Chapter 3

34 0 0
                                    


"Magandang tanghali! Tubig po!"

Narinig ko na agad ang malakas na boses ni Aether mula sa labas ng bahay. Nang bahagya akong sumilip sa bintana ay tunay ngang nandoon ito habang buhat-buhat ang isang galon ng tubig sa itaas ng kaniyang balikat.

"Eris, tubig daw!" Auntie Lora yelled from the kitchen. Abala kasi ito sa pagluluto ng aming ulam para sa tanghaling iyon.

I got up from the couch and picked up my wallet on top of the cabinet. Lumabas ako upang harapin siya nang makuha ko na ang aking pitaka.

"Eris!" Gulat na sambit ni Aether nang makitang ako ang lumabas sa bahay. "Twenty-five pesos lang ulit."

"Ang sipag natin, ah?" I teased him while counting the exact amount of money needed to pay for the gallon of water. "Kumain ka na ba? Nagluluto si Auntie Lora, if you're not that busy maybe you could join us. Isama mo na rin si Biboy." Tukoy ko sa lalaking kasama ni Aether sa pagde-deliver ng tubig at taga-maneho rin ng sinasakyan nila.

I saw how his blue eyes lit up. He swiftly turned to glance at Biboy making the ray of sunlight hit his blue eyes. They glistened under the bright sun and it looks so beautiful. Parang tunay at kumikinang na mga diyamante.

"Ito na ba ang huling destino niyo?" Tanong ko pa matapos maiabot kay Aether ang pambayad. "Kung hindi pa ay maaari namang sa susunod na lang."

"May tatlo pa kaming galon na hindi naihahatid ngunit malapit lang naman ang lugar na paghahatiran namin nito." Mabait na tugon ni Biboy, maliit pa itong ngumiti sa akin.

I nodded my head and clasped my hands together as I looked at Aether who's already looking at me. Tinaasan ko tuloy siya ng kilay dahil sa paraan ng pagtitig niya sa akin.

"May dumi ba ako sa mukha?" My forehead creased in confusion. "Saan banda?" Kinapa-kapa ko pa ang mukha ko dahil baka nga may dumi sa mukha ko dahil lubos siyang makatitig sa akin.

He chuckled. "Wala. Sige, Eris. Tutuloy na kami ni Biboy. Kung hindi pa expired ang imbitasyon mo mamaya na rito kami mananghalian at asahan mong babalik kami rito matapos maihatid ang natitirang tatlo pang galon ng tubig."

"Aether? Hijo!"

Bago pa ako makapagsalita pabalik ay naulinagan ko na agad ang boses ni Auntie Lora mula sa aking likuran. I turned to look at her and she's already standing on the doorway while holding a wooden spoon that she used earlier to stir her cooking.

"Magandang tanghali po, Auntie Lora." Aether greeted while flashing a polite smile. "Hinatid ko lang po ang tubig ninyo."

"Oo nga, hijo. Narinig ko nga. Aba'y nakakain na ba kayo? Marahil ay maaga kayong gumising at nag-asikaso para sa paghahatid nitong mga galon ng tubig?"

"Tunay po, Auntie Lora. Eristelle already invited us for lunch," Sumulyap pa ito sa gawi ko. "Pero may tatlong galon pa po kaming kailangan ma-i-deliver. Kung hindi naman po babawiin ni Eris ang kaniyang imbitasyon ay maaaring dito na nga kami dumiretso ni Biboy pagkatapos niyon para makapagtanghalian."

"Ayos lamang po ba iyon sa inyo, Auntie Lora?" Dugtong pa nito at itinuon na ang buong atensyon sa aking tiyahin.

"Aba'y oo naman, hijo! I would be truly happy to have you and Biboy in our humble abode for lunch." Auntie Lora said, smiling widely as ever. "O, siya, tatapusin ko muna ang aking niluluto para pagbalik niyo rito ay nakahanda na ang pananghalian ninyo." Pagkuwa'y mabilis na nawala sa aming harapan si Auntie Lora at bumalik na sa kusina.

"I got to go, Eris. See you later." Paalam din ni Aether at mabilis na lumabas ng gate at sumampa sa espasyong nasa likuran ni Biboy.

Kumaway pa ito sa akin bago sila tuluyang nawala sa paningin ko. Napailing-iling na lamang ako at sinarado na ang gate. Mabilis akong pumanhik pabalik sa loob ng bahay upang matulungan si Auntie Lora sa kaniyang ginagawa at para na rin mabilis iyong matapos.

Wounded Heart (Fortalejo Clan #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon