27

24 2 0
                                    

Alvia Reign Salazar
Oct. 06 | 12:04 AM

Via.
Nasaan ka?

12:25 AM

Bakit hindi mo sinasagot ang mga chat at tawag ko?

1:16 AM

Alvia.
Where the fuck are you?

2:22 AM

Wala ka sa unit mo? Pagbuksan mo ako.

2:30 AM

Tang ina naman Via nasaan ka ba?

2:56 AM

Sumama ka ba don sa lalaking kasama mo kanina?
Sino 'yon? Kilala mo ba?

3:03 AM

You are making my head fucking ache at this hour.

4:48 AM

Hi hello sorry kagigising ko.
Wow salamat sa flood chats and missed calls hahahahaha
What's the problem last night? Ni-reject ka ni Cat no?

5:02 AM

Nasaan ka?
Bakit wala ka sa unit mo kagabi?

I was out.

Ang sabi mo sa Club B ka pupunta kasama sila Marize.

Well, hindi ako tumuloy.

Saan ka nagpunta kagabi?
Sino 'yong lalaki?

Huh?

Via
Sino 'yong lalaki?
Magkasama ba kayo ngayon?

Alvia Reign missed your call.

Huwag ka ngang tumawag!

Nasaan ka nga?

Nasa condo!

Ginagago mo ba ako?

Wait nga!
Ano ba'ng pakialam mo kung nasaan ako?
Please stop nagging me like I'm your daughter!

Talaga?
Talaga, Alvia?
Yan ang sasabihin mo sa akin ngayon?
Alalang-alala ako sa 'yo, tangina.
Hindi ka sumasagot sa mga chat at tawag ko.
Umuwi ako nang wala ka sa unit mo.
Ano sa tingin mo ang magiging reaksyon ko?
Pabayaan ka na lang?

Kaya ko naman ang sarili ko!
I know what I'm doing Easton so please stop overreacting.

Hindi ako magiging ganito kung pinapaalam mo lang sa akin kung nasaan ka.

Bakit ba? Bakit ba kailangan lahat ng gagawin ko reported sa 'yo?

Hindi sa gano'n, Alvia.
Hindi ko naman kailangang alamin lahat ng gagawin mo.
Pero alam mo ang pinagkaiba kapag may kasama kang hindi ko kilala.

Bakit kasi hindi ka na lang magtiwala sa akin?

May tiwala ako sa 'yo. Alam mo yan.
Pinagkatiwalaan kita noon, Via. Pero anong nangyari sa 'yo?
Alam mo, kahit anong ingat mo, kung talagang demonyo ang mga taong umaaligid sa 'yo, mapapahamak ka pa rin.
Napahamak ka na noon. Huwag mo namang hayaang maulit na ulit 'yon sa 'yo.
Ayaw na kitang makitang mawasak ulit sa harap ko, Alvia.
Kaya please naman, huwag namang matigas ang ulo mo.

Seen, 5:18 AM

5:21 AM

Nasaan ka? Susunduin kita.

Huwag na. Nasa itaas na floor lang naman ako.

Umuwi ka na. Anong gusto mong agahan? Lulutuan kita.

Egg
And fried rice.

Sige.
Umuwi ka na. Mamaya na tayo mag-usap.

Okay.

The Unexpected Fall (The Broken Club #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon