twenty-one

1.8K 51 8
                                    

Vic's POV

Pagkagaling ko sa cafe dumeretso ako sa Auditorium ng La Salle. Hinihintay kong matapos ang LSDC sa practice nila. Wala naman silang event na lalabanan pero nagpapractice pa rin sila.

"Ohw, parang may naligaw na Lady Spiker dito Red oh!" Rinig kong sabi ni Chez. Sus, nang-aasar lang yan.

"Don't tell us Ara, lilipat ka na samin." Natatawang sabi naman ni Red.

Mga kaibigan at classmates ko 'yan sa BSENT. Dancers sila kaya kasama sila sa LSDC.

"Lakas niyo talaga mang-asar noh?" Nakangiti kong sabi sa kanila.

"So, why are you here tungkol ba sa project natin? Sorry, I forgot to tell you ayos na yung proj natin kahapon pa." Sabi ni Red.

"Ah nice. That's good to hear. Wala na tayong ibang aabalahanin."

"What do you mean Ara?" Nagtatakang tanong ni Chez.

"I need your help guys."

"Wait, ano ba yan? Basta legal yan ha?" Asar ni Red. Sira ulo talaga yan. Kung hindi lang siya gwapo, nako nabatukan ko na yan.

"What kind of help ba? Baka makatulong kami." Sabi naman ni Chez.

At ayun na nga, kinuwento ko sa kanila yung tungkol sa surprise plan ko. Dahil kailangan ko ang buong tulong ng LSDC, tinawag nilang dalawa ang mga kasamahan nila.

"Eh anong bayad niyan?" Tanong ni Red at pinalo naman siya ni Chez.

"Eto lagi na lang may bayad." Sabi ni Chez kay Red.

"Ganito na lang, ang bayad na lang is tulungan mo rin kaming i-video yung gagawin namin. Maganda yung concept eh, MOB di ba? Sakto may isang Dance Competition kaming sasalihan at kailangan magsubmit ng vid para makasali."

Tumango-tango naman yung iba.

"So ganun yung bayad ko?"

"Oo, then pakain lang every practice Ars. Bigtime ka naman eh." Sabi naman ni Red. Nako, hindi talaga nagpahuli.

Nagthumbs up naman ako at natuwa naman sila.

"So, bukas simulan na natin ang practice." Sabi ni Chez.

"Pag-usapan na rin natin yung mga plans natin para alam natin ang gagawin." Pahabol ni Red.

---

"One, two, three dance!" Sigaw ni Red at sinimulan naming sumayaw. Oo, sasayaw ako kasama ang bullies.

Yan ang napagdesisyunan naming plano nila Red. Pero yang idea na yan, galing kay Chez para daw sweet. Eh ayaw ko pa naman na sumasayaw.

"Nice Ara!" Puri ni Chez.

"Che, aasarin mo lang ako eh!" Sigaw ko at nagpatuloy lang ako pagsayaw.

"I didn't expected na magaling ka palang sumayaw Ara." Nakangiting sabi naman ni Red habang sumasayaw. "You got the moves, Galang."

Natatawa na lang ako sa sinasabi nila. Hindi ko alam kung nagjojoke na ewan eh.

"Isa pa 'tong si Kim oh." Sigaw ni Red. "Kembot pa more!"

"Syempre, dancer ata 'to dati." Sagot niya kay Red at nagsitawanan naman kami.

"Paki puri naman yung Kambal." Dagdag ni Kim.

Mas natawa naman ako dahil hindi masyadong makasabay ang kambal samin. Hirap daw sila sa steps.

"Ang hirap naman neto Ara!" Reklamo ni Cienne.

SWITCHED (Book 1)Where stories live. Discover now