2

87 5 0
                                    

Club B
Oct. 01 | 8:45 PM

May pupunta ba ng Club B tonight?

Marize:
Pass ako tonight, sis. Galing ako ng Zambales gusto kong magpahinga. 😭

Celine:
Ang layo ng nirampahan mo teh hahahaha

Elle:
Kasal na naman?

Marize:
Oo. 😭
Nakakapagod.

Kapag pagod ka na, mag alak ka.

Celine:
Ah so kapag araw-araw kang pagod, araw-araw ka ring iinom, gano'n?

Naman!

Celine:
Ay teh magkakaiba tayo ng goal sa buhay. Ako, gusto ko pang pahabain ang buhay ko. Ikaw, gusto mong sunugin ang atay mo.

Aanhin mo ang mahabang buhay kung wala namang nagdidilig sa 'yo?

Celine:
O ba't napunta sa dilig ang usapan? Inaano mo ba 'yong alak? Pinandidilig?

Elle:
Nag-aaway na naman sila.

Marize:
Hayaan mo. 🤧 Basta ako, papahinga na ako.

Pagod na pagod ka yata today, Ish?

Marize:
Absent kasi 'yong dalawa kong kasama sa preparations ng event. Inako ko 'yong parte nila sa trabaho.

Elle:
Aww. Rest ka na, babe.

Marize:
Sana all kasi may kasamang magpahinga. 🥺

Elle:
Hahahaha. Punta ka sa Club B. Sasamahan ka ni Al.

Tru!

Marize:
Pass sa alak! My God! Ginagawa na nating tubig 'yan.

Celine:
Tru!

Ayaw niyo edi wag. 🙄
Bawi na lang kayo next time.

Celine:
Wow kailangan pa talagang bumawi?

Dapat lang.

Celine:
Baka ikaw ang kailangang bumawi. Iiyak na naman bestfriend mo sa ginagawa mo.

Elle:
OMG hahahahaha

Wala akong care 😃

Marize:
Magpaalam ka na lang, Al. Mamaya susugod na naman sa Club B 'yon. Alam mo naman kung gaano ka overprotective'yon sa 'yo.

Elle:
Kaya nga. Swerte mo rin may bestfriend kang gaya ni Easton. Parang kuya mo na nga rin 'yon eh.

Celine:
Dapat nga magpasalamat ka rin kasi siya lang kayang magtiis sa bratinela mong ugali.

Marize:
Ikaw ba hindi?
Yiiee bestfriend mo nga rin si Al, eh.

Celine:
Yuck

YUCK!
Anywayyy
Baka saan pa mapunta ang usapan eww.

Celine:
Kapal!

Magpapaalam ako kay Easton, okay?
Halos lahat kayo 'yan ang sinasabi. My gosh! 🙄

Marize:
Eh kasi kilala namin kayong dalawa. Magbabangayan lang na naman kayo kapag umiiral pagiging demonyita mo sa club.

🙄
Whatever.
He knows me since we were kids. Dapat alam na niya na kapag wala ako sa condo ko, ibig sabihin ay nasa club ako.
At hindi ko naman need magpaalam  sa kanya all the time!
Hindi ko naman siya tatay!

Elle:
But he's the only family you've got.
Kami rin, siyempre. Family mo rin, Alvia.
Pero alam nating apat dito na iba kayo ni Easton.

Marize:
Yes.
You have the bond that you two can only have.
And Easton cherish you like his sister. Kaya huwag ka nang makulit.

Fine! Geez.
Magpapaalam na ako.

Marize:
Good.

Celine:
Hindi ka sana payagan!

The Unexpected Fall (The Broken Club #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon