Sept

122 9 3
                                    




Iaxah Sylvah Jaix is read as Yasha Silva Heyz

If may mga names na nahihirapan kayong i-pronounce, just tell me. Thank you for reading, mwah!

___________________

Lhyre's PoV


Hindi ko maiwasang di magtaka kung bakit napunta sa kanya ang espada, kung bakit hindi ko mabasa ang nasa isip niya. It's weird.

Naglalakad ako kasama si Iaxah papunta sa 1st subject namin, sa Class A din pala siya. Kapwa kami malalim ang iniisip, syempre tungkol ito sa nangyari kagabi. Nang marating na namin ang classroom ay agad kami'ng pumasok. Pagkapasok namin ay saktong dumating si prof.

''Miss Jaix, kindly introduce yourself to your classmates" ani Prof kaya't tumayo si Iaxah at pumunta sa harapan.

"Hi, I'm Iaxah Jaix." maikli nitong pakilala.


"Can you tell us your ability and power?'' tanong ni Professor Sid, our subject teacher in ability enhancement.

"I don't know what ability and power I have, professor," ani Iaxah at bahagya'ng yumuko. Tumango nalang si prof at ngumiti.

"It's okay, kaya nga kayo nandito para alamin ang inyong kapangyarihan at kontrolin ito para magamit sa kabutihan. Maaari ka nang umupo" wika ni prof. Iaxah slightly bowed down her head and sat beside me.





Iaxah's PoV


Matapos kong magpakilala ay nagdiscuss na si sir, interesting ang discussion niya kahit minsa'y napapangiwi ako dahil hindi pa ako lubusang naniniwala. Bago mag-dismiss si Prof. Sid ay sinabi niyang sa Biyernes na kami magsisimula'ng sanayin ang mga abilities namin. Sunod na dumating si Miss Freya, our history subject teacher.


"Light University is located in the East of Xenoa Kingdom.Ang kaharian ng ating Hari at Reyna. Ang Dark Academy naman, ang akademya ng mga imortal na gumagamit ng itim na kapangyarihan ay nasa Timog-Kanluran ng ating mundo, ang DA ay pag-aari ng hari at reyna ng Kaharian ng Kadiliman. Mula noon pa man ay mayroon ng hidwaan sa pagitan ng dalawang kaharian, dahil sa pagnanais ng kadiliman na mapasakamay ang ating mundo"  ani Miss Freya.



"Natigil pansamantala ang digmaan ng ibalita'ng namatay ang prinsesa ng Xenoa Kingdom ng ito'y tumuntong sa edad na isa. Siya ang nagmamay-ari ng kapangyarihang inaasam ng DA sapagkat siya ang nasa propesiya at dahil nga patay na siya..... pinaghahanap na ng DA ngayon ang bago'ng papasahan ng kapangyarihan ngunit hanggang ngayon ay wala pa'din'g lumalabas na propesiya" ani Miss Freya at tumingin sa aking direksiyon. Kinabahan naman ako. Bigla nya ako'ng nginitian na siya'ng ipinagtaka ko.


'Ba't niya ako nginitian?'



Natapos ang buong klase ng morning and afternoon shift na lutang ako. Nagtataka sa ginawa ni Miss Freya kanina. 'Bakit ba kase?'


"Huy! Anyare sayo? kanina ka'pa tulala ah?" nabalik ako sa huwisyo ng sigawan ako ni Lhyre malapit sa tenga.

"What's wrong with you? Naninigaw ka bigla" reklamo ko sa ginawa niya.

"Anong naninigaw bigla? Eh kanina ka pa lutang! Tinawag kita ng ilang beses pero tulala ka" aniya kaya't napabuntong-hininga nalang ako.' Kasalanan mo to  Miss Freya'

"Anong next subject?" tanong ko na lang habang naglalakad kami sa corridor.


"Gaga! Tapos na ang klase kaya nga tayo naglalakad palabas ng building dahil babalik na tayo sa dorm" napabusangot ako sa isinagot niya.' Eh sa nalutang ako eh!'


"Kain na nga lang muna tayo. Baka sakaling bumalik ka sa huwisyo" dagdag niya at hinila ako papuntang cafeteria.

Nakahilata ako sa kama, nakatutok sa madilim na kisame. It's already 10:45 in the evening and Lhyre is already sound asleep while me? WAHHHHHHHH! I hate this! Why does she have to smile at me all of a sudden?!

Ipinikit ko ang aking mga mata dahil gusto ko na talagang matulog at ng malapit na sana ako'ng makatulog ay bigla nalang umilaw ang espadang naging singsing na nasa kamay ko.Napabangon ako at tinignan ito.



'The war is near... Againts the darkness, princess of  Xenoa Kingdom will take the victory...'


Nakaramdam ako ng pagkagimbal ng makarinig ng boses na di ko alam kung saan nagmula.





'The war is near... Againts the darkness, princess of Xenoa Kingdom will take the victory...'

'The war is near... Againts the darkness, princess of Xenoa Kingdom will take the victory...'

'The war is near... Againts the darkness, princess of Xenoa Kingdom will take the victory...'




"Arghh!" napasabunot ako sa sarili ng sunod-sunod iyong nagpabalik-balik sa aking pandinig. Nakita ko si Lhyre na mahimbing pa'din ang tulog.' Di niya ba naririnig o napasarap lang siya sa pagtulog?'



'The war is near... Againts the darkness,princess of  Xenoa Kingdom will take the victory...'



"Lhyre! Hey! Wake up!" paggising ko sa kanya ngunit wala'ng nangyayari, mahimbing pa'rin ang pagtulog niya.


Tumakbo ako patungo sa pinto ng bigla'ng....





Dumilim ang paligid kasabay ng aking pagbagsak sa aking kinatatayuan.






Eric's PoV


Nasa Alpha's Headquarters kami ngayon, pinag-uusapan ang bagong dating na propesiya.

"The war is near... Againts the darkness, princess of Xenoa Kingdom will take the victory..."  bulong ni Prince Myles sa sarili. "Eh sinong prinsesa ba? Hindi ba't matagal nang patay ang Prinsesa ng Xenoa Kingdom?" nagtatakang tanong nito.

"Unless... the princess didn't die and they just hide her somewhere away from our realms" nagulat ako ng biglang magsalita si Prince  Kalix. 'Nakikinig din pala siya?'

"Eh? saan naman siya itinago?" tanong ni Razer na kanina pa inip na inip.

"In mortal realms?" sarkastikong anas ni Zhasienne sa pinsan.


"Sabi ko nga" bulong ni Razer sa sarili na rinig na rinig sa buong kwartong kinasasadlakan namin dahil sa sobrang tahimik ng paligid.

"Paano kung siya ang prinsesa? Kase pagkadating niya sa mundo natin ay siya din'g paglabas ng bagong propesiya" napatingin ako kay Alissy na seryosong nakatingin sa malayo. Once in a blue moon lang siya magseryoso kaya nakakapagtaka ang seriousness ni girl.

"Possibly. Simula palang iba na ang pakiramdam ko sa kanya. Sinabi sa'kin ni Lhyre na di niya daw mabasa ang isip ni Iaxah na siyang ipinagtaka ko. Ito ang kauna-unahang beses na may nakaharang sa ability niya," pagsang-ayon ni Nathalia na nasa tabi ko.

"Girl, wala tayo'ng evidence so hush muna tayo d'yan. Malay niyo magaling lang talaga siyang magtago ng kapangyarihan at presensya." sabat ko.

"If that so, kailangan natin'g bantayan ang mga kilos niya at kapag nakahanap tayo ng pruweba ay agad nating ipaalam sa headmaster at headmistress" ani Princess Trish na nasa tabi ng kapatid niyang si Prince Myles.

"Kami na ang bahala sa pagmanman sa kanya, we have Lhyre para malaman ang mga kilos niya" pagpresinta ko na sinang-ayunan nilang lahat, maliban kay Prince Kalix na walang kaemo-emosyon na nilisan ang headquarters nang walang ni isang salitang iniwan. His silence means approval.






'Or maybe he'll work on his way?'




Missing Princess of XenoaWhere stories live. Discover now