Chapter 1

237 4 0
                                    


KEYLA

Narito ako ngayon sa itaas ng stage nakasuot ng kapirasong saplot sa katawan at natatakpan lang ng kulot at burgundy color kong buhok ang aking dibdib. Tanging kapirasong string bikini lang ang suot ko sa panloob at kulay pulang lace ang suot kong gown habang natatapatan ako ng kulay pulang ilaw. Daig ko pa ang ruby stone na kumikinang sa mga mata ng kalalakihan na naririto sa isang malawak na auction hall kung saan ay illegal silang nagbebenta ng laman. Mga sariwang laman ng berhen na babaeng binibenta nila na parang sariwang isda sa merkado. Ngunit hindi lang ito basta bentahan ng mga berhen na babae. Dahil milyones ang nilalabas ng mga lalaking ito para lang makakuha ng bata at sariwa na pwede nilang gawing sex-slave, kabit, asawa o kahit ano pa man na gusto nila.

"Keyla? Are you ready sister?" Tanong ni Nara. Naririnig ko ang malakas niyang boses sa earpiece na suot ko. Sinadya 'kong ipadukot ang aking sarili upang mapagtagumpayan ang aming misyon ni Nara ang kakambal ko. Sabay kaming nagsanay bilang mga assassin ng TAJSO or trial and justice secret organization. Layunin ng aming organization na supilin ang mga makapangyarihang taong napatunayan na nagkasala sa gobyerno at hindi mapanagot dahil sa kanilang taglay na mataas na kapangyarihan.

"Ready na ako sissy, ako na ata ang susunod na ibebenta. Magkano kaya ako?" Mahinang bulong ko sa kanya upang hindi makahalata ang mga lalaking nakatitig sa akin.

Mula nang malaman namin sa aming mga magulang na sila pala ay kasapi ng isang underground secret organization. Ay ginusto na rin namin ni Nara ang maging kagaya nila. Actually, triplets kami ni Nara at Isaiah pero mas nag-focus ang kakambal namin ni Nara na si Isaiah sa pagiging magaling na doctor kaysa maging kagaya namin. Hindi rin kami kagaya ng mga kambal na pareho ang mga mukha. Pero dahil maganda si Mommy at may taglay na ka-guwapuhan naman si Daddy. Ipinanganak kaming biniyayaan ng magandang mukha. Noong una ay tutol pa sina Mom at Dad na sumabak kami sa ganitong misyon. Kaya ginawa namin ang lahat upang payagan nila kami, pinagbuti pa namin ang aming pag-aaral habang secretong nagsasanay.

Accelerated student kami kaya mas maaga naming natapos ang aming mga kurso. Ako ay bilang isang virtual artist si Nara naman ay nagpalit ng kursong BSIT. Samantalang si Isaiah ay ka-ka-graduate lang upang maging doctor. Wala na rin sa serbisyo ang mga magulang namin dahil abala na sila sa pamamahala sa farm sa probinsya.

"Galingan mo at wag kang magpapagalos man lang. Kailangan pa nating umuwi sa farm dahil kay Isaiah." Paalala ni Nara. Nasa labas naman siya at ini-intay ang go signal ko para sumugod sila rito.

"Don't worry sister, nandito naman ang target natin wala pang thirty minutes sigurado bagsak na ang mga ito. Naka-abang na ba ang back-up natin?" Paniniguro ko sa kanya.

"Oo, go signal mo na lang ang ina-antay."

Matapos ng pag-uusap namin ay nakatuon na ang atensyon ko sa aming target ngayong gabi.

"Let's start the bedding of this beautiful and sexy virgin lady starts at one million!" Sigaw ng announcer na nasa aking tabi.

"Two million!" Sigaw ng lalaking gusto akong bilhin. Nakatayo lang ako sa gitna at nag-aantay na pataasin ang aking halaga. May-usapan kasi kami ni Nara na pag-umabot ang bid ko ng one hundred million ay ibibigay niya sa akin ang kulay red na Lamborghini niya. At pumayag naman siya.

"Fifteen million!" Sigaw naman ng matanda sa unahan.

"Wala na bang itataas?" Inip na bulong ko sa aking sarili.

Naagaw ng atensyon ko ang isang lalaki na kakarating pa lang naka-black suit ito at mukhang Turkish actor. Gwapo matangkad at maumbok ang ibaba. Sa unahan kasi ito dumaan. Kaya naagaw niya talaga ang atensyon ko.

The Mafia's ObsessionWhere stories live. Discover now