CHAPTER 29

402 19 4
                                    

Cassandra's POV

malalim na ang Gabi ng maka-uwi ako sa bahay. Buti at pinagbuksan naman ako ng gate at binigay ko nalang sa tauhan nila Azer ang susi ng sasakyan ng makalabas ako para s'ya na ang mag park sa garage.

Tulog na siguro si Azer.

"Good evening, Ma'am" magalang na wika nong katulong ng mabuksan ko ang main door.

"Good evening, si Azer?" Tanong ko sa katulong namin.

"nasa kwarto na yata, Ma'am"

"Yung Papa nya?" 

"umuwi na rin Ma'am" 

"o-okay thanks" 

pumunta ako sa taas, baka tulog na nga si Azer nasa kwarto na daw eh. 

Nang makarating ako don. Hinubad ko muna ang suot kung sandal at nilagay sa lagayan ng mga sandals saka ako kumuha ng slipper at sinuot bago ako lumabas sa kwarto kung saan naka display ang mga shoes at sandals ko.

Binuksan ko ang pintuan sa kwarto. Ngunit, gulat na gulat ako ng makitang naka-upo si Azer sa kama hawak nito ang Maritini sa kanang kamay at baril naman sa kaliwang kamay. 

"Ho-Hon" nauutal na tawag ko sa kanya saka sya dahan-dahang nag-angat ng tingin at ngumisi. 

"saan ka galing?" wala manlang ka emo-emosyong tanong nya sa akin dahilan para magsimulang kumalabog ng malakas ang dibdib ko dahil sa kaba. 

"na-nag pa-paalam a-ako sayo diba?" sagot ko dito at hindi ko manlang sinagot ang katanungan nya. Galit na tumitig sya sa akin saka ito tumayo at nilapag ang bote ng Martini sa kama katabi ang baril nito saka sya lumapit sa akin. 

Hinawakan nya ang mukha ko saka nya ito hinaplos. 

"Cassandra, alam mong mahal na mahal kita, diba?" mahinang bulong nya sa akin, ewan ko peru hindi ako makapagsalita pag ganito sya, natatakot ako, natatakot ako na baka patayin nya ako. Natatakot ako pag maglasing sya kasi kita ng dalawang mga Mata ko ang mga ginagawa nya sa mga tauhan nito pag lasing sya at pag galit sya lalo na sa akin

"A-Azi" takot na tawag ko sa pangalan nito. 

"Bakit amoy lalaki ang pabango mo, Cassandra!!?" 

"A-azi, a-anong pi-pinagsasabi mo?"

"May lalaki ka ba!!? kaya ba umalis ka dahil magkikita kayo ng lalaki mo!!?" 

"a-ano bang pi-pinagsasabi mo? wala akong lalaki!! pa ulit-ulit mo nalang yang sinasabi sa akin yan. Wala akong lalaki, Hon!" ganito palagi ang pag-aawayan namin ni Azer kahit nasa Spanya pa kami. Kasi kahit hawakan lang ako ng tauhan nyang lalaki magseselos na agad sya. 

" 'WAG MO AKONG LOKOHIN, CASSANDRA!!" 

PPPPPPPPRRRRRSSSSSSSKKKKKKKKKKKKKK

gulat habang nanlaki ang mga Matang napatingin ako sa kanya matapos nyang punitin ang suot kung damit. 

"Turn around!" nakakatakot na utos nya sa akin. Kaya pigil ang luhang tumalikod ako sa kanya saka nya pinaglakbay ang daliri nito sa likuran ko. "Humarap ka sa akin!" kinurot-kurot ko ang mga daliri ko ng saganon ay maibsan ang takot na nararamdaman ko saka ako humarap sa kanya. 

Tinignan ko ang galit nitong mga mata saka nito pinaglakbay ang paningin nya sa katawan ko. 

"Bakit ang pula ng dibdib mo!?" sabay tingin nya sa dibdib ko kaya tinignan ko rin ito. Ang pula nga "Pinisil ba yan ng lalaki mo, Cassandra!!?" 

LOSING HIS VIRGINITY (COMPLETED)Kde žijí příběhy. Začni objevovat