Chapter 49: So Long

533 4 0
                                    

(Trigger Warning: Some scenes and words here might trigger your mental health. Read at your own risks. Seek for professional help. YOU ARE LOVED.)

--

Dani's POV

Habang papunta kami sa ospital sakay ng ambulansya ay hindi ko binibitawan ang kamay niya. Sinusubukan din siyang i-revive pero hindi pa rin siya nagkakaroon ng malay.

Bumubuhos ang mga luha ko habang nakatingin sa mukha niyang namumutla na at nananalangin na maging okay siya.

Nang makarating kaming ospital ay hawak-hawak ko pa rin ang kamay niya papuntang emergency room. Ayoko 'yong bitawan kasi pakiramdam ko ay hindi ko na ulit 'yon mahahawakan kapag bumitaw ako. I don't want that to happen.

"Love, please. 'Wag ganito. 'Wag ganito, please." Sambit ko sa kalagitnaan ng pag-hikbi ko.

"Ano'ng nangyari sa patient?" Bungad na tanong no'ng resident doctor nang makarating kaming emergency room.

Ipinaliwanag no'ng nurse na kasama namin ang lahat do'n sa doktor. Napilitan na rin akong bitawan ang kamay ni Vernon nang inutusan ako ng mga tauhan do'n sa ospital na lumayo muna.

Naisipan kong tawagan na sila Mama para ipaalam ang nangyayari. Nangangatal kong pinindot ang pangalan ni Mama sa cellphone ko nang hindi inaalis ang tingin kay Vernon na kasalukuyan namang sinusubukang i-revive no'ng mga nurse at doktor.

Naka-ilang ring lang nang sagutin na ni Mama 'yong tawag ko. ["O, Dani, pauwi ka na ba? How's the date? Masaya ba?"]

Napahikbi naman ako habang nakatingin pa rin kay Vernon.

"M-Ma...s-si Vernon. Si Vernon po..."

Ni hindi ko magawang maituloy ang sasabihin ko dahil sa matindi kong pag-hikbi. Medyo nahihirapan na rin akong huminga dahil sa sobra kong pag-iyak.

["Dani? Bakit? May nangyari bang masama?"] Ramdam ko na agad ang pag-aalala sa boses ni Mama. Rinig ko rin ang mahinang boses ni Dad na mukhang nag-aalala na rin. ["Anak, nasa'n ka?"] Kay Dad na boses na ang narinig ko.

Sinubukan ko munang pakalmahin ang sarili ko bago sumagot. "D-Dito po sa Klark Medical H-Hospital. D-Dad, t-tell Ellie na papuntahin na rito sila T-Tita. B-Bilisan niyo po, please."

["Okay. Papunta na kami ng Mama mo. Wait for us, okay?"]

Kaagad kong pinatay 'yong tawag. Hinawakan ko nang mahigpit ang mga kamay ko para pakalmahin ito sa pangangatal. Pinigilan ko rin ang sarili ko sa pag-hikbi habang hindi pa rin inaalis ang pagkakatingin ko kay Vernon na patuloy pa ring ni-r-revive.

No. No. Hindi, Dani. 'Wag kang umiyak. Vernon will be okay. Hindi ka niya iiwan. Nangako siya sa 'yo. So stop crying. You need to be strong for him.

Parang nag-slow motion ang lahat sa paligid ko nang makita kong tumigil na sa pag-revive 'yong mga doktor. Hindi na rin siya nagkaroon ng heartbeat man lang. Nananatiling flat line 'yong nakalagay sa heart monitor.

Nakita ko pa nang tumingin sa wrist watch niya 'yong doktor.

"Time of death, 10:23pm."

Malungkot akong hinarap ng doktor pero nakatingin pa rin ako sa nakahigang katawan ni Ver sa hospital bed. Tulala.

"I'm sorry, ma'am. Masyadong marami siyang nainom na nalason at hindi na kinaya pa ng katawan niya. Kung nadala siya rito nang mas maaga, there's a possibility that he can survive. But in his case, it was too late. I'm sorry for your loss, ma'am."

No.

Nangangatal kong kinuha ang kaliwa niyang kamay gamit ang kanan kong kamay. Muli na namang bumuhos ang mga luha ko nang magkatabi ang tattoo naming dalawa. Mas lalo pang lumakas ang hikbi ko hanggang sa manlambot ang mga tuhod ko at mapaupo na 'ko sa sahig nang hindi pa rin binibitawan ang kamay niya.

Rulings Of Love (EDITING)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt