Chapter 7

3K 79 15
                                    

"Explain. Ano ibig sabihin nung nangyari sa club nung isang gabi? Okay na uli kayo?" Seryosng tanong ni Chrystal.

Alam kong nag aalala lang naman sila sakin dahil alam nila akung ano nangyari saming dalawa datin.
Alam nila kung pano ako nasaktan at nag hirap nung panahon na iniwan ako ni Maze ng walang pasabi. Alam nila kung pano ako nag habol at binaliwala ni Maze. Kaya naiintidihan ko kung ganito ang concern nila ngayon.

"Nag ayos ba kayo uli? Nag paliwanag na ba?" Tanong naman ni Naddy.

"Maurice ikaw? Alam mo tungkol dito? Bakit dimo sinabi samin? Bakit dimo pinag sabihan tong isa?"Tanong uli ni Chrystal

"Alam kong nag tuturo dito si Maze. Napag kamalan pa nga namin syang student nung first day tapos nagulat kami prof pala namin. Pero bukod don wala na kong alam sa kung ano meron sa kanila ngayon" mahabang paliwanag ni Maurice.

Tinignan naman nila akong tatlo. Siguro eto na yung tamang oras para sabihin ko kung anong ganap samin ni Maze ngayon.

"Ganito kasi yon." pinaliwanag ko salanila lahat lahat ng nangyari samin ni maze at tatanggapin ko kung ano man magiging reaksyon nila sa sinabi ko.

"Wtf Danielle! Pano kung naka buo kayo ha?Sana bago nyo manlang yan ginawa ay nag usap kayo ng matino. Inalam mo na muna sana dahilan nya kung bakit ka nya iniwan. Sapat na ba sayo yung sinabi niya na gusto nya na bumawi ha? Na bigyan ng chance yung naudlot nyong pag ibig? Ganon lang yon? Para namang dika naghirap dati ah? Mahabang bulyaw ni Chrystal.

Gets ko naman yung point nya. Tama sya. Hindi ko alam kung ano rason ng pag iwan sakin ni Maze pero andami ng ganap samin ni Maze. Muka na kaming mag jowa pero wala kaming closure sa past.

" Isipin mo naman yung sarili mo Danielle. Unahin mo naman sarili mo. Hindi porke nandyan sya at kinukulit ka ay bibigay kana. Alam kong mahal mo pero sya ba? Ganon din ba sya? Kasing tibay ba ng pag mamahal mo yung nararamdaman nya sayo? Pano kung mawala ulit sya ano nanaman mangyayari sayo?" Malumanay na sabi ni Naddy.

Kami ni Maurice ay tahimik lang.

"Sorry. Nadala ako ng nararamdaman ko. Pero sana hayaan nyo ako sa gusto ko. Masaya ako ngayon kasi yung taong dalawang taon ko hinanap at inintay nandito na sa harap ko. Kaya sana maintindihan nyo kung bakit ang bilis kong tanggapin sya. Alam nyo kung gano ko sya kamahal. Sana suportahan nyo ako. Hayaan nyo ako na ayusin kung ano man ang problema namin sana pag ka tiwalaan nyo ako dito. "Sabi ko naman sa kanila

" Hindi ko pinigilan si Danielle kasi alam ko kung gano sya kasabik kay Maze. Kaya nung nakita ko si Maze na nilapitan si Danielle alam ko ng may mang yayaring ganito. Na konting suyo bibigay to. Hinayaan ko si Danielle kasi gusto ko lang sya sumaya. Kaya suportahan nalang natin guys. Antagal nya tong hinintay. Kung sila, sila. Let's go with the flow. Mag tiwala nalang tayo. "Sabi ni Maurice na ikina lambot ng ekspresyon ko.

Ang swerte ko sa mga kaibigan ko sa totoo lang. Madami man nangyaring hindi maganda sa buhay ko. Pero nag papasalamat pa din ako na may mabubuti akong kaibigan.

Talking Bout My GirlWhere stories live. Discover now