Chapter 54: Can't Move On

965 5 0
                                    

Dani's POV

Dumating ang araw ng libing ni Vernon. Wala ni isang luha pa rin ang pumapatak sa mga mata ko magmula nang dalawin ko siya sa burol niya sa unang pagkakataon. Diretso lang akong nakatitig sa kabaong kung nasaan siya nakahimlay habang mini-misahan siya rito sa sementeryo kung saan siya ililibing.

I don't know why I'm not crying. Kahit ano'ng gawin ko, I can't feel anything but emptiness and anger. It's like my eyes got tired of crying already. Wala na 'kong maramdaman pang lungkot sa loob ko, mapwera sa galit sa gumawa nito sa kaniya.

Malalakas ang mga naririnig kong iyak sa paligid ko habang binabasbasan siya isa-isa ng mga taong malapit sa kaniya, pero hindi man lang ako naaapektuhan sa emosyon nila. I'm just staring at his coffin like an emotionless person.

Napatingin ako kay Mama nang hawakan niya ang balikat ko. "It's your turn, anak. Go to him and say good bye."

Napatitig ako sa ibinibigay sa 'kin ni Mama na holy water. Ilang segundo ko muna 'yong tinitigan bago ko 'yon tinanggap at marahang lumapit sa kabaong niya.

I saw his handsome face again, but I can't still feel anything. I can't cry. I'm just staring at him like he's nothing to me. I don't know what's happening to me these days but I just can't feel any signs of sadness anymore. Puro galit na lang ang laman ng puso ko, wala nang iba pa. And I'm scared of what I'm capable of doing.

Inangat ko ang kamay kong may hawak no'ng bote ng holy water saka siya binasbasan nang hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko sa kaniya. Ibinalik ko sa pari 'yong holy water at saka akmang babalik na sa pwesto ko kanina nang may maalala ako.

Napahawak ako sa suot kong kwintas na ipinagawa ko pa. Isa 'yong kwintas kung saan nakalagay 'yong mga natirang petals ng nalantang tulips, na ibinigay sa 'kin noon ni Vernon, sa isang pendant na hugis puso at gawa sa glass.

Kinuha ko mula sa bulsa ko 'yong isa pang kwintas na kapareho no'ng sa 'kin. Ibibigay ko sana 'to sa kaniya sa first monthsary namin. This is my first gift to him, and unfortunately...my last.

Isinuot ko sa bangkay niya 'yong kwintas na kapareho no'ng sa 'kin.

"At least...I've already given you something." Bulong ko matapos kong maisuot 'yon sa kaniya.

But this is not how I imagined you receiving a gift from me.

Napatingin pa 'ko sa kaliwa niyang kamay sa may wrist niya kung nasaan 'yong tattoo niyang rocket na pina-tattoo niya dahil sa tattoo ko sa kanan kong kamay na buwan. Kahit ang pagtingin do'n ay hindi na nakakapagpangiti sa 'kin, 'di gaya nang dati. Hindi rin ako nakaramdam ng lungkot.

Ang sabi nila sa 'kin, I should say good bye to him. Para maka-move on, kailangan ko siyang i-let go at tanggapin na lang ang lahat, pero hindi ko 'yon magawa...at hindi ko magagawa. I won't say good bye to him. I can't and I don't want to.

Bumalik na 'ko sa pwesto ko kanina nang hindi pa rin ako umiiyak. I know they're all looking at me with confused faces, but I don't care. I don't care anymore.

Naramdaman ko ang ginawang paghawak ni Mama sa kanan kong kamay habang tinatakluban na 'yong kabaong ni Vernon at habang ibinababa na ito sa lupa. I know she's worried about me, but she doesn't have to, 'cause I still can't feel anything except anger.

Hanggang sa hagisan na namin ng mga puting rosas si Vernon at hanggang sa matabunan na ito ng lupa ay hindi pa rin ako umiyak. I didn't shed any tear. I'm just there, nakatayo na parang isang taong walang kaluluwa. An emotionless human-being.

Matapos siyang mailibing ay nagsi-uwian na ang lahat mapwera sa 'ming pamilya ni Vernon at ang mga malalapit sa kaniya. Umiiyak namang lumapit sa 'kin si Tita Verna saka ako biglang niyakap, at doon ay muli siyang umiyak.

Rulings Of Love (EDITING)Where stories live. Discover now