CHAPTER 12

2K 81 3
                                    






-----







"Mauna na'ko, nandiyan kasi si Jeremi sa labas" Paalam ko sa mga kaibigan kong busy pa magsi-lamon. Matapos ng sandaling pag-uusap namin ni Ma'am Flores, hindi kona ulit ito nakitang pumunta o kahit dumaan man lang sa booth nina Gab.






"Uwi ka na agad?" Singit ni Dave habang may iniaabot saking isang bote ng tubig. Ngayon ko nalang ulit siya nakita dahil busy daw siyang maging referee sa volleyball boys. Nabalitaan din daw niya yung nangyari sa'kin at kung ano-anong kapraningan ang sinabi sa'kin. 







"Yeah," Maikling sagot ko dito bago ngumiti. Kita ko ang pagod sa mga mata niya. Mukang wala talaga silang pahinga buong linggo.





"Hatid na kita sa parking lot?" Aya nito sa'kin bago binitbit ang bag ko at isinakbit sa balikat niya.






"Hoy! Ano ka ba!? Akin na nga 'yan!" Pigil ko sa kanya at binawi pabalik ang bag ko pero ayaw niyang magpa talo.






"Text mo 'ko pag naka-uwi ka na, okay? Wala akong tiwala diyan sa boyfriend mo" Bulong ni Aerian sa'kin bago bumeso. Ganun din ang ginawa ni Fiona at kumaway-kaway naman si Gab na kasalukuyang nasa loob ng booth at busy mag linis. Si Dave naman ay talagang binitbit na ang bag ko hanggang makarating kami ng parking lot.






"May pupuntahan kayo?" Curious niyang tanong dahil nakita niya atang bihis na bihis sa Jeremi.






"Dinner" Maikling sagot ko sa kanya. Pansin kong bigla itong sumimangot na tila ba may gustong sabihin sa'kin.






"Yung dinner natin, hindi na natuloy" Mapait niya akong nginitian sabay abot ng bag sa'kin. "Take care and enjoy your date" Pag papaalam nito at tinalikuran na'ko.






"Let's go next time" Yakag ko dito. Napansin kong napa tigil siya sa pag lalakad bago tumingin ulit sa'kin. "With my friends" Ngumiti ako dito bago siya tinalikuran at puntahan ang lalaking nakatingin sa'min kanina pa.






Dave is my friend. Ayokong mangako tapos hindi ko tutuparin. Ayos din naman ang pakikisama niya sa mga kaibigan ko kaya walang problema sa kanilang nasama si Dave sa'min.






"Who's that guy?" Tanong nito habang inaalalayan ako papasok ng passenger seat.







"Dave. He's also my friend" Pilit ngiting sagot ko pagka pasok niya sa loob.








"Okay. Anyway, saan mo gusto?" Masiglang tanong nito bago paandarin ang sasakyan.








"Kahit saan, ikaw ang bahala"







"Gusto mo ba, umuwi muna tayo para makapag bihis ka?" Tanong nito habang naka tingin ng diretsyo sa mata ko. It's so awkward.







"Let's go. Ayoko ding mag tagal dahil gusto ko sanang maka-uwi agad" Tugon ko dito at nag focus na lang sa pag gamit ng phone.






Sobrang naiilang na'ko sa kanya dahil sa mga nangyari netong nakaraan. Kung hindi lang talaga dahil kay dad ay hindi ko na siya lalapitan ulit.







"Is that kuya Liam?" Biglang sabi nito kaya napa lingon den ako sa tinutukoy niya. Meron nga pala siyang kuya pero never ko pa nakita. Na-kwento niya yon sa'kin, hindi lang talaga ako nakikinig ng ayos.







The Taste Of Love Where stories live. Discover now