CHAPTER 12

25.5K 742 61
                                    

Chapter 12

Laurenz Pov

"Grabe di na kini-keri ng utak ko ang pagblooming mo, Ren! Iba rin talaga ang dulot ng isang Theodore Granville, ano?" Pag-ieksaherada ni Sonya habang nag-aabang kami ng tricycle na masasakyan patungo sa aming school.

Sinamaan ko siya ng tingin at mahinang sinampal ang balikat. Kay Sonya ko lang talaga nasasabi ang lahat. Ang panliligaw ni Senyorito Theo, ang mga pagbisita ni Senyorito Theo sa gabi na pati ni Sonya ay naging witness doon.

Si Sonya lang ang nakakakita sa kilig at saya ko sa panliligaw ni Senyorito sa akin.

"Tumigil ka nga Sonya. Baka may makarinig sayo." suway ko dito.

Humawak siya sa baywang niya at hinarap ako. "Edi wow! Para malaman nila na ang maganda kong friend ay nililigawan ng nag-iisang Theodore Granville III!"

"Oh tapos pagchismis-an na naman ako. 'Yong sumakay nga lang ako sa kotse niya binig-deal nga iyon ng mga tao. Ito pa kaya."

Umasim ang mukha ni Sonya at saka pinulupot ang braso sa akin.

"Tsk! Ang nega mo pero mas bet ko yatang makipag-away sa mga kapitbahay natin pag ikaw ginawan nila ng issue. Hayst! Di naman ito issue kasi totoo ito."

Napatawa nalang ako kay Sonya.

Nang may paparating na tricycle ay agad siyang pumara at sumakay kaming dalawa doon.

Ang unang linggo naman ng school ay wala masyadong ganap. Iyong ibang prof namin todo bigay na sa mga school works while ang iba naman naming subjects ay wala pang prof na pumapasok. Nagpasalamat naman ako doon dahil sa dami ng aming gagawin.

Same naman kami ng course, section at year level ni Sonya kaya naman nagtutulungan kami sa mga assignments namin at project sa isang subject namin. Kaya naman madali naming nagagawa ang dapat naming gawin para sa school.

At nang dumating ang biernes ng gabi ay dumating si Senyorito Theo sa bahay na may dalang box ng pizza at softdrinks. Nag video call kasi kami kanina nang masabi ko dito na wala akong ginagawa dito sa bahay at gumagawa lang ako ng cross-stitch. Ito kasi ang pinagkaka-abalahan ko kapag wala akong ginagawa.

"Magandang gabi." bati ko kay Senyorito Theo at niluwagan ko ang pintuan para siya papasukin. Nang makapasok siya ay agad ko naman iyong sinara.

"Good evening." Nilagay niya sa lamiseta iyong dala niyang pizza at softdrinks bago umupo sa sofa. Napakalas siya sa tatlong butones ng suot niyang long sleeves na kulay itim. Sumilim naman doon ang maputi at malaman niyang dibdib. Siguro ay naiinitan siya dahil walang aircon dito. Inayos niya ang suot na relos at saka binuksan ang pizza na dala.

Tinungo ko naman ang luma nang stand fan dito sa bahay at saka ko iyon in-on. Pinukpok ko pa ang likod noon para umayos ang ikot noong fans at hinarap kay Senyorito. Bumalik ako sa pwesto ko kung saan ko iniwan ang ginagawa kong cross-stitch kanina. Magkaharap kami ngayon ni Senyorito.

"Let's have a dinner together, baby girl." Anyaya nito.

"Di pa po kayo kumakain ng hapunan?"

Tipid itong ngumisi sa akin at nagbukas sa softdrinks na dala niya.

"Hmm."

"E, bakit nakikipag-video call po kayo sa akin kung wala pa po kayong hapunan." puna ko dito.

"I was just really waiting for you to come online, baby girl."

El Grande Series 2: Theodore Granville|✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon