Chapter Fourteen

35 2 1
                                    

Chapter 14

Jenice's Point Of View

        "Isda po! Sariwa at masarap! Wuhuuuuu! Ate. Dito ka po bumili."

        Andito ako ngayon sa palengke. Tinutulungan ang nanay ko. Syempre sem break eh. Pati kapatid ko, andito nga rin eh. Pero wala si Nanay. Nandoon sa bahay. Pinagpahinga ko na.

        "Ate. Magkano ang 2 kilo ng isda niyo?" Tanong ng isang babaeng maganda. Bata pa. Parang kaedad lang ng kapatid ko. Nakaisip ako ng ideya. Bwahahaha!

        "Jethro! I entertain mo tong bumibili. Wag kang uupo upo lang jan! Uupakan kita." Singhal ko sa kapatid kong parang wala lang na nakaupo at nag cecellphone.

        Napairap ang kapatid ko at tumayo at lumapit sa akin. Tiningnan naman niya ang costumer. Nakita ko ang paglaglag ng panga ng kapatid ko.

        "Magkano?" Ngumiti ang babae. Parang anghel lang. Pinabayaan ko na silang dalawa na mag usap sa price. Bahala sila. Asikasuhin niya yung chix. Haha. Supportive na ate ako eh.

        Tumawag ulit ako ng mga mamimili. Para makarami at makauwi na.

        Nakita kong umalis na iyong babae. May dalang supot. Nakasimangot.

        Tiningnan ko ang kapatid ko. Sinamaan ko siya ng tingin. "Hoy! Anong ginawa mo? Chix yun ah?" Sinimangutan lang niya ako sa sinabi ko.

        "Ayoko sa magaganda. Masyadong mahirap bakuran. Atsaka ayoko sa babaeng unang nagbibigay ng motibo. Gusto ko ako yung didiskarte. Hindi sila. Nakakababa tuloy tingnan. Tss." Asus! Ang yabang! Parang gwapo, gwapo naman talaga. Nakuuu!

        Binatukan ko. "Hoy! Pasalamat ka nalang na may nagkakagusto sa'yo. Hindi yung sumisimangot ka pa! Palibhasa ang panget panget mo!" Binelatan ko siya.

        Inirapan lang ako ng gwapo kong kapatid. "Pangalawa lang ako sa'yo."

        Binato ko siya ng plastic na hawak ko. Nakailag naman siya sa akin. Tatawa tawa pa ang loko.

        Napansin ko naman na may mga dalaginding na tumitingin sa amin. Tiningnan ko sila.

The Chic and the Ass (MATURE)Where stories live. Discover now