KABANATA XVII

424 20 16
                                    

The moment he closed the door, tears welled up in my eyes. I couldn't begin to describe how I feel— the pain, the anger and the disappointment. Naghalo na ang lahat ng nararamdaman ko.

Tahimik akong lumuluha, nanginginig ang katawan sa hindi maipaliwanag na nararamdaman. Oh, God! Tatay!

Hindi ko matanggap na inilihim niya sa akin ang tungkol sa bagay na iyon. My heart is clenching in so much pain. Wala man lang akong kaalam-alam na matagal na pala niya akong niloloko. Ano pa ba ang hindi niya sinasabi sa akin? Sana ay sabihin niya na ang lahat para isang sakit na lang.

I was so drowned in my thoughts, that all I could ever think was how to escape here. Tinuyo ko ang mga luha ko at pinilit ang sarili ko na mag-isip ng paraan.

Sa tuwing iniisip ko ang lahat ng mga kasinungalingan ni Damon, nabubuhay at nagniningas ang galit at sakit sa puso ko. Pero kailangan kong umakto na wala akong alam. Kailangan kong kunin ulit ang kanyang tiwala para tuluyan na akong makaalis dito.

Bantay-sarado pa rin ako ni Zach, ngunit napapansin kong palagi siyang natitigilan. Umaamba na magsasalita, ngunit sa huli ay mas pinipili niya ang manahimik. I wanted to know everything, so I will finally have no reason to love him at all.

Ngunit alam ko rin sa sarili ko, na sa kabila ng galit, sa kabila ng lahat ng sakit na dinulot niya sa akin. A part of me still longs for him. There's that tiny part in my heart that still believes in him, no matter the lies he said in front of me. Because somehow, I knew he genuinely cared for me before.

Umiling ako. How can I think about him that way again? Hindi ko na dapat pang alagaan ang pagmamahal na ito dahil wala na itong patutunguhan. Our foundation was built on lies, and everything he did were mere facade to hide the truth from me. Plano? He planned everything. But what was the plan?

Pinahid ko ang mga luha ko nang bumukas ang pintuan at pumasok si Zach. Masasalamin sa kanyang mga mata ang kaunting awa, but that's just it. Naaawa lang siya sa akin, pero hindi niya pa rin tatalikuran si Damon. I know that.

Tumikhim si Zach, dahilan para ibaling ko sa kanya ang paningin ko. "Kumain ka na, Cassandra." Pinatong niya ang tray sa ibabaw ng bedside table.

Hindi ako sumagot, ngunit tahimik kong sinunod ang sinabi niya. Kinuha ko ang kutsara at nagsimula akong kumain kahit pa wala akong gana. "Nasaan si Damon? Gusto kong puntahan si Tatay," saad ko, habang patuloy na sumusubo ng pagkain.

Sumeryoso ang mukha ni Zach. "He's busy working, Cass. Alam mo namang hindi ka papayagan ni Damon na lumabas dito, di ba?" nananantiya niyang tanong.

"I know that, but it's been more than a week. Wala pa akong balita tungkol kay Tatay. Gusto ko siyang puntahan, gusto kong malaman kung ano'ng kalagayan niya," I said, acting as if I haven't overhead them talk. "Bakit ba ayaw niyong makita ko si Tatay? May nangyari ba sa kanya?"

Bumuntong hininga si Zach. "Your father is alright. He's stable."

"Gumising na ba siya?"

"He's still unconscious. Even the doctors couldn't tell when he will wake up. You don't have to worry about him, he's being taken cared of," he said, dismissing the topic.

Liar. Himutok ng isipan ko. Napatiim-bagang ako. Ang kapal ng mukha nilang magsinungaling sa harapan ko. Gusto kong sabihin na alam ko na ang totoo, ngunit hindi pwede. Kailangan kong kunin ang tiwala ni Zach dahil siya lang ang pwedeng tumulong sa akin para makaalis ako rito. Alam kong kaunti na lang, hindi rin kakayanin ng konsensya niya ang ginagawa ni Damon.

"Okay. Thank you for taking care of him, then." Tinapos ko ang pagkain at pumasok sa CR para mag-toothbrush.

Paglabas ko ay wala na roon si Zach. Pinusod ko ang buhok ko at nagsimulang kalkalin ang mga gamit. Kailangan kong mahanap ang cellphone at wallet ko. Kailangan kong humingi ng tulong, dahil hindi p ako sigurado kung tutulungan ako ni Zach na makaalis dito.

Trampled InnocenceWhere stories live. Discover now