Chapter 19: He's Back

2.1K 59 11
                                    

**Cahriya's POV

      May happy ending kaya kami ni Lance? Kasi kung wala, sana hindi nalang ulit kami binigyan ng second chance. Dahil sa ngayon? Isang bagay lang ang alam ko. Hindi ko na kakayanin pa kung mawawala nanaman siya sa akin. 

   Alam ko ang mga pinagdaanan ko nung mga panahong nagkahiwalay kami. At pag nangyari ulit iyon, hindi ko na alam kung ano pang makakaya kong gawin sa sarili ko. Baka hindi lang ulcer ang maging sakit ko pag nangyari yun, baka pati sa utak magkasakit na ako.

Mahal na mahal ko si Lance. Sobrang mahal na mahal ko siya. Feeling ko nakumpleto ako nung magkaayos kami. Kahit ilang beses kong ideny sa sarili ko na sobrang mahal ko siya, iba talaga yung totoong nararamdaman ko. 

"Lance..." tawag ko sa kanya. Kasalukuyan siyang naka-upo sa couch na katabi ng kama ko sa ospital at nanunuod ng tv.

"Hmm?" tugon naman niya at tumingin sa akin.

"Can you buy me something to eat?" 

"You didn't even touch your food. Finish that first before you eat something you want."  seryosong sabi niya. Para talaga siyang tatay. Daig niya niya pa si dad. Err. Ang laki talaga ng pinagbago niya. Hindi na siya kagaya ng dati na may pagka-clingy.  Seroyoso na siya palagi at talagang walang masyadong sweet words. 

  Sumimangot ako ng bongga at padabog na hinila ang kumot para magtalukbong.

"Kasing pangit mo kasi yung lasa ng pagkain nila dito!" sigaw ko sa kanya.

    Narinig ko ang mga hakbang niya papalapit sa akin. At nang huminto siya ay bigla nalang niyang hinila ang kumot ko at seryosong tumitig sa akin. Hindi ko mabasa kung anong nasa isip niya. Hindi naman kasi ako mind reader. Ok. Corny.

"Just to inform you. Etong pangit na tinatawag mo ang pinagkakaguluhan ng mga nurses sa labas ng kwarto mo. Dahil sa akin, palagi kang chini-check ng mga yun." 

Tinaasan ko naman siya ng kilay. Ang yabang parin ng lokong 'to. Gwapong-gwapo sa sarili.

"Ewan ko sayo! Dun ka sa mga nurse mo!" inirapan ko siya at sumiangot ako ng bongga.

  Ang arte ko ba? Wala naman sigurong masama kung mag-inarte kahit ngayon lang. Ang tagal kong hindi nagawa 'to. Babawian ko lang 'tong gagong 'to. 

"Bakit ba ang sungit mo ngayon? May period ka ba?" kunot noong tanong niya.

   I think my face just flushed. Bakit kailangan niyang itanong ang bagay na yun? Di niya ba alam na awkward yun? Hindi niya ba maramdaman na nagpapa-lambing lang ako? Hindi niya ba ma-feel yun? Ano 'to? Namanhid?

"Alam mo, Lance? Nakakainis ka! Ang sarap mong buntalin! Manhid ka?" 

"What are you saying? Kanina ka pa ah. You're being nonsense. All I want you to do is to finish your food. Mahirap bang kumain?" 

  Halata ko na sa tono ng pananalita niya na sobrang naiinis na siya sa inaasal ko. Kahit naman ako hindi ko na maintindihan kung ano 'tong mga pinaggagawa ko. Humiga nalang ako ulit at tumalikod sa kanya. Nahihiya na ako. 

Naramdaman ko ang pag-upo niya sa gilid ng kama ko. He slowly slid his hands to arms down to my finger tips, and to my thighs. Goosebumps.

"What are you doing?" seryosong tanong ko. Nagtataasan lahat ng balahibo ko dahil sa pagdampi ng kamay niya sa akin. Kahit na bagong opera ako, bakit iba ang pakiramdam ko?

"I'm sorry. I shouldn't have said that. Please, look at me."

  Hindi ko alam kung bakit pero sinunod ko lang ang sinabi niya. Humarap ako sa kanya at tumingin ng seryoso.

Loved By A Gangster: Pains Of the Past (Book 2)Where stories live. Discover now