Dix

99 8 1
                                    


Every Saturdays talaga ang update, bonus ko lang to.

_________________________________




Nagising ako sa isang di pamilyar na silid. Wala akong ibang makitang kulay kundi puros puti. Napabalikwas ako ng bangon.


' Nasa heaven naba ako?! Oh my! Sayang ang ganda ko! Wala pa ako'ng napapasahan!'

Naghihisterikal ko'ng inilibot ang paningin hanggang dumapo ito sa aking sariling katawan. 'Nakadamit pampasyente pala ako...'



Bumukas ang pinto at iniluwa si Lhyre. Nagulat siya ng makita ako ngunit kalauna'y napangiti rin ng malawak at napatili.


"YIEEEEEEE! Gising kana!!!!!" niyakap niya ako ng mahigpit, dahilan para mahirapan ako'ng huminga ng maayos. Tinakpan ko ang tenga ko dahil baka masira ang eardrums ko ng dahil sa tili niyang pagkalakas-lakas.

"I c-can't breathe..." wika ko dahilan para mapakalas siya mula sa pagkakayakap sa'kin.

"Sorry naman." nakanguso niyang sabi.

"H-Hindi kaba n-nagtataka?" tanong niya matapos ang ilang sandali. Kumunot naman ang noo ko. 'Ha?'

"Saan?" kunot-noo ko'ng tanong.

"S-Sa b-buhok mo?" patanong niyang sagot.

"What..." nanlaki ang mata ko ng makita ang mahaba at kulay tsokolate ko'ng buhok na naging....PUTI NA TILA KUMIKISLAP!! It's a silver to be exact!

"Oh my! WHAT HAPPENED?!" hindi ko napigilang hindi mapatili ng makita'ng naging silver ang dati'y kulay tsokolate ko'ng buhok.

"N-Nagtaka din kami... Matapos mo'ng mahimatay, idinala ka ni Kiel dito sa clinic dahil hindi ka namin mahawakan kase nga nangunguryente ka at dahil si Kiel ay isang electric manipulator, nahawakan ka niya at nadala dito. We got so worried lalo na ng lumipas ang isang oras at nagkaroon ng puting highlights ang buhok mo. I asked Doc. Neem pero hindi niya rin alam. Lumipas ang isang araw, naging silver na lahat ng buhok mo at... ang mata mo Iaxah..." naguguluhan ko siya'ng tinignan.

"A-Anong nangyari sa mata ko?" kinakabahan ko'ng tanong. "Don't tell me, p-puti nadin..." napalunok ako. Umiling siya which makes me sigh of relief.' Whoa! Akala ko naging puti na'

Inabutan niya ako ng salamin at kahit nagtataka'y tinanggap ko iyon.

"Look at your eyes' reflection" aniya. Tinignan ko ang sarili'ng mukha sa salamin. Bukod sa buhok ko'ng naging puti ay maganda pa'rin naman ako, kaso lang...

"Bakit... B-Bakit asul na ang mga mata ko?" nagtataka ko'ng tanong kay Lhyre. Bumuntong-hininga naman siya at naupo sa dulo ng kama.

"We don't know. May pagbabago'ng naganap sa katawan mo sa loob ng isang linggo" sagot niya. 'Isang linggo'

"I-Isang linggo?" tanong ko. Tumango naman siya.

"Isang linggo ka nang tulog. Akala nga namin di kana magigising eh." sagot niya na ikinagulat ko. 'Isang linggo? As in one week?!'

"Buti nga at gising kana. Makaka-attend ka sa Halloween Party mamayang gabi para naman ma-meet mo ang mga warriors ng LU kung... kung kaya mo??" dagdag niya. Halloween Party?

"I'll join! I can come!" agad ko'ng sabi ng marinig ang sinabi niya. 'Baka dun ko na makita ang true love ko. Warriors daw at dahil Immortal world ito, meaning... maskulado at gwapo ang mga mandirigma'ng makikilala ko mamaya!'

"Sigurado kaba? Baka di kapa magaling?" nag-aalala niya'ng tanong.

"Yes I am sure! And... magaling na ako no. Look, I can jump already!" pinigilan ko'ng di mapangiwi sa sakit ng tumalon-talon ako.

