White Lies 24

31 1 0
                                    

MARCO

Kaagad kong hinablot ang braso n'ya ng maabutan ko siya. "And where do you think you're going?" halos hindi bumuka ang bibig kong tanong sa kanya sa subrang inis ko.

"Get off your hands on me." asik niya sa akin.

I sighed. "Look Sam, pagod ako. May meeting pa ako mamaya. I have no time with this drama. Will you just go back home? I already called Mom and--"

Nanlaki ang kanyang mga mata sa sinabi ko. "You told them?!" sabad n'ya kaagad sa akin at malakas na piniksi ang kamay kong nakahawak sa kanyang braso.

Nabitawan ko siya. Napahilamos pa ako ng kamay sa aking mukha. Damn... amazona talaga! "What can I do?" frustrated na tanong ko sa kanya. "They're worried sick about you and--"

"No! I'm not going home and I don't want to hear your damn excuses!" galit n'yang sigaw muli sa akin.

Napatulala ako sa kanya. Hindi ko akalain ganun s'ya katapang. Kaliit na babae... grabe! Nasundan ko na lamang s'ya ng tingin ng layasan niya ako. Ngunit kaagad din akong nahimasmasan saka napakurap-kurap ng ma-realized kong tinatakasan niya na naman ako.

Bwesit talaga..! Sasakit ang ulo ko sa Samantha na 'to.

Inis na inis na bumalik ako sa aking kotse at padaskol kung sinara ang pinto. Kaagad ko itong ini-start at muli siyang hinabol. Ngunit pagliko ko sa sumunod na kanto na dinaanan niya hindi ko na siya makita pa.

Saan na ba pumunta ang babaeng 'yon? Tanong ko pa sa aking sarili saka nagpalinga-linga sa paligid. But I didn't see any trace of her. Parang bulang biglang naglaho. Talaga naman, Samantha..!

Lumabas ako ng kotse saka nilapitan ang isang lalaking nakita kong naninigarilyo, nakatayo malapit sa truck. "Excuse me, may nakita po ba kayong babaeng dumaan dito ngayon lang? Mga 5'4" ang taas, mahaba ang buhok, balingkinitan ang pangangatawan na maputi. She wore a yellow shirt and white short."

Tinitigan niya ako. Humithit pa muna ito sa sigarilyong hawak saka ibinuga sa itaas ang usok bago itinapon sabay apak para patayin ang sindi. Umiling siya sa akin. "Naku Sir, hindi ko po masyadong napansin e. Marami po kasing dumadaan dito kaya hindi ko matandaan kung may dumaan ngang babaeng kagaya ng sinasabi niyo po." sagot nito sa akin.

Napahawak ako sa aking ulo sa sinabi niya. Damn.

"Ay...! Meron po akong nakita kanina Sir na babaeng kagaya ng hinahanap ninyo!" kaagad kong nilingon ang lalaking sumabad at naglalakad palapit sa amin. "Tumatakbo pa nga po yun e." dugtong pa niya pagkalapit sa amin.

"Sigurado ka ba d'yan?" nakakunot-noo'ng tanong ko sa kanya.

"Opo Sir. Nakabangga niya pa nga po ako kanina e. Pagbaba ko ng truck. Parang may tinatakasan." pinasadahan niya ako ng tingin sabay ngisi. "Girlfriend ninyo po ba Sir?"

Girlfriend... Tss.

Napailing ako. "No. She's my little sister. Saan na ba siya pumunta?"

Napakamot ito sa ulo. "Ay... yun lang. Hindi po ako sigurado kung saan na po e. Bigla na lang po kasi nawala." sabi niya saka nagpalinga-linga sa paligid. "Baka po dumiretso na doon." turo niya sa akin sa sangandaan.

Nagpalipat-lipat pa ang tingin ko sa daan na tinuro niya. Paano ko ba mahuhulaan kung saan nga siya dumaan doon? I heaved out a deep sighs. "Sige.. thank you." sabi ko at kaagad ng tinalikuran sila.

Pumasok ako sa aking kotse. Kaagad ko itong pinaandar at nilisan ang lugar. Dumeritso ako sa apartment ni Shienna, sa ate ni Sam. Ngunit sarado ang apartment nito. Kanina pa ako kumakatok at tinatawag ito ngunit walang sumasagot sa akin. Sinubukan kong buksan ang bintana para sumilip sa loob pero ang hirap mabuksan. Wala ata talagang tao?

White Lies: Bud Brothers Series 2  |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon