fourteen

2K 51 6
                                    

Vic's POV

"Oh my God," malakas na bulong niya nang makita niya ako. "Ara, I'm very happy that you came." Sabay beso sakin.

"Ah, hi Den!" Bati ko sa kanya at umupo sa katapat nang upuan niya.

Yes. Kasama ko na nga ngayon si Denden Lazaro. Kim and Aly set us for a date immediately nung pumayag ako. Honestly, ayaw ko talaga sana pumayag but naalala ko yung message sakin ni Kiefer. I know I've fallen for Mika pero hindi pa naman as in na fall na fall. Kaya hangga't di pa ako umaabot sa stage na yun, iiwasan ko na. Kaya nga ako nandito ngayon, nagbabakasakaling madivert ang feelings ko para kay Mika.

"Order na tayo?" She asked then she gave me the menu.

"Uhm, Den sorry ha? Medyo na late ako. Naligaw-ligaw pa kami ni Kim." Explain ko.

Kasi naman yung binigay na meeting place ni Alyssa samin as in yung pangalan lang ng resto. Hello?! Ang laki ng mall na'to, paano namin agad makikita yun.

Napapailing na lang ako kapag naaalala ko yun. Kaloka, halos inikot na namin ang buong mall. Pawis na pawis na rin at sobrang haggard na namin ni Kim nun. Tapos 'tong resto na kakainan namin na sa may labas pala ng mall na'to. Shet, grabe talaga.

"Honestly, nahihiya talaga ako. Ang kulit ni Aly, sabi ko secret lang namin yun. Tapos sinabi niya agad kay Kim." Kwento niya habang hinihiwa yung meat niya.

Natawa ako ng bahagya, "Actually, nung una hindi talaga naniniwala. Akala ko nagbibiro lang si Kim nun." Sagot ko sa kanya.

Maganda ang kinalabasan ng date namin. Nakakatuwa dahil masaya pala siyang kasama. First impression ko kasi sa kanya, masungit. Pero naiba lahat yun. I didn't know na sobra rin pala siyang maloko.

"Hay nako, if you were in our Dorm, sobrang laughtrip talaga. Lagi naming trip si Aly."

"So, bully ka pala?" Tanong ko at natawa ako ng konti. "Didn't know that huh?"

"Di ba halata sa face ko?"

"No. Not, never!" I answered with a smile. Grabe, napansin kong simula kanina, hindi na mawala 'tong ngiti ko sa kanya.

"Are you serious?" Muli niyang tanong at umiling naman ako. "So, alam mo na kung ano talaga ko. Tell me yours naman. Mukhang mas bully ka eh." She said with a laugh.

At ayun na nga, napakwento na ako. Nakwento ko kung gaano rin kagulo ang team namin. Gaano ka pasaway at ka-bully.

"Pero si Mika talaga ang the best." Pagmamalaki ko. Eh siya naman talaga ang pinakabully samin. Di ko lang nakukwento sa inyo.

"Really? Di halata ah?" Sabi niya habang tumatawa.

"Yes. Siya yung silent but super deadly." Sagot ko.

Naalala ko na naman siya. Walang meaning 'to ah. Dahil lang kasi sa pagiging bully niya.

"Kayo ba?"

Napatingin ako kay Denden at nanlaki ang mga mata ko.

"Huh?"

"I said, naging kayo ba?" Tanong niya habang nakangiti.

"What? Of course not!" Pagtanggi ko. Syempre hindi naman talaga.

"Really?"

"Oo nga. Wait, paano mo naman na sabi?" Takang-taka kong tanong. Ang dami kasing nagtatanong niyan.

"Nakikita ko kasi kayo minsan after your games, sweet na sweet kayo. Todo alalay sa isa't-isa. Ganun." Sabi niya with hand gestures.

"Ah, ganun lang talaga kami. Tsaka impossible, crush niya si DJ." I said then laughed.

SWITCHED (Book 1)Where stories live. Discover now