Neuf

99 8 0
                                    

Hello everyone! You reached the ninth chapter of the story and I am here to thank you for reading this. Schedule of update will be on Saturdays. Happy Weekend!

____________

Someone's PoV

Tahimik ako'ng nagmamasid mula sa labas ng Unibersidad, inaalam ang bawat galaw ng babaeng iniutos sa akin ng aking kamahalan.

Nang makita siyang pumasok na sa kanilang dorm na nasa East wing ay agad na akong umalis.

"Kamahalan..." agad akong nagbigay galang ng makarating sa palasyo.

"Ano ang iyong nakalap?" tanong nito gamit ang walang emosyon at nakakapanindig balahibo niyang boses.

"Patawad po kamahalan ngunit hanggang ngayon po ay wala kami'ng nakikitang lumalabas na kapangyarihan mula sa kanya o kahit ang espada man lang ng kapangyarihan" pinigilan ko'ng wag mautal.

"Inutil! Matagal na kayong nagmamanman subalit wala pa din kayong nahihita?!" galit nitong sabi at nagpakawala ng itim na kapangyarihan na naging dahilan ng pagkasira ng pader. "Anong silbi ng iyong espiya kung wala naman pala kayong nakakalap?!" dagdag nito, napayuko nalang ako at pinipigilan ang inis at galit na nais kumawala sa akin.

"Patawarin niyo po ako kamahalan, hindi na po mauulit" sabi ko na lamang habang nakayuko pa'din.


"Adeia!" sigaw niya.

[Translation: Leave!]

Nakayuko akong lumuhod bago nilisan ang palasyo.






Alissy's PoV


Kuya!!!!!!!! Oh my!!!!!

"WAHHH!" napabalikwas ako ng bangon at luminga-linga. I sighed in relief. Buti naman at panaginip lang.

"Why are you screaming?!" may halong inis na sabi ni kuya ng buksan niya ang pinto ng kwarto ko.

"IHHH! Binangungot ako kaya sumigaw ako" nakanguso ko'ng sabi.

Isinara lang ni kuya ang pinto at umalis ng naiiling.

Bumangon nalang ako at nagstretching bago naligo.

"Good morning!" bati ko sa mga alphas na nag-aagahan nang may pagkatamis-tamis na ngiti sa labi.

"Morning." bati nila, except kay Kalix na parang walang pake sa mundo but it's okay, he's also my kuya and aside from that, mapag-alala din siya, di nga lang halata.

Umupo na ako sa tabi ni Trisha, kaharap ko si Razer, ang pinsan ni Ate Mille.


Nginitian ko siya dahilan para muntik na siyang masamid, napanguso nalang ako at kumain na.

"Ate Mille, paki abot po ng bacon" pagpapacute ko kay Mille. Napairap siya at inabot sa'kin ang bacon. 'Sungit'

"It's Sienne, not Mille" aniya bago bumalik sa pagkain.

Nang matapos kaming kumain ay pumunta ako sa sala at nanood ng Spongebob. Sila kuya at Myles ang maghuhugas ngayon ng pinggan.

Nasa kalagitnaan ako ng panonood ng bigla kaming makarinig ng sigawan.





"Attention to all students! There's an attack of Dark Creatures! Alphas and Class-A, please proceed to LU's Main gate."  anunsiyo ng headmaster na siyang dinig namin dahil sa speakers na inilagay sa bawat dorm.


Missing Princess of XenoaWhere stories live. Discover now