Chapter 8

13 0 0
                                    

Nakakakilabot ang mga tahol ng malalaking aso! At napakabilis din nilang tumakbo! Nahihilo na rin ako sobrang sakit na ng sugat ko. Kahit magpasikot-sikot ako sa damuhan siguradong matutunton ako ng malalaking aso na yun. Hindi ko na alam kung makakaalis pa ba ako at kung aabot pa ba ako ng buhay!

"Keyla!!!"

Narinig ko na naman ang malakas na sigaw niya. Siguradong nakalabas na gilagid noon sa galit sa akin pero wala akong paki-alam kung galit siya sa akin mas galit ako sa kanya!

Pinilit kong ituon ang atensyon ko sa dinadaanan ko dahil napapasin kong mas matatalim na ang bato dito kaysa kanina hangang sa nagmali ako ng tapak at nagulat na lamang ako nang dumulas ang paa ko pababa.

"Ahhh!"

"Keyla!!!"

Jusko! Bakit bangin na itong nasa ibaba ko? Kung hindi ako nakahawak sa nakausli at malaking bato sigurado akong lasog-lasog na ang katawan ko sa ibaba sa lalim ng bangin! Hindi nga ako malalapa ng aso siguradong hindi na ako mabubuhay kapag tuluyan akong nahulog dito!

"Keyla! Humawak ka sa akin!"

Nagulat ako nang pagtingala ko ay mukha niya ang bumungad sa akin. Balewala ang bilis ng takbo ko dahil mas mabilis ata siyang nakapunta dito.

"Keyla, bilisan mo!" Natatarantang sabi niya.

"Ayoko! Hindi tayo bati!" Galit na singhal ko sa kanya. Isip bata na kung isip bata mataas talaga ang pride ko at walang ibang puwedeng bumali noon not even him!

"Damn it! Kapag hindi ka humawak sa akin mahuhulog ka ng tuluyan! At siguradong hindi ka na mabubuhay!" Galit na sabi niya sa akin. Minura pa ako? Mas lalo ko tuloy naisipan na magmatigas.

"Mabuti pang mahulog na lang ako kaysa bumalik sa'yo! Ikaw na rin ang may sabi diba? Kung alam mo lang na ganito akong babae hindi mo na ako dadalhin dito? Bakit mo pa ako tutulungan?" Pagmamatigas ko sa kanya. Sinamaan ko siya ng tingin, pero ang totoo kaunti na lang bibitaw na ako. At kapag hindi niya pinutol ang pagdudugtong ng kilay niya hindi ko talaga tatangapin ang tulong niya!

"Dito pa talaga kayo nag-aaway?" Litanya ni Harvey. At may dala siyang puting lubid na agad naman niyang ibinagsak sa tabi ko.

"Pagsabihan mo yang werewolf na yan! Siya ang umaway sa akin! Hayaan niyo na lang akong umalis!"

Nakita ko ang pamumula ng mata ni Thiago. Hindi ko alam kung lalo ba siyang magagalit at imbis na tulungan ay bagsakan na lamang niya ako ng bato para tuluyan na akong mahulog sa bangin.

"I-I'm sorry...hindi ko sinasadyang sumigaw at magdabog. I'm sorry Keyla, kunin mo na ang kamay ko please?" Mahinang sambit niya. Pakiramdam ko ay hinaplos niya ang puso ko dahil sa paki-usap niya. At dahil marupok akong babae aabutin ko na sana ang kamay niya pero natangal ang bato na kinakapitan ko.

"Keyla!"

Kaagad akong nakahawak sa lubid pero hindi ganun kadali dahil na rin sa wala akong harness sumugat sa kamay ko ang lubid. Nakagat ko ang aking labi sa hapdi ng aking kamay at nararamdaman ko pa ang pagkirot ng aking tiyan.

"Hilahin niyo!" Sigaw ni Thiago nang makakapit na ako. Dahil marami sila doon sa taas ay nahila nila ako ng mabilis. Ang suwerte ko pa rin akala ko talaga katapusan ko na kanina pero mas pinairal ko pa din ang galing at ganda ko!

"Nang mai-akyat na ang kalahati ng katawan ko ay tinulungan na ako ni Thiago na mahila paitaas. Maputla at seryosong mukha niya ang bumungad sa akin. Binuhat niya ako na parang bagong kasal at walang kahirap-hirap na naglakad siya pabalik sa mansyon. Nakasunod sa amin ang mga tauhan niyang madami ang ilan ay bitbit ang nakataling aso.

"Papuntahin niyo si Doctor Alvin sa kuwarto ni Miss Keyla ngayon din." Seryosong utos niya.

"Yes Boss!" Nagmadaling tumakbo ang isang tauhan niya.

Hindi man lang niya ako tinatapunan ng tingin at derecho lang siyang naglakad. Hindi ko siya mabasa, minsan naman kalmado lang siya minsan bigla na lamang bubuga ng apoy. At minsan parang lalabas ang pangil niya.

"Aaah!" Napangiwi ako nang maramdaman ulit ang pagkirot ng sugat ko. Nakita ko ang pag-igting ng panga niya. At napahigpit ang kapit niya sa akin. Hindi man lang siya nahirapan na buhatin ako pabalik. Sanay na sanay siguro itong magbuhat ng babae. Pang-ilan na kaya ako sa babaeng binuhat nito?

"Tiisin mo lang ang sakit malapit na tayo." Seryosong sabi niya na hindi pa rin tumitingin sa akin. Galit talaga siya pero pinipigilan lang niya ang kanyang sarili. Siguro inisip niya na kapag nagalit siya lalo ay baka tumakas ako ulit. At lalo lamang kaming hindi magkaka-intinidihan.

"Thiago...I think I'm going to die..." Nanghihinang sabi ko sa kanya. Sinadya ko pang papungayin ang mata ko para maniwala siyang mamatay na ako. At para tumingin naman siya sa akin. Napasinghap siya sa pag-iinarte ko.

"Shut up, kapag hindi ka tumigil hahalikan kita."

Napatakip ako sa bibig ko.

"Nagbibiro lang eh, masyado ka namang seryoso. Gusto mo laang atang makahalik ay!" Pang-iinis ko sa kanya. Salubong ang kilay na tinignan niya ako. At hindi naman ako nagpatinag nagtitigan kaming dalawa.

"Save your strength, because I'm going to sleep in your bed tonight."

Nanlaki ang mata ko nang sabihin niya yun.

"Anong sabi mo? Bakit? Hindi pa kita sinasagot ah? Tapos magtatabi na tayo?" Nanlalaki ang butas ng ilong ko. Sana lamang hindi niya totohanin ang sinabi niya dahil babayagan ko talaga siya kapag may ginawa siya sa akin. Hindi ko pa kayang isuko ang bataan ko! At baka hindi ko din siya kayanin sa laking tao niya.

"It's your fault kung hindi ka tumakas hindi sana ako mag-iisip na maari kang tumakas ulit." Seryosong sagot niya. Nakapasok na kami sa loob ay hindi pa rin kami maayos na nag-uusap.

Inilapag niya ako sa kama pagkarating namin sa kuwarto. Nandoon na rin si Doctor Alvin. Pinalabas niya si Harvey at kami na lamang tatlo ang nasa loob ng kuwarto.

"Doc? Mamatay na ba ako?" Nag-iinarte kong tanong sa kanya habang ginugupit niya ang damit ko banda sa tiyan. Para tignan ang sugat kong sobrang kirot at dumudugo na. Tinangal niya ang gasa sa sugat ko at napapailing siya na tumingin sa akin.

"Ano ba kasing pumasok sa utak mo at tumakas ka pa? Bahagyang bumuka ang sugat mo kaya kailangan 'kong tahiin ulit ito." Sabi niya sa akin na may halong paninisi. Naka-upo lang si Thiago sa upuan at magkasiklop ang tuhod at siko. Daig pa ang lalaking nag-aabang sa manganganak niyang asawa. Magkadugtong pa rin ang kilay nita at mahaba ang nguso pero hindi naman nabawasan ang kaguwapuhan niya.

"Doc, gawin niyo ang lahat ng makakaya niyo para mabuhay pa ako. Bata pa ako at malapit na akong ikasal."

Napatingin siya sa akin at gumalaw na naman ang panga niya. Parang handa na naman siyang bugahan ako ng apoy kapag nagkamali ako ng sinabi kay doc.

"Ikasal?" Ulit ni Doc, habang nililinis ang sugat ko.

"Tama po kayo ng dinig doc, malapit na po akong ikasal doon sa lalaking nasa likod niyo."

Awang ang labi niyang tinitigan ako. Pero hindi ko inaasahan na tatayo siya hindi para lumapit sa akin kundi para lumabas ng pinto ng kuwarto.

Sinundan namin siya ng tingin ni Doc Alvin. Nangingiti at umiiling si doc nang muli siyang mag-focus sa ginagawa niyang pagtatahi sa akin.

"Doc? May nakakatawa ba sa sinabi ko?" Kunot noo na tanong ko sa kanya.

"Wala naman, ngayon ko lang nakitang kiligin ang kaibigan ko." Nakangiting sabi niya.

"Sino po? Si Thiago? Mukhang bang tinatablan ng kilig yun?"

Yung ngiti niya ay naging halakhak kaya lalong kumunot ang noo ko. Ngayon ko lamang nalaman na may lalaking iisa ang expresyon kapag kinikilig.

Puwes! Kung kinikilig ka nga ay palalabasin ko talaga ang ngiti na kita ang pangmais mo.


The Mafia's ObsessionWhere stories live. Discover now