Chapter 11

24 5 1
                                    

Author's Note: Sira nanaman charger ko kaya nahirapan ako kung saan ako magcha-charge ang layo kasi ng 7/11 samin. Struggling tuloy ako sa paga-update dahil mahina rin siya makapag-charge sa TV namin.

Olivia POV:

Nauna na samin ni Ed si Tyler pagkatapos niyang maghanda dahil may kakausapin pa raw siya. Nakakahiya nga kay Ed, eh, dahil hinalikan pa niya ako sa labi ko sa harap mismo ni Ed bago siya umalis habang inaayosan pa ng mga bakla ang buhok at mukha ko tuloy binago ng make up artist ang lipstick ko dahil nasira rin niya yun.

Naka-tuxedo na rin sila ni Ed kaya nang ready na ako suot ang orange na mala-v neck pero sobrang baba non na kitang-kita ang cleavage ko tas spaghetti strap pa sa bawat gilid non habang sa likod ay maninipis na strap na enikis din sa likuran ko bago tinakpan ang ibaba ko dahil hanggang sa hita ko lang ang haba non. Pinaresan sa ibaba ng silver stiletto na 3 inches ang haba ng heel habang may diamond earrings at necklace namang nakasabit sa tenga at leeg ko tas yung buhok ko ay mas kinulot lalo saka cenimtepede na maliit sa bawat gilid bago nila yun ginawang pagtali sa buhok ko at pinony tail para makita ang likod ko.

Nakatagilid ako sa harap ni Ed kaya kinailangan kong kumapit sa kabayo pero buti na lang at pinalakad niya lang ito. Malapit na kami sa Coliseum na sabi nga ni Ty sakin kung asan ang venue ay may dirty white na kabayo sakay ang parang prinsepe na si Elijah ang humarang samin.

"Olivia, could you hug Eduard?" Tanong pa niya saka hinawakan ang camera na nakasabit sa leeg niya.

Tiningnan ko naman si Eduard kaya seryuso niya akong tinanguan tuloy ay wala akong choice kundi ang yakapin siya. Agad naman kaming kinunan ni Elijah ng nakangiti saka niya inilayo sa mga Mata niya ang camera niya para harapin kami.

"Perfect couple." Sabi pa niya hindi ko tuloy alam kung nanginginsulto ba siya o nagiging sarkastiko. Lumabas na ang picture namin doon sa camera niya kaya winagayway niya yun sa harap namin. "You can get this at the Accessories Boutique."

"We will." Seryusong sagot ni Ed sa kanya kaya lumakad na ang kabayo niya sa harap namin.

"Thanks." Pasasalamat ko na rin sa kanya kaya nakangiti siyang nag-salute samin bago pinatuloy sa mabilis na paglalakad ang kabayo ni Ed.

Pagkarating namin sa maliwanag nilang Coliseum ay binuhat niya ako pababa pero nakita ko sa likod niya si Tyler na nakatalikod sa gawi namin pero ang magandang babae na kausap niya ay nakangiti sa kanya.

Agad na umusbong ang selos ko kaya kung sarkastiko mang nakangiti si Cherry sa kanya ay hindi ko na alam dahil parang may kumirot agad sa puso ko nang may humawak sa kamay ko kaya napatingin ako kay Ed.

"I suggest you have to talk to your Father by tomorrow." Nagulohan ako sa sinabi niya pero nagpaubaya rin ako nang maglakad na kami papasok kahit ang bigat-bigat ng pakiramdam ko. Tumigil siya sa may entrance saka yumuko para bumulong sakin. "You will get busy starting tomorrow by Ashton and Maui's wedding." Nakangiti na siya nang umayos siya ng tayo saka kami pumasok ng tuloyan pero parang napalitan ng excitement at tuwa ang nararamdaman ko sa sinabi niya. "Ssshh." Mahinang sabi niya sabay lagay sa Index finger niya sa gitna ng mga labi niyang nakangiti sakin habang naglalakad kami papunta sa kung saan.

Hinila ko naman ang kwelyo niya kaya napatigil kami sa paglalakad tuloy ay napayuko rin siya kaya bumulong na ako sa kanya. "Ako ba ang napili nilang Wedding organizer?"

Lumayo siya sakin pero nakayuko pa rin siya habang nakangiti sakin bago siya tumango. "Yeah." Tumili ako ng walang boses dahil sa sobrang tuwa kaya natawa siya sakin bago siya umayos ng tayo. "Let's go to our table." Aya niya kaya nakangiti na akong tumango sa kanya.

TBMC #5 [Batch1]- Tyler JonesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon