CHAPTER 5

2.2K 96 10
                                    

-----

I am wearing black high slit dress, exposing my legs plus wearing high heels para naman mag muka akong matangkad kahit sa mata lang ng mga kaibigan ni mommy. Dapat presentable, ayokong mag mukang ewan sa party.






"Mom!" Tawag ko dito pag ka-entrance ko sa address na ibinigay niya. House party lang naman ito na napaliligiran ng mga business man and woman.






Iginala ko pa ang mata dahil sa laki ng bahay na'to. Lumapit ako sa kanya ng may suot na plastikadang ngiti sa labi bago bumeso, medyo late na'ko dahil nag tagal ako sa pag aayos at pag pili ng isusuot. Nasatisfied lang ako nang ipakita kay Fiona ang suot. As usual, sa daming kumento ng babaeng 'yon, nakumbinsi niya kong ito na ang isuot.






"Darling..." Excited na bati niya at nakangiting pinakilala ako sa kanyang mga kausap.







"She is my one and only unica-iha. Ang ganda 'no?" Matamis kong nginitian ang mga kasama nito at bahagya pang yumuko upang magpakita ng pag galang. Ang bongga ng mga friends ni Mommy, halata mo talagang galing sa mayayamang pamilya, yung mga dalang handbag mga latest edition sa mamahaling mga boutique.






What if kaibiganin ko din sila? Para hindi lang sina Aerian ang lagi kong kasama? Paniguradong dadalhin ako ng mga 'to sa mamamahaling mga resto. Nakakasawa na kase sa bar nina Gab, linggo-linggo ata kaming naroon, halos saulo kona bawat sulok ng bar nila.





"Hindi mo naman sinabe, may modelo ka palang anak Mrs. Camires" Nakangiting sabi ng isang lalaki at hinalikan ang likod ng kamay ko.







Tipid ko lamang itong nginitian at tumabi kay mommy, mukang siya ang may ari ng bahay na'to kaya bawal akong mag arti-artihan kapag siya ang kaharap. Alam kaya ni dad na may kaibigang lalaki 'tong nanay ko? Anyway, kaibigan lang naman kaya wala naman sigurong masama.






"Such a gorgeous girl!" Wika ng isang papalapit na babae at tumabi sa nagsalita kaninang lalaki. Mukang ito ang maswerteng asawa. Well, hindi ko maitatangging maganda siya at muka pa ding dalaga kahit nasa late 40's na sila.







"Magaling kayong gumawa ni Harold ha!" Birong tukoy nito kay dad kaya napaiwas ako ng tingin. Bakit naman ganito mag usap ang mga matatanda. Kasama ba talaga sa business party ang mga ganitong usapan, jusq ang aking inosenteng utak.






"Oh Wendy! nasa genes namin yan!" Maarteng sabi ni mommy na ikinatawa ko, hindi din talaga siya papatalo. Siguro Peter ang pangalan ng asawa niya haha!




"Tamang-tama! You have a gorgeous daughter, I have a handsome son!" Excited na banggit nito, napairap naman ako dahil mukang alam ko na ang ibig sabihin niya. Pumarty lang, mag kakaasawa pa ata bigla.






"Don't worry iha, marespeto at matalino ang anak ko, paniguradong magugustuhan mo siya" Ngiting sambit nito sakin kaya no choice ako kundi ngitian din siya pabalik, you know, business.







Kahit siya pa ang pinaka gwapo sa mundo, kung hindi naman kami mag kakasundo, wag nalang.







"May I excuse myself Mr. And Mrs?"






"Jeremi Benjamin" Singit ng isang lalaki na naka black tuxedo habang ngiting-ngiting nakatingin sa'kin. Mukang ito na ang anak.






"This is my baby boy" Ngiting pakilala niya sa'min kaya tiningnan ko ito ng may ngiti sa labi.






Totoo, gwapo at matangkad! Hanggang balikat niya lang ata ako dahil sa haba ng mga biyas niya.








The Taste Of Love Where stories live. Discover now