Chapter Fourty Three. One

18 0 0
                                    

Chapter 43.1

It's been a month since me and my twins talked. Lagi ko na silang tsine tsek if I have the spare time. Naisip ko na malapit na pala silang pumunta dito. Makakasama ko na rin ang mga anak ko sa wakas! Hindi ko na mahintay!

Pero bago yun. Trabaho muna.

May meeting ako ngayon with the investors of the company. So, makikita ko pala ngayon si Kris.

Ilang sandali lang ay nagsimula na ang meeting. Tungkol ito sa pagpapa expand ng kompanya. Lahat sila ay nag bigay ng suggestion. Including Kristoffer, of course.

"The meeting is adjourned." Pagtatapos ko.

Umupo ako sa swivel chair at napahilot sa ulo. Nagpaiwan muna ako. Ang sakit kasi ng ulo ko. Sobrang stress ko talaga this days. Wala na akong masyadong tulog.

Napayukyok ako sa mesa ng akala ko'y lumabas na sila lahat. Pero akala ko lang pala yun.

"Jenice. Okay ka lang?" Napatingala ako sa nagsalita. Napaayos ako ng upo ng nakita kong si Kris ang nagsalita. Nakatingin siya sa akin at may nababanaag na concern sa mukha niya. Concern? Kailan pa yan napunta sa vocabulary ni Kris?

Napaiwas ako ng tingin at huminga ng malalim.

"I'm fine. Stress lang ako." Tipid kong sabi at tumayo. "Bakit di ka pa lumalabas?" Tanong ko. Weird kasi eh. Weird talaga.

"Nakita kasi kita. You look really tired." Sabi niya.

Napangisi nalang ako sa naririnig kong concern sa boses niya."Don't mind me."

Nagkibit balikat lang siya.

"Labas na tayo." Aya ko. Doon nalang ako matutulog sa bahay. Wala na akong appointment for today.

Tumango naman siya at binuksan ko ang pintuan kasi ako naman yung malapit. Lumabas din siya pagkalabas ko.

"Meron ka pa bang appointment ngayon?" Pagbubukas ng usapan ni Kris.

Kris, you don't have to talk to me like everything is okay. Wait. Jenice. Napatawad mo na si Kris right? Then why the grumpiness?

"Wala na naman." Sabi ko.

Tumahimik ulit. Binilisan ko na ang paglalakad. Gusto ko ng umalis sa tabi niya.

"Bye." Nauliningan kong sabi ni Kris ng lumiko na ako papunta sa opisina ko. Ang sakit talaga ng ulo ko. Kinawayan ko lang siya.

Nagpaalam na ako sa sekretarya ko ng ni recheck ko na wala na talaga akong appointment today. Babawi talaga ako ng tulog ngayon!

Ng papalabas na ako ay napahawak ulit ako sa ulo ko. Di ko ata kayang mag maneho. Pumipitik na yung mga ugat sa ulo ko sa sakit. Tatawagan ko nalang si Caden. Magpapasundo ako.

I called Caden at agad naman itong sinagot. "Hello, Nice?" Narinig ko ang malambing na boses ni Caden sa kabilang linya. Hindi man makatotohanan pakinggan pero nawala ng saglit ang sakit ng ulo ko ng mapakinggan ko ang lambing ng boses niya.

"Cade... Sunduin mo naman ako. Ang sakit ng ulo ko e." Ungot ko sa kanya.

"Uminom ka na ba ng gamot?" Tanong niya. "I'm on my way."

"Sa bahay nalang ako iinom." Sabi ko. "Pakidalian, Cade."

"Yes, Nice. 15 minutes, andyan na ako. I'm driving now." Sabi niya.

The Chic and the Ass (MATURE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon