CHAPTER 7

42 3 2
                                    

Messed Up With The Queen Bees


Avy's POV

Kakatapos lang ng klase namin kaya dumeretso na ako sa cafeteria. Paniguradong kukulitin na naman ako ni Terrence. Binilisan ko na lang ang lakad ko papunta doon para hindi na niya ako mahabol pa. Agad akong tumakbo n'ong marinig kong tinatawag na nga niya ang pangalan ko. Kinausap niya kasi ako kanina na sabay na kaming kumain sa cafeteria. Kunwari pumayag ako pero pagkatapos na pagkatapos agad ng klase, tinakasan ko na siya. Halos malaglag pa 'yong mga gamit niya kakamadali para lang makasabay sa'kin. Hay, kahit kailan talaga. Walang araw na hindi nasisira ang araw ko dahil sa lalaking 'yon.

"Hey, Avy! I said, wait me up! Avy!" sigaw niya sa hallway habang hinahabol ako. Tinatawanan ko lang siya hanggang sa makarating ako ng cafeteria. Nilingon ko siya at muli akong natawa dahil nakasimangot siyang tumingin sa'kin habang niyayakag siya nila Phoenix papunta sa pwesto nila.

Hindi na naman kasi siya nakatakas sa kanila dahil alam na nila kung anong gagawin niya. Naghanap na ako ng pwesto para makakain na. Hinintay ko muna sila Iyah at Majesty. Sakto namang wala pang ilang minuto ay magkasama silang dumating. Nagpauna na kaming dalawa ni Iyah na umoorder sa counter habang hindi pa mahaba ang pila. Gusto daw kasing malaman ni Majesty kung ano ang menu ngayon kaya pinauna na niya kaming umorder. Pagkatapos namin, siya naman ang sunod na umorder. Nagkukwentuhan kami ni Iyah nang makarinig kami ng nagkakagulo.

"Anong nangyayari?" takang-tanong ni Iyah kaya agad kaming pumunta sa nagkakagulong mga estudyante.

"Look what you've done! Dinumihan mo ang damit ko! Alam mo kasi dapat tumitingin ka sa dinadaanan mo at hindi sa kung saan-saan!" rinig kong sigaw at reklamo ng isang hindi pamilyar na boses na nagmumula sa mga nagkukumpulan. Agad akong napakunot-noo nang makita ko ang kapatid ko na siyang sinigawan ng babae. Mahinang nagpaumanhin si Majesty. Natapunan ng pagkain ang uniporme ng babae.

"Majesty. Are you alright?" agad kong paglapit sa kapatid ko. Umoo naman siya kaagad. Masama kong tiningnan 'yong babae.

"Look who's here. The famous former honor student of Astraeus University, Ms. Avyanna Fawn Beverleigh," nakangising aniya. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa pero inirapan ko lang siya. Wala akong balak pumatol sa katulad niyang mukhang higad. Hinawakan ko ang kamay ni Majesty saka hinila siya paalis doon dahil baka hindi ako makapagtimpi. Ngunit hindi pa man kami nakakalayo, agad niyang hinila ang buhok ng kapatid ko kaya napasigaw ito sa sakit.

Hindi na ako nakapagtimpi kaya tinulak ko nang malakas 'yong babae kaya napaupo siya sa sahig. Wala sana akong balak gumawa ng eksena pero sinusubukan niya ang pasensya ko at dinamay niya pa ang kapatid ko. Hindi na ako makakapayag.

"Ano bang problema mo? Inaano ka ba ng kapatid ko?" inis kong sambit sa kanya. Ngumisi siya sa'kin pero hindi ko inaalis sa kanya ang masamang tingin ko.

"Ah. So she's your sister? Kaya pala lampa siya katulad mo," pang-iinis niya pa. Napayukom ang kamao ko sa sinabi niya.

"Anong sabi mo? Pakiulit nga. Hindi ko kasi narinig," sarkastiko kong ani.

"Do you want me to scream it so people could hear?" inuubos niya talaga ang pasensya ko. Ibubuka niya pa lang dapat ang bibig niya pero kaagad ko siyang sinabutan. Nagkaroon tuloy ng bulungan sa paligid namin. Pilit akong inaawat nina Majesty at Iyah pero plano kong tanggalan siya ng anit ngayon din. Humiwalay lang kami sa pagsasabunutan nang umeksena na sa tingin ko'y 'yong babaeng nakita ko sa hardin n'ong isang araw. Halos mawalan ako ng balanse dahil sa pagtulak niya para mapahiwalay ako sa babae.
Mabuti na lamang, agad akong nasalo ni Iyah.

"Sino ka ba sa inaakala mo, ha?" galit na aniya. Inaayos ko ang sarili ko saka humalukipkip sa harap niya.

"Ako? You're asking me who I am? Well, hindi mo gugustuhin malaman dahil baka pagsisihan mo lang," ngisi kong ani.

BEHIND THAT HOODIE IS HIM(DREAM SERIES 1-2)Where stories live. Discover now