Chapter 49: Sad Song

1.2K 38 5
                                    

**3rd Person's POV

Nagising sina Jaron at Cahriya sa malakas na paglagabag ng mga gamit sa paligid nila at pati na rin sa malakas na pagsipa ni Lance sa kama.

"Ano yun?" Mahinang sabi ni Cahriya at nagulat siya nang makita ang half naked na si Jaron sa tabi niya. "KJ!"

Biglang hinila ni Lance ang braso ni Jaron at ibinalibag siya sa sahig. Nanghihina pa si Jaron dahil kagigising lang niya at nananakit pa rin ang batok niya kaya hindi siya makagalaw ng maayos. Pinilit niyang tumayo pero pero sinipa siya ni Lance. Pumaibabaw siya dito at hinawakan ang leeg ng kaibigan.

"You filthy animal! G*go ka Jaron! Papatayin kita!" Galit na galit na sigaw ni Lance sabay sinuntok si Jaron ng paulit-ulit.

"Lance! Itigil mo yan! Baka mapatay mo siya!" Sigaw ni Cahriya na gulong-gulo sa mga nangyayari.

"Shut up! Papatayin ko talaga siya! Kayong dalawa! Magsama kayo sa impyerno!"

Galit na galit si Lance. Hindi niya tinitigilan ang kaawa-awang si Jaron kahit duguan na ito. Halos wala ng buhay si Jaron nang bitawan siya ni Lance para kunin ang upuan na ihahampas niya dito.

Ngunit bago niya pa magawa ito pinigilan na siya ni Cahriya. Umiiyak siyang nagmakaawa kay Lance na itigil na ang kung ano mang ginagawa niya.

"How could you do this to me? Ano bang ginawa ko sayo para gawin mo sa'kin 'to? ANO? Sabihin mo sa'kin Cahriya!" Gigil na sabi ni Lance habang mahigpit na hawak ang magkabilang braso ni Cahriya.

"H-hindi ko alam ang sinasabi mo! Wala akong alam dito! Lance maniwala ka sa'kin!"

"Hindi na. Hinding-hindi na ako maniniwala sa kahit anong sasabihin mo."

Sa galit ni Lance ay itinulak niya si Cahriya. Tumama ang balakang nito sa kanto ng kama. Unti-unti siyang nakaramdam ng sakit at napa-upo. Si Lance naman ay hinarap muli si Jaron na ngayon ay sinusubukang itayo ang sarili.

Napa-pikit si Cahriya dahil sa sakit na nararamdaman niya. Maya-maya pa ay may mainit na likido ng dumadaloy sa pagitan ng hita ni Cahriya. Nanlaki ang mga mata ni Cahriya sa nakita niya. Hinawakan niya ang likidong ito at nang tignan niya ang kanyang mga kamay ay puno na ito ng dugo. Nagsimula na siyang sumigaw at umiyak ng tuluyan.

"Ang baby ko! Ang baby ko! Ang baby ko! Tulungan niyo ako! Ang baby ko!" Sigaw ni Cahriya na nakatawag sa pansin ni Lance kaya nilingon siya nito.

Nagulat siya sa nakita niya. Puno ng dugo ang mga paa ni Cahriya pati na rin ang mga kamay niya. Umiiyak ito at paulit-ulit ng sinasabi.

"Ang baby ko." Yun pa rin ang sinasabi ni Cahriya habang umiiyak siya.

Halos hindi maihakbang ni Lance ang mga paa niya. Mabagal siyang naglakad papunta kay Cahriya. Nanginginig siya ng malapitan niya ito. Hindi niya alam kung paano niya hahawakan ang babaeng mahal niya.

"Lance... a-ang baby ko..." Ang tanging sambit ni Cahriya.

Bago pa mahawakan ni Lance si Cahriya ay dinambahan na siya ng suntok ni Jaron. Hinila niya ang kwelyo ni Lance at gigil niya itong hinarap.

"G*go ka Lance! Bakit mo dinamay si Riya? Buntis siya! G*go ka! Buntis siya sa anak mo!" Sigaw ni Jaron sa kanya.

Mabilis na tinabig ni Lance ang mga kamay ni Jaron na naka-sakmal sa kwelyo niya. Nilapitan niya agad si Cahriya na halos mawalan na ng malay. Binuhat niya ito agad at iniwan si Jaron na mag-isa sa hotel room na iyon.

PRENTENG ibinuga ni Venice ang usok ng sigarilyo na hinithit niya. Pagtapos ay pumalakpak naman siya sa harap ng mga taong inutusan niya para maisagawa ang plano niya.

Loved By A Gangster: Pains Of the Past (Book 2)Where stories live. Discover now