Onze

104 7 0
                                    


Happy Saturday everyone!

______________________


Bihis na ako. Suot ang puting gown na binili namin ni Lhyre. Simpleng gown lang ito, may mga diamond details din sa may belt. Ipinartner ko dito ang kulay silver ko'ng heels na bumagay sa'kin. Inayos ko ang aking buhok in a loose updo bun at ipina-curl ang bawat dulo ng aking malayang buhok na hindi naisali sa pagkakatali. I'm all in white and I must say that I'm more beautiful with my silver hair and gown together with my deep ocean blue eyes. I'm not yet used to it but I think I'm starting to love the physical changes in me.

Lumabas na ako sa dressing room kung saan naghihintay si Lhyre.

"Oh buti naman---" di na natapos ni Lhyre ang sasabihin ng mapatingin ito sa aking gawi. Natulala siya at napatili. 'Nakakarindi ang tili niya...'

"S-Stop staring at me Lhyre! L-Let's go.." naiilang ko'ng sabi because I'm not used to it--- I mean, I'm used to it p-pero hindi siya! Nakakailang kaya siya kung mamangha. H-Her s-stares m-makes me feel uncomfy!

"A-Ang ganda mo kase! You look like a goddess at nakakainggit ka!" aniya at ngumuso, bahagya naman akong namula dahil sa papuri niya.

"I'm  already beautiful. Inborn nato no." giit ko na ikinangiwi niya.

"Hindi ka nga pala dapat pinupuri no? Humahangin ka eh" aniya at mabilis akong tinalikuran."Tara na" dagdag niya at naunang lumabas sa dorm.

Sumunod ako sa kanya dahil hindi ko pa naman alam kung saan gaganapin ang Halloween Party. Hindi ko maiwasan'g di mailang sa mga titig ng mga estudyanteng nadadaanan namin na nakasuot sa kaniya-kaniyang kulay ng gowns at tuxedo.

"S-Saan ba gaganapin ang party?" I asked Lhyre who's currently waving her hands sa mga students na nadadaanan namin.

"Ah, sa ceremonial hall. Nandun na ang mga alphas at ang iba pang taga Class-B kabilang na sila Eric at Nathalia.Class-C and D or Gamma Class na lang ang mga nadadaanan natin sa corridors. Sa tsansa ko'y tayong dalawa na lang ang kulang sa Class-A, for sure hinahanap na nila tayo"  sagot niya. Di ko maiwasang di mapangiwi. 'Ang pagdadausan ng Halloween Party lang ang tinanong ko pero ang haba ng isinagot.'


"Ahh" bahagya kong itinango-tango ang ulo ko at palihim na ngumiwi.

Nang makarating kami sa Ceremonial Hall ay agad na natahimik ang paligid na kanina'y maingay dahil sa tugtog. Lahat sila ay napalingon sa gawi'ng bukana ng ceremonial hall kung saan kami nakatayo ni Lhyre. Their jaw dropped the moment they laid their eyes on us. A crease formed in my forehead as I roam my eyes around the sea of students. My gaze stopped at the center of the hall where a guy was standing in awe. I was surprised to see his expression change because I'm used to see his usual poker face or intimidating and serious expression.

"A goddess!" napalingon ako sa aking gawing kanan kung saan nagmula ang sigaw. It was Alissy, wearing her pink gown.

"A-Am I dreaming?" tulalang tanong ni Myles.

"Idiot! You're awake!" binatukan siya ni Razer dahilan para mabalik ito sa ulirat. Sinamaan ni Myles ng tingin si Razer bago lumapit sa'kin.

"Hi, milady. Can I take you ou---- I mean, l-let's dance?" namumula niya'ng tanong. I nodded my head gently as I accepted his hand and went in the dance floor. Ayoko makipagsayaw pero mas ayaw kong manatili roon. Kalix's stares makes me feel uncomfortable.


"You're beautiful.." he whispered, enough for me to hear.

"I know," I answered. He slightly laughed and shook his head gently.

"You really are something" he said.

"So are you..." I retorted. An eerie silence enveloped with the two of us after a few seconds. This is awkward.

"You're not weirded out with the changes in you?" he asked after the eerie silence.

"Not really-- I mean, I was shocked and can't get over it but I guess I had to accept and get used to it." I answered. He nodded repeatedly and think for another topic he could open up. 'Shit! Bakit ang tagal matapos ng kanta?!'

"A-About your power and abilities... N-Nasasanay kana ba?" he asked again making me look at him with confusion.

"I don't have one yet." giit ko at umiling-iling. Kunot-noo niya akong tinitigan.

"You don't remember?" nagtataka niyang tanong habang patuloy pa'din kaming nagsasayaw.

"I don't know what you're talking about" sagot ko at nagsimula maglakad papunta kay Lhyre ng sa wakas ay natapos na din ang kanta.



"Yieee! Ikaw ha, may something na pala sa inyo ni Prince Myles pero di ka nagshare" napairap ako sa naging bungad sa akin ni Lhyre.' Seriously? I thought she can read minds?!'

"I thought you're a mind reader? Why don't you try to read mine to know about your so called 'something' between us" I said, emphasizing the word something.

"Told ya' already. I can't read your mind at tsaka di ko din mabasa isip ni Prince Myles dahil isinarado niya isip niya. He's a sorcerer kaya natural lang na alam niya kung paano ako iba-block sa isip niya" aniya. "Nga pala, after five minutes ay sabay-sabay na magcha-chant ang mga sorcerer at sorceress. Pagsapit ng 12 ay lalabas sa gitna ng ceremonial hall ang mga kaluluwa ng mga namayapang warriors ng LU. Magkakaroon tayo ng pagkakataon na makausap sila at matanong ang mga bagay na nais natin'g malaman" dagdag niya. Kumunot ang aking noo ng dahil sa sinabi niya. Ano daw? Kaluluwa ng mga namayapang mandirigma ng LU? Seryoso ba siya?

"Seryoso?" tanong ko.

"Mukha ba akong nagjo-joke?" tanong niya pabalik dahilan para mapangiwi ako.' Kailan pa siya natutong mamilosopo sa isang dyosang katulad ko?!'

Inirapan ko na lang siya at humalukipkip. Napalinga-linga ako ng may mga estudyanteng nagtipon-tipon sa gitna na pinangungunahan ng babaeng kapatid kuno ni Myles na nagngangalang Trisha at syempre si Myles. Silang dalawa ang nagsimulang magchant ng lenggwaheng di ko maintindihan hanggang sa sumunod naman ang iba hawak-hawak ang kani-kanilang wand.


'Wow, mala Harry Potter lang.'


Maya-maya'y lumabas ang puting usok sa gitna ng hall at bumuo ng mga bulto. Oh my ghost! Nanlaki ang mata ko ng makitang totoo nga ang sinabi ni Lhyre. May mga kaluluwa!


Lumitaw-litaw sila sa itaas ng mga estudyante at kumaway-kaway. Makalipas ang ilang sandali'y nakakapagtakang mayroong itim na usok ang lumabas at nabuo ang isang kaluluwa ng babaeng naka itim at mayroong intimidating na itsura. 'Sino siya?'

Missing Princess of XenoaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon