Juna's Wish

67 15 103
                                    

Juna Alcarez POV

My alarm clock wake up me at exactly 7am in the morning. Medyo napapa pikit pa ako ng kaunti pero kailangan ko ng bumangon at mag asikaso.

It's been 5 years Dewey I whispered.

Today is Dewey's 5th death anniversary, which is a special day for us. Panahon lang ang lumipas pero iyong sakit at mga ala-alang iniwan mo nandidito parin.

I can't still move on; it still really hurts.

Agad narin akong bumangon at iniayos ang higaan ko. Dumiretso narin ako sa cr para maligo. Pagkatapos ay nagluto narin ako ng breakfast, egg with sandwich, egg fried rice at nagtimpla ng paborito kong kape. Hindi talaga nawawala ang kape sa umaga.

Tinawagan narin ako ni Bentlee na best friend ko para pumunta na ng St. Louis Memorial kung saan nakalibing ang puntod ni Dewey.

"Are you not yet done?"

"Almost. How about the flowers? May nabili ka ba?"

"Yes of course. His favorite, a Carnation Flower."

"Okay, good. Hintayin mo na lang ako diyan, pababa narin ako."

"Bilisan mo baka wala ng space itong flower sa puntod niya, alam mo naman hindi lang tayo ang bisita niya. Milyon-milyon kaya ang darating."

Napatawa naman ako ng dahil sa sinabi niya.

"Masusunod po madam."

-Call ended-

White plain shirt with black trousers and gray sneakers ang outfit ko ngayon. Sinamahan ko pa ng official merch black cap with embroidered name of Dewey na nabili ko online.

We didn't used black shirt dahil ayaw naming maging sobrang malungkot ang death anniversary niya. That's why we "his fans" agreed to wear only white plain shirts, since it's also his favorite color.

Kinuha ko narin ang ilang mga camera na ginagamit ko sa pagkuha ng litrato tuwing may fansign si Dewey. Masakit man na i let go ko ang lahat ng ito pero kailangan ko na siyang ibenta. May buyer narin kaya hindi na pwedeng i cancel ang order nila.

Bumaba na ako mula 10th floor ng condo building na ito kung saan ako kasalukuyang nakatira. Pagka baba ko ay agad ko ring nakita si Bentlee na bitbit ang isang carnation flower.

"Good morning!" bungad niya sa akin.

Sinalubong ko rin naman siya ng isang magandang ngiti. "Good morning."

"Nakatulog ka ba ng maayos kagabi?"

"Hindi ganun kahaba pero nakabawi naman ako ng tulog."

I'm taking a board exam this year for Psychometrician kaya medyo busy at hassles ang buhay ko. Pudpud ba naman ako sa self at groups review para sa board exam, at gabi-gabi na lang akong nagsusunog ng kilay.

"After ng board exam mo pupunta tayong dalawa sa isla para magsaya at mabalik iyang energy mo."

"Talaga lang ha."

"Oo naman! Basta para sa best friend ko." sabay kindat nito sa akin.

"Salamat Bentlee. Alam mo kahit papano swerte rin pala ako saiyo eh no?"

"Baka ako ang swerte sa'iyo? Ay siya tara na umalis na tayo, bago pa tuluyang dito tayong magdramang dalawa. Nasa labas na iyong kotse ko."

I nodded. "Okay."

Nang nasa loob na kami ng sasakyan ni Bentlee ay pinatugtog narin namin ang mga greatest hits at albums ni Dewey. Dito na nagsimulang maging malungkot ulit ang buhay ko. Dahil sa mga kanta niya hindi ko tuloy naiwasang mapaluha.

Room ConnectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon