CHAPTER 27

463 23 6
                                    

Xian's POV 

maaga akong nagising para makasabay ko si Gellica. Sa labas na siguro kami kakain, tawag ng tawag pa naman ako sa kanya kagabi peru hindi nya manlang sinagot ang tawag ko. Peru, hindi ako nagtatampo ah ba ka napagod sya kagabi. 

Naligo lang ako saka ako nagpalit ng school uniform. Nagsipilyo na muna ako saka ko inayos ang buhok ko at naglagay ng perfume. 

Tinignan ko ulit ang sarili ko sa salamin saka ako napangiti. Ano kaya ang ginagawa nya? okay na kaya sya? hindi ko manlang sya nakamusta kagabi. Sana okay lang sya. Heheeheheh tulog pa siguro yun. 

Hindi bale na I surprise ko nalang sya ngayon. 

Kinuha ko ang susi ng sasayan at ang bag ko saka ako lumabas ng condo at pumunta sa parking lot. 

Pagdating ko don pinaandar ko na agad ang sasakyan at dumaan na muna ako sa isang flower shop. 

"Good Morning, Sir flower po ba para sa GF nyo po?" nakangiting tanong sa akin ng sales lady 

"Uhmm Asawa po. Ano po ang pinakamagandang flower para po sa pinakamagandang Asawa ko" nakangiting sagot ko sa kanya

"dito po tayo Sir, dito po makikita ang mga nagagandahang buoquet para sa maganda mong Asawa, naku Sir sa sobrang pogi mo sigurado talaga akong maganda ang asawa mo" umuna itong naglalakad at pumasok sa loob ng isa pang pintuan kaya pumasok din ako don at namangha nga ako sa nakita ko dahil sa mga nagagandahang mga bulaklak sa loob. 

"How much is this?" sabay turo ko sa isang buoquet na puno ng sari-saring mga kulay ng mga bulaklak. 

"sixten thousand po yan Sir, 10 pieces of pink ecuadorian roses, 10 red roses, 10 white roses, 25pieces and a different color of eustomas, 15 pieces and in a different color of halle flower and free 50pieces of violet gypsophila and another 50 pieces of pink gypsophila" 

"ohh wow ang dami. Perfect to para sa kanya. Okay ito nalang sa akin. Ilang minuto ba 'to bago matapos?"

"10-15 minutes, Sir"

"Okay ito nalang nalang sa akin tumatanggap ba kayo ng credit card?"

"Yes, Sir" 

"Okay sige. Pagandahin mo ahh dapat magustuhan ng Asawa ko"

"Oh sure Sir"

kaya ayon pumunta na muna ako don sa counter sabay labas ng credit card ko. 

Matapos kung magbayad umupo na muna ako sa upuan at tinawagan ang number ni Gellica, but still she didn't answer my calls. Tinawagan ko ang number ng Mommy nya peru out of coverage. Tumawag din ako sa bahay nila peru walang sumagot. 

Ano kaya ang nangyari? bakit parang ang weird naman ng pakiramdam ko. 

"Okay na Sir" 

ilang minuto rin bago natapos ang buoquet at binigay sa akin at wala sa sariling napangiti nalang ako ng makita ito. Ang ganda naman sobra kasing ganda nga nya. 

inamoy ko ang mga bulaklak at wala sa sariling napangiti nalang ako ng maimagine ang mukha ni Gellica. 

"Thanks" usal ko dito saka ko maingat na dinala ang buoquet at pagpasok sa sasakyan maingat ko itong nilapag sa katabi kung upuan.

"Sana magustuhan mo"

I started the engine at umalis sa Flower shop. It tooks me a minute bago ko narating subdivision nila Gellica. 

Dala ang buoquet nakangiting dali-dali kung pinindot ang doorbell sa labas ng bahay nila peru wala manlang nagbukas sa akin ng gate. Pinindot ko ang intercom at nagsalita peru wala manlang nag response sa akin, dahilan para don na ako magtaka. 

LOSING HIS VIRGINITY (COMPLETED)Where stories live. Discover now