Chapter 6

12 0 0
                                    

THIAGO

Pagkalabas ko ng kwarto ay nagtatakang mukha ni Harvey ang sumalubong sa akin.

"May nangyari ba? Nabawasan kasi ng isang linya ang wrinkles mo don't tell me naka-score ka agad kay Miss K?" Nakangising sabi niya sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin at nagmadali akong bumaba ng hagdan. Nakasunod siya sa akin hangang makababa na ako sa sala at umupo ako sa malaking sofa.

Pina-tingnan ko muna si Keyla kay Doctor Alvin. Para malaman ko kung okay na ba siya at kung pwede na siyang kumain. Narito kami sa mansyon ko, malayo ito sa city at nasa tagong bahagi pa ito ng mataas na bundok. Kaya bangin na ang likuran nito. Para makarating dito ay kinakailangan pang sumakay ng helicopter. Pinasadya ko ang ganito kalayong palasyo para walang ibang makapunta dito. Wala din ibang nagtatangka na pumunta dito dahil bukod sa kontrolado ko ang buong lugar ay heavily guarded din ang lugar na ito. Hindi lang nagkalat ang mga tauhan ko sa labas. Nagkalat din ang mga Doberman pinscher sa nasasakupan ng lupa ko. Kaya dito ko dinala si Keyla upang masiguro ko na hindi niya ako madaling matatakasan.

"Harvey, maupo ka sa harapan ko may itatanong lang ako sa'yo." Seryosong sabi ko sa kanya. Kaagad naman niya akong sinunod. Nang makaupo na siya nagdadalawang isip naman ako kung sasabihin ko ba sa kanya dahil ito ang unang beses na manliligaw ako sa isang babae.

"Ano?" Naiinip na tanong niya sa akin. Napabuntong hininga muna ako bago ko ibuka ang aking labi.

"Nagka-girlfriend ka na ba?" Seryosong tanong ko sa kanya. Sumandal siya sa sofa at inilagay pa niya ang kanyang kamay sa arm rest.

"Oo naman! Hindi ko na nga mabilang eh. At lahat sila patay na patay talaga sa akin. Bakit mo naman naitanong?"

"Tulungan mo akong manligaw."

Laglag ang panga niyang tumingin sa akin.

Hinihimas pa niya ang baba niya na parang ino-obserbahan kung totoo ba ang sinabi ko.

"Ikaw? Manliligaw? May tama ka din ba? Ang pagkakaalam ko si Miss K lang ang tinamaan."

Tumayo ako at humarap sa salamin na bintana overlooking dito ang kulay green na bundok dahil bangin na ang likuran nito.

"I'm serious, kung yun lang ang paraan para pumayag siyang magpakasal sa akin ay gagawin ko. Kaya tulungan mo akong manligaw."

Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin. At tinapik niya ang balikat ko.

"Thiago, pinapataas mo lalo ang respeto ko sa'yo. Isa ka talagang tunay na lalaki. Biro mo? Sa dami nang babaeng binasted mo? Si Miss Keyla lang ang tanging gusto mo tapos pinahirapan ka pa?" Hindi makapaniwalang pahayag niya. Napapailing na tinangal ko ang kamay niya. Hindi ko siya masisisi kung bakit hindi siya makapaniwala. Walang babae na nakakuha ng atensyon ko tanging siya lamang. Kahit maraming babae ang lumalapit sa akin. Wala akong ibang nararamdaman sa kanila.

"Okay, tutulungan kita. Kailan mo balak umpisahan?" Seryosong tanong niya sa akin.

"Mamayang gabi, kaya magisip ka na ng pwedeng kong gawin. Hindi ko alam paano manligaw pero wag na wag mo akong tuturuan ng katarantaduhan kung ayaw mong ipadala kita sa Russia." Banta ko sa kanya.

"Grabe ka! Wag naman doon! Gusto mo na ba akong mamatay ng maaga? Gusto ko pang mabuhay at magkaroon ng anak. Hindi ko pa nga nahahanap magiging asawa ko eh." Reklamo niya sa akin. Kumpara dito mas less ang gulo kaysa sa ibang bansa. Hindi kasi sila takot na pumatay doon dahil may mataas na posisyon sa goberno at mga may empluwensya kaya nagagawa nila kahit illegal. Dati ganun din ang gawain namin. Pero matagal ko nang tinalikuran yun. Mas interesado ako sa mga armas at mamahaling bagay na pwede kong bilhin sa murang halaga. Sakit lang sa ulo kung palagi kang target ng authoridad.

The Mafia's ObsessionWhere stories live. Discover now