Bagay sa iyo ang puting uniporme. Ang ganda mo!" Puno ng paghanga na wika ni Alwyn na tila may pagkaproud pa sa boses nito.
"Salamat. Alam mo bang pangarap ito ng parents ko? Sayang, hindi na nila ako nakitang nakasuot ng ganito." Biglang binalot ng lungkot ang kaniyang puso.
"Kung saan man sila ngayon, sigurado akong masaya sila sa achievement mo. Magiging mabuting nurse ka. Maniwala ka lang sa kakayahan mo..." Tinapik siya ni Alwyn sa balikat.
"BUBUHAYIN KITA!" Determinadong sambit niya. Bago inilagay ang isang kamay sa center ng chest nito habang ang isa ay nasa ibabaw at naka interact ang fingers para hindi madamay ang ribs.
" One thousand one, one thousand two..." bilang niya hanggang sa makaabot sa thirty compressions.
Itinaas niya ang ulo tapos nagbigay ng two rescue breaths. Muli niyang kinapa ang carotid pulse nito at inassess ang paghinga nito pero wala.
"L-Lumaban ka!" Pakiusap niya bago simulan ang next cycle ng CPR. Hahayaan ba niyang mawala ang isa pang kapatid sa harapan niya at mga kamay mismo?
"One thousand thirty!" Hinihingal na sabi niya hanggang sa binigyan na naman ng dalawang rescue breath. Sinigurado niyang straight ang mga kamay niya dahil iyon ang natatandaan niya. Mali o tama ang ginagawa niya, wala siyang pakialam! Sa mga oras na ito, nakasalalay ang buhay ni Alwyn sa mga kamay niya.
"P-Pakiusap, 'wag mo akong iwan! M-Malapit na tayo!" Nang hindi pa rin humihinga ito. Natatanaw na nila ang emergency room ng hospital.
"One thousand one... One thousand two... One thousand three... One thousand fou-- ALWYN!" Nataranta niyang sabi nang biglang tumaas baba ang dibdib nito. Kinapa niya ang pulso sa leeg. Pumintig na. Kahit ang maiinit paghinga mula sa bibig ay naramdaman din niya sa pisngi kaya itinigil na niya ang pag CPR.
"A-Alwyn... Nandito na tayo. Makakaligtas ka." mahigpit na hinawakan niya ito sa kamay pero masaya na siya. Kahit paano ay muli siyang nabuhayan ng pag-asa.
"Natty," tawag ni Black at hinawakan siya sa balikat habang nakaluhod pa rin ito sa gilid ng kapatid. Tumigil ang ambulance at kinuha si Alwyn at inasikaso agad ng mga nurses at doctor.
"M-Maliligtas na siya, h-hindi ba?" muli na namang umagos ang mga luha niya. Hinang hina na siya. Physically, emotionally pero hindi sa spiritual na aspeto. Kahit na ganito na ang nangyayari sa buhay niya, naniniwala pa rin siya sa himalan ipagkaloob ng nasa Itaas.
"Oo, ipagdasal na lang natin." Bulong ni Black saka inalalayan siya pababa.
----------
Isang linggo na ang nakaraan. Nasa private room na si Alwyn at ligtas na ito sa kapahamakan. Saka lang nila nalaman na ito nga ang naglagay ng tracking device kay Black dahil nais niyang malaman kung nasaan ito dahil alam niyang ano mang oras ay kikidnapin na ito ng pamilya nina Spencer. Sige na nga, aaminin na niya na NBI agent din siya at sa kaniya ang isa pang listahan ni Jigs.
"Paano napunta ang pangalan mo sa listahan ni Jigs?" tanong ni Nathalie habang sinusubuan siya ng lugaw.
"Under cover agent ako kaya kailangan kong malaman ang bawat galaw ng binabantayan ko." Sagot ni Alwyn. Medyo kumikirot pa ang tama ng baril pero malayo naman ito sa puso. Ngumiti siy kay Nathalie. Masaya siya dahil muli silang nagkasama-sama. Dulot ng sobrang kahirapan ay pinaghiwalay silang tatlo pero muli rin silang pinagtagpo ng tadhana.
"Kaya kunwari, buyer ka rin? Paano mo nalaman na triplets tayo?" nagtatampong tanong ni Nathalie.
"Si Jigs... Nang magkausap kami, sinabi niya sa akin. Matagal na niyang alam ang lahat. Hindi ko nga alam na ampon lang pala ako. Bago pa raw siya umalis ng probinsya ay ipinagtapat ng amain niya na tatlo tayo at kung saan ako pinaampon. Nahihiya lang siyang lumapit sa akin dahil baka hindi ko siya matatanggap bilang kapatid pero nang bumili ako ng druga sa kaniya, nagkaroon siya ng lakas ng loob na aminin sa akin na magkapatid kami at ipinagtapat din niya na ikaw pa ang nawawalang isa." Mahabang paliwanag niya. Nalulungkot siya sa sinapit ni Jigs. Habang nasa backstage sila noon sa pageant, ibinilin ni Jigs na alagaan niya sina Nathalie at Black dahil baka madamay ang mga ito. Nang malaman nitong isa siyang asset ng NBI ay ipinagkatiwala nito ang isang listahan na nagtuturo kay General Guttierez bilang drug lord at supplier ng mga illegal drugs ng mga celebrities at kilalang tao.
Ang sabi pa nito na kung ano man ang mangyari sa kaniya, ipagpatuloy niya ang Mr.World para kahit saan man siya, magiging masaya ito. Pangarap ni Jigs ang Mr.World kaya sinikap ni Alwyn na masungkit ang trophy para sa kapatid.
"Nat-Nat?" napasimangot si Alwyn nang pumasok si Black. Ayaw talaga niya rito para sa kapatid dahil natatakot siya na baka ipagpalit si Nathalie sa kapwa lalaki at baka mapatay pa niya ito.
"Becks," isang nakakamatay na tingin ang ipinukol ni Black.
"Este, Black?" bawi ni Nathalie. Nasanay na talaga siyang tawagin itong "Beks".
"Kain na tayo sa cafeteria." Yaya ni Black na nakatingin sa kaniya. Magmula nang makaligtas sila, hindi na ito nawawala sa paningin niya. Kahit nga nasa banyo ay gusto siya nitong sundan.
"Mamaya unti na. Pinapakain ko pa si Alwyn," sagot ng dalaga kaya sumimangot si Black.
"Wala kang karapatang magalit dahil iniligtas ko ang buhay mo!" Ani Alwyn dahil halata namang masama ang loob nito.
"Si Nathalie ang iniligtas mo. Hindi ako!" Sabat ni Black.
"Talaga? Noong galing kayo ni Spencer sa bar, hindi ba't may bumabaril sa sinasakyan ninyo?" nagulat si Black sa sinabi nito.
"I-Ikaw ang humahabol sa amin?"
"Hindi." Sagot ni Alwyn.
"Ako ang bumaril sa gulong ng sasakyang humahabol sa inyo." Sagot niya. Alam niyang binabaril "kuno"ni Spencer ang sasakyan pero ang totoo, hindi niya ito natamaan. Set-up lang ang nangyari. Narinig niya noong nagpunta ito sa CR para kausapin ang ama. Ginawa lang nito ang lahat para kunwari ay siya ang tagapagligtas ni Black at mapalapit ang binata sa kaniya. Wala siyang magawa kundi bantayan si Black kahit na labag pa sa kalooban niya dahil nangako siya kay Jigs.
"Salamat," seryosong pasasalamat ni Black.
"Matatanggap ko lang ang pasalamat ko kapag iiwan mo na ang kapatid ko!" Biglang kumulo ang dugo ni Black sa narinig.
"ALAM MO, kung tutuusin, wala na akong pakialam sa kapatid mo dahil nakuha ko na ang gusto ko, ang virginity niya pero nandito pa rin ako sa tabi niya!" Napipikon na siya. Siya pa naman ang tipo ng taong ayaw magsalita.
"Talagang may nangyari na sa inyo?" lalako siya at gusto lang niyang protektahan ang kapatid. Kahit na alam niyang silahis si Black, hindi pa rin maipagkaila ang pagka Villafuerte nito. Playboy. Babaero.
Nagtatanong ang mga matang tumingin siya kay Nathalie.
"Is it true? May nangyari na ba sa inyo?" natatakot siyang iiwan ni Black sa ere ang kapatid. Kung puwede nga lang na ilayo ni si Nathalie ay gagawin niya.
"K-Kuwan..." napakagat ito ng ibabang labi. Nahihiya siyang aminin.
"Huwag kang mag-alala, pananagutan ko naman ang kapatid mo," sabat ni Black para depensahan ang kasintahan.
"Paano ako makakasiguro?" madilim ang mukhang tanong ni Alwyn. Malapit na talaga siyang makakapatay!
"Minsan, mas lalaki pa sa lalaki ang mga bakla kapag responsibilidad ang pag-uusapan."  Sagot ni Black.

A/N:

Finale na lang. Tungkol sa info, 'wag kayong mahiyang itama ako ha. Basta yung hindi ikasira ng kaluluwa ko keribels lang. Pero yung technicalities, hayaan niyo na. Gets niyo naman ang ibig kong sabihin. ✌ ✌ ✌

Beki si BlackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon