Prologue

51.8K 728 171
                                    

Pursuing her is absolutely worth it. The hardships, sacrifices, and pain I have gone through are worth it.

She made it clear to me how she felt the same way and we made love all night long.

Nasa bahay na ako ngayon at masayang ginugunita ang mga nangyari kahapon. Tila nasa alapaap ako't nakalutang at hindi parin ako makapaniwala na sa wakas nagawa niya naring umamin sa totoong nararamdaman niya sa'kin.

Nakakatawa nga eh, si Mommy lang pala ang magiging daan para mapaamin si Ma'am.

Pinagselosan ba naman ang nanay ko na babae ko raw, nakita niya kasi kami sa parking lot nang hinatid ako ni Mommy sa school noong umaga.

Bigla nalang din niya akong kinaladkad papasok sa kotse at pagkatapos ay dinala sa bahay niya.

Naging mabilis ang pangyayare dahil natagpuan ko na lamang ang aking sarili na nakikipag palitan ng halik. Pagkapasok palang namin ay hinalikan na niya ako ng marahas hanggang humantong sa pareho na kaming hubo't hubad at magkapatong sa malawak niyang kama pero naramdaman ko ang mainit na pag daloy ng luha niya sa pisngi ko habang nasa kalagitnaan kami ng pagniniig.

I stopped and comforted her because she was too vulnerable at that time. After she calmed down, we talked and fixed the misunderstanding.

We made the deal that night to stop flirting with other people. Even though we still don't have a label, I think we need to take it slowly until she's ready to enter another relationship after all I know what she been through with her cheating husband.

We both agreed to take it slow and be low-key for the meantime.

Today is supposed to be our date. Niyaya ko siya kahapon na dadalhin ko siya sa restaurant ni Mami para maipakilala na rin sa parents ko ang kaso may get together daw sila ng mga college friends niya kaya hindi ko nalang pinilit.

Wala pa namang 'kami' para higpitan at kuwestyonin ko siya sa mga lakad niya kaya pinagpaliban ko na muna ang plano ko. There's a lot of time pa naman.

Naisipan ko na mag review nalang dahil exam na namin next week. Dahil tutok ako sa ginagawa ko ay hindi ko napansin ang oras. Kung hindi ko pa sisipatin ang wall clock ay tsaka ko pa malalaman na 10pm na pala ng gabi. I checked my phone baka nag reply si Berry pero pagtingin ko sa convo namin ay hindi niya parin na seen ang message ko sa kanya 2 hours ago.

Nagkibit balikat lang ako at napaisip na baka busy or lowbat ang phone niya.

Bumaba na muna ako sa kusina para mag midnight snack sakto may pizza pa sa ref at paiinitin ko nalang.

Nagseselpon lang ako at nag bo-browse sa Instagram habang inaantay na tumunog ang oven.

Tumitingin tingin ako sa latest post ng mga artistang finallow ko nang biglang may tumawag, istorbo talaga.

"Hoy Asukal nasan ka?!" pasigaw na bungad agad sakin ni Celery. Parang nabingi yata ako sa lakas ng sigaw nito.

"Hoy ka rin! bakit ka ba sumisigaw ha?! " sigaw ko pabalik dito.

"Nasaan ka nga?! Kasama mo ba si Mrs. Lhust?" Natatarantang tanong nito sakin, napano ba siya at kaiba kung umakto.

"Miss lang Ery, hindi na Mrs. Tsaka nasa bahay ako mag-isa, may lakad si Berry kaya di natuloy date namin" sagot ko sa kanya, "At teka nga ba't ka ba natataranta diyan ha?! " dagdag ko pa.

"Kasi a-ano Asukal eh, ahm, na-nakita ko si ma'am sa fb live kanina eh 1hour ago na sa post ni Ate Gem". Utal utal at kabadong sabi niya. Si Ate Gem yong Jowa ng ate niya.

"Fb live? what do you mean fb live?" pinagsasabe nito

"Just take a look at nang malaman mo ang sinasabe ko" mas nagulohan ako dahil para siyang balisa. I asked her again kung anong meron pero tingnan ko nalang daw ang post ni ate Gem

"Kung andun man siya baka nagkatuwaan lang sila ng mga kaibigan niya" kalmadong pahayag ko sa kanya which is normal naman yun ngayon diba? halos lahat nga na ginagawa ng iba pino-post agad sa social media.

"H-hindi eh, ka-kasi, ahm, may kasamang lalaki si Ma'am sa video at mukhang naghahali.." agad ko nang pinutol ang tawag niya at dali daling kinalikot ang selpon ko.

Biglang kumabog ng sobrang lakas ang dibdib ko kasabay ng panginginig ng aking kamay, hindi naman siguro si ma'am yung nakita ni Celery diba. Tama, malabong mangyari yun.

Agad kong binuksan ang fb at saktong bumungad sa akin ang video na nagpagunaw sa aking mundo.

Si berry na nakatalikod at nakakandong sa lalaki at parang nakikipaghalikan. Naka bra nalang ito at nakahawak sa batok ng lalaki at nasa likod niya ang kamay nito na nakahawak sa lock ng bra niya at unti-unti na itong kinakalas. Tila nabingi ako sa sigawan ng mga kasama niya sa video at hindi kona tinuloy pa ang panonood dahil nahihiripan na akong huminga.

Kasabay ng pagtunog ng oven ay ang pagbagsak ng selpon ko sa sahig. Hindi ako makakilos at tuluyan ng na-istatwa sa kinatatayuan ko at tuluyan ng nagsibagsakan ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan.


☆꧁✬◦°˚°◦.◦✬꧂☆.◦°˚°◦✬꧂☆
Revised 03/17/2024 - 9:41pm

Mrs. Lhust (MS#1) [𝐔𝐧𝐝𝐞𝐫 𝐌𝐚𝐣𝐨𝐫 𝐑𝐞𝐯𝐢𝐬𝐢𝐨𝐧]Kde žijí příběhy. Začni objevovat