"Sabi mo eh, sige. Bibilhan nalang kita ng masusuot." aniya at akmang aalis ngunit pinigilan ko siya.

"Sasama nalang ako. Wala naman na akong gagawin dito eh tsaka I'm fine already." pagpigil ko sa kanya.

"Itatanong ko muna kay doc kung pwede ka na ba makalabas." aniya ngunit umiling-iling ako.

"Alis na tayo, you don't have to ask them for me to leave here. They're not my parents to forbid me to go wherever I want to." giit ko, napabuntong-hininga nalang siya at tumango.

"Sige na nga! Itatakas nalang kita" pagsuko niya na ikinangisi ko.


"What do you think? Bagay ba?" tanong ko kay Lhyre habang suot ang sinukat na velvet dress. Ang sabi niya kase, no need to wear costumes na daw. Wala naman kami sa Mortal World kaya tumango nalang ako kahit nagtataka.

"Hmm... Bagay naman lahat sayo pero mas okay kung magsusuot ka ng puting gown para match sa hair mo" napangiwi ako sa sinabi niya. 'Is she referring me as a lady in white or white lady?'

"You want me to be that Lady in White at midnight?" taas-kilay ko'ng tanong na ikinahalakhak niya.

"Pwede rin white lady kung gugustuhin mo" bumungisngis siya dahilan para ibato ko sa kanya ang hawak ko'ng hanger ng velvet dress na sinukat ko.

"Aray! Brutal ka!" nakasimangot niyang sabi, natawa nalang ako ng mahina.



Matapos naming mamili ay bumalik ako sa dorm, kinuwento niya sa'kin ang tungkol sa mga nangyare dito sa University a week ago. Nothing got my interest though but nung sinabi niya ang tungkol sa nangyari matapos ko'ng mawalan ng malay ay nagulat ako.

Wala ako'ng naaalalang nagliwanag ako at naglabas ng mga bultahe ng kuryente at tinapos lahat ng dark creatures na umatake. Ang naaalala ko lang ay nag init ako at nakaramdam ng galit, matapos nun ay wala na...

Matapos niyang makwento lahat sa'kin ay nagpaalam siyang maliligo kaya't nahiga ako sa kama. My long silver hair sprawled on my sheets as I diverted my gaze at the ceiling.
   

"Princess... Please come back...." napabangon ako ng makarinig ng boses.

"Princess..." lumingon-lingon ako ngunit wala ako'ng makita.' I think I'm going crazy...'

"This is insane!" pasigaw ko'ng bulong sa sarili.

"Princess," napabalikwas ako ng may biglang nagpakitang bulto ng isang tao na gawa sa puting usok sa aking harapan.

"S-Sino ka?" tanong ko rito.

"Ako ang utusan ng iyong lolo, ipinag-utos niya sa aking sabihin sa iyo ang isang mensahe."  aniya.

'Ano daw?'


"Huh?" I gaped.

"Sa iyong pagtulog ay malalaman mo ang kanyang mensahe, magkita na lamang tayo sa iyong panaginip, mahal na prinsesa." aniya at biglang naglaho.

I was left dumbfounded. Anong nangyari? B-Buhay pa ba ako? H-Hindi naman ako na-rape ng anino'ng yun diba?

Nabalik lang ako sa ulirat ng bumukas ang pinto ng banyo, hudyat na tapos na si Lhyre kaya't tumayo na ako at ako naman ang sunod na naligo.

Hindi ko malimutan ang nangyari kanina like... Damn it! Totoo ba yun? O hallucinations ko lang? Aishhhh! Baka epekto na to ng isang linggong tulo--- Hala! What if tinusukan nila ako ng drugs--- Uh no! Ambrosia pala dahil immortal world to. Oo! Ambrosia... tinurukan nila ako ng ambrosia dahil pag-eexmperimentuhan nila ako! Oh my gosh! Ang ganda ko... masasayang lang!




''What's happening with you, Iaxah?'' I whispered under my breath habang nakababad sa ilalim ng shower.

Missing Princess of XenoaWhere stories live. Discover now