Chapter 1: Khale Alodia

7 0 0
                                    

"Ma! I have to go already! Hinihintay na ako ni Klariya!" sigaw ko dahil nasa kwarto pa ako at nakatingin sa salamin habang nag-aayos pa pero patapos na rin naman na.

"Oo na sige na! Umalis ka na!" ngumiti naman ako sa sigaw nito pabalik.

Bumaba naman kaagad ako at humalik sa pisngi nya bago umalis. Aaminin kong kinakabahan pa rin ako kahit na pang-ilang buwan na kaming pumapasok. Ganito naman talaga ako. Once na naglalakad na ako ay patingin-tingin ako sa aking paligid dahil hindi pa rin talaga ako kumportable na pumapasok ng walang kasabay. Nasanay na kasi ako nang kasama ko yung kapitbahay namin dahil kaibigan ko ang anak nila pero lumipat din sila ng ibang lugar nitong taon lang din.

Nang makarating na sa paaralan ay huminto ulit ako sa harap ng gate.

"Kaya mo 'yan! Pasok na!" pagchicheer up ko sa aking sarili.

Agad naman din akong pumasok at nang makarating naman sa aming silid-aralan ay umupo ako at pinuntahan si Klariya.

"Hi bes, kam--" naputol naman agad ang sasabihin ko nang pumasok si ma'am.

"Mamaya na lang bes" wika nito kaya tumango na lang ako at bumalik sa aking upuan.

Nakakainis.

Break Time —

Agad naman akong pinuntahan ni Klariya at tumabi sa akin. Magsasalita na sana sya ng sumigaw ang president namin na si Khale.

"Guys, pagdating nung iba may pag-uusapan tayo" wika nito at lumabas ng classroom.

"Nakakagulat sya 'no?" sabi ni Klariya na ikinatingin ko sa kanya at tumawa naman sya ng malakas.

Anong nakakatawa dun?

"Alam mo sana 'yang si president, naging escort na lang natin. Tapos ishiship natin sila nung magiging muse nya kaso kasi pwede rin namang sya yung president kaso di ko sya mai-ship sa vice natin kasi nga lalaki rin sya" mahabang sabi nito na ikinangiwi ko naman.

Ang hilig nya sa ship ship na 'yan.

"Ano bang probs mo at hindi mo gusto na ishiniship kita?" nagulat ako sa tanong nito dahil wala naman akong sinabing ayoko ng shiniship ako ah pero totoo rin naman yun, ayoko talaga.

Inirapan ko na lang sya at kumain na lang ulit. Nang makarating ang iba at si pres ay tumayo ito sa harap at nagsalita.

"So ang sasabihin ko ay..." huminto sya saglit at ngumiti sa amin.

Pakaba yarn?

"Wala lang" tanging wika nito at malakas na tumawa, sumunod namang tumawa ang mga kaklase ko kasama na si Klariya.

Anong nakakatawa dun beh?

Tumingin sa akin si pres at tumigil sa kakatawa. Ngumiti lang sya sakin at nagsalita.

"Gusto ka lang naming mapatawa, di naman nag-work" may halong lungkot na sabi nito.

Bakit kailangan pa nilang gawin iyon?
Wala naman akong sinabing gawin nila iyon ha?

Tumango na lang ako at ngumiti.

Ang weird nila.





Author: So guys, this is my second story and alam kong medjo boring sya cuz nung ginagawa ko 'to is inaantok talaga ako. So yeah, babawi ako sa Chapter 2. Bye, love ya.

His Bestfriend and Him [Ongoing]Where stories live. Discover now