Chapter 2: Bringing Back Their Past

2 0 0
                                    

Nang uwian na ay may babaeng naghihintay kay Khale, si Kyra.

"Khale! Halika na baka paglabas natin mamaya, wala na tayong masakyan" pagmamadali nya kay Khale dahil nakatingin pa ito sa akin.

Nginitian ko sya at naglakad na palabas ng classroom. Nauna na si Klariya dahil nagmamadali daw sya. Mag-isa akong naglalakad palabas ng gate nang may umakbay sakin. Tiningnan ko ito kung sino at si Kyra iyon.

"Hi, Luciana Bianchi right?" tanong ni Kyra na tinanguan ko naman.

"You know what, Khale keeps on staring at you. And whenever he saw me he'll tell me about his day and you will never be gone in his story everyday" pagsasalaysay nito tungkol kay Khale. Si Mr. President Khale Alodia.

Huminto ako at inialis ang braso nya sa pagkakaakbay nito sa akin. "I don't need to know about his day and me being a part of his day, wala rin naman akong pake and plus I didn't asked you to tell that to me" pagsagot ko sa kanya na ikinangiti nya.

Why does she likes to smile?

"Sorry, I want you to know how crazy he was to you. Wag mo syang papatulan ha?" aniya na ikinataka ko.

She went closer to me and kissed my cheek. "See you tomorrow" di agad ako nakagalaw dahil nabigla ako sa ginawa nya.

It was the first time that a girl kissed my cheek. Even Klariya, I never let her kiss me. I spot a familiar figure in front of me at hindi ko gaanong maano kung sino ito dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin natanggap na sya ang unang humalik sa pisngi ko.

"Why did you let her kiss you?" tanong nito na parang may inis sa tono nito.

"Ano naman? It's not like you're my brother or what, you're just my classmate" pagmamaldita ko dito na ikinawala ng ekspresyon ng mukha nya.

"You're right, I'm just a classmate" huli nitong sinabi bago umalis kaya naglakad na lang ako sa ibang direksyon para doon sa isang gate lumabas.

Nang makarating ako sa bahay ay nakita kong may maleta sa tabi ng sofa namin at nakaupo doon si mama at papa. Ibinaba ko ang bag ko sa sofa at niyakap sila parehas bago magtanong.

"Saan po tayo pupunta?" tanong ko dito na ikinangiti ni papa.

"Tayo? Kami lang ng mama mo ang aalis, hindi ka muna kasama dahil may klase ka pa" sagot naman ni papa sa tanong ko.

Ang layo ng sagot nya diba?

"Ahh so saan nga po?" tanong ko ulit at binaling kay mama ang tingin ko.

"Babalik muna kami sa Italy, anak. May aasikasuhin muna kami doon saglit kaya ikaw lang muna ang maiiwan dito sa bahay" pagpapaliwanag ni mama kaya tumango na lang ako at hinalikan sila sa kanilang mg pisngi.

"Aalis na po kayo ngayon?" pangatlo kong tanong.

"Oo anak, hinintay ka lang naming makauwi" sagot ni mama ulit kaya tumango ako at niyakap sila parehas.

"Mamimiss ko po kayo" bulong ko, enough for them to hear me.

"We will too, darling" saad ni papa. Humiwalay ako sa yakap at tinulungan na sila sa mga maletang dadalhin nila.

Nang makaalis na sila ay umakyat ako sa kwarto ko, nagbihis at bumaba ulit para kumain kaso tinatamad akong magluto kaya lumabas na lang ako at kumain sa isang restaurant. Habang kumakain ako ay may namukhaan na naman akong pigura ng isang lalaki at alam ko na agad kung sino iyon.

Si Khale na naman.

Nakaupo sya habang kumakain at nang iangat nito ang kanyang ulo ay ako agad ang nakita nito. Umiwas naman agad ako ng tingin at tumayo para bayaran ang kinain ko tsaka ako lumabas.

"Lucy!" sigaw nya sa pangalan ko pero sinuot ko lang ang hood ng hoodie ko at isinaksak ang earphone sa tenga ko dahil ayoko syang pansinin.

Ngunit nahawakan naman nya ang braso ko dahilan para ako ay mahinto. Iniharap nya ako sa kanya at tinanggal ang earphone ko sa tenga ko.

He held my both shoulders and tighten his grip on it. Hindi naman sya gaanong masakit kaya tiningnan ko lang sya sa mata.

"Why are you running away from me?" tanong nito.

"Ayaw kitang makausap kaya please, bitawan mo ako" saad ko pero di ko tinatanggal ang kamay nya dahil gusto kong sya ang magtanggal nito.

"Fine" he started to let go pero hinawakan nito ang braso ko para pigilan ako sa pag-alis "Stay here" aniya na ikinainis ko "Bitawan mo nga ako, Khale!" saad ko at this time, pilit na akong kumakawala sa pagkakahawak nya sa braso ko at nakawala nga ako kaya agad akong naglakad ng mabilis para makalayo agad ako.

Akala ko di na nya ako maaabutan pero...

He's now hugging me from behind and may tumutulo sa balikat ko na parang...

Luha

"Let me hug you for a minute, please" mahinang pagpapakiusap nito na ikina-guilty ko naman.

"You've been avoiding me, ano bang nagawa ko?" halos bulong nyang tanong.

"Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nagkakatinginan tayo tapos parang wala lang sayo" saad nya habang humihikbi na.

Dahil wala na talaga yun, Khale.

"Did I do something wrong to you kaya mo 'to ginagawa?" tanong ulit nito.

Stop this drama, Khale.

"I just wanted you, us, to be happy pero bakit sa isang iglap bigla kang nawala?" alam kong nasasaktan sya pero di ko pinairal ang puso ko.

"Don't leave me again, please" pagpapakiusap ulit nya pero ibinitaw ko na ang yakap nito sakin.

"A minute was done already, see you when I see you" pagpapaalam ko dito bago naglakad muli.

Pasensya na, Khale.


Author: The next chapter will be their past. Khale and Luciana's past. It will show you how painful their past was.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 08, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

His Bestfriend and Him [Ongoing]Where stories live. Discover